"Heto na po ang order niyo, Ma'am. Maraming salamat." bati ko sa customer.
"Thank you." sabi ng babae at agad ngumiti sakin. Ngumiti din ako at bumalik agad sa counter.
Mag-tatatlong buwan na ako nagtatrabaho dito at hanggang ngayon wala pa akong nakikitang trabaho. Akala ko mas mapadali ang pagtatrabaho dito sa Manila kaysa sa probinsiya namin kaso nagkamali ako. Mahirap nga talaga dito.
Halos mag-oovertime ako parati para lang mas dumagdag ng konti ang sweldo ko para maipadala ko sa mga magulang ko, maipagamot ko ang papa kong may sakit. Kahit na 2 beses lang ako kumakain sa isang araw, eh okay na sakin. Ayoko kasing nakakakain ako ng 3 beses sa isang araw ngunit yung magulang ko sa probinsiya eh naghahanap ng makakain dahil di na nangingisda si papa ngayon.
Yeah, isa akong bading. Pero di naman ako halata dahil lalaking lalaki yung aura ko. Hinhin nga lang ako at dun minsan nahahalata na tagilid ako. Alam nila mama at papa yung tunay na ako, tanggap nila ako at supportado sila sakin. Kaya mas naging maginhawa ang buhay ko dahil di ko tinatago ang tunay na ako.
"Oh Kris, mag-oovertime ka nanaman ba?" tanong ng isang kasamahan ko sa trabaho, si Jeff.
"Oo eh, kailangan kasi." sabi ko habang nakayuko.
"Di pa ba magaling yung papa mo?" tanong niya ulit sakin.
"Wala pa rin eh. Natatakot na nga ako baka lumala." sagot ko.
Kinuha niya yung wallet niya sa likuran ng kanyang pantalon at agad kumuha ng pera at inabot sakin.
"Ano yan?" tanong ko.
"Pangdagdag sa ipapadala mo. Alam ko kasi na mas kailangan mo to ngayon." sabi niya sabay ngiti.
"Naku, di ko matatanggap yan. Pinaghirapan mo yan." pagtatanggi ko. Nakakahiya kasi kung manghihiram ako dahil parehas lang kami nagtatrabaho dito.
"Wag kang mag-alala, may extra pa naman ako dito. Tsaka, mauuwi lang yan sa pagbili ko ng beer. Mas mabuting ipapahiram ko nalang sayo dahil mas kailangan mo." sabi niya.
"Sigurado ka bang may natira pa sayo?" tanong ko.
"Oo naman. Budget na budget yung pang-arawaraw ko na gastusin. Kaya tanggapin mo na ito." sabi niya sabay abot sakin yung pera na hawak niya.
"Salamat talaga Jeff ha? Di bale, darating ang araw na nakaluwag ako, babayaran agad kita." sabi ko sakanya.
"Wag mo munang isipin yun. Tsaka, kaibigan mo naman ako." sabi niya sabay akbay sakin.
"Salamat talaga." sabi ko sabay ngiti sakanya.
Natutuwa naman ako na kahit papaano ay may mga kaibigan akong nandiyan parati katulad ni Jeff. Alam naman din niya na tagilid ako, pati na lahat ng kasamahan ko dito alam na din. Classmate ko siya nung nag-aaral palang kami. Sabay kaming nag-apply dito at swerteng natanggap kami pareho. Buti nalang di ako nag-iisa dito, may kaibigan din akong malalapitan at masasandalan.
Pumasok ako sa opisina ng manager namin dito, kumatok ako sa pinto at agad kong binuksan ito.
"Excuse me po, Ma'am?" sabi ko nang nakapasok na ako sa loob.
"Oh Kristoff, bakit?" sabi niya sakin.
"Pwede po bang makausap ka sandali?" sabi ko.
"Sige sige. Maupo ka." sabi niya.
Agad akong umupo sa harap niya.
"Oh, ano bang sasabihin mo?" tanong niya nung nakaupo na ako.
"Ah Ma'am, gusto ko sanang mag-overtime ngayon." sabi ko.
"Aba, halos mag-iisang buwan ka nang nagoovertime ah? Di ka ba napapagod?" sabi niya.
"Kasi po kailangan ko kasi ng pera ngayon para po maipadala sa mga magulang ko sa probinsya." sabi ko habang nilulukot yung panyo saking kamay.
"Napakasipag mo naman. Oh sige, pero sana isipin mo rin yung kalagayan mo. Magkakasakit ka na niyan." sabi niya.
"Okay lang po, basta lang may maipadala." sabi ko.
Kumuha siya ng isang cheke at sumulat doon. Agad niya itong inabot sakin.
"Ma'am di po ako mag cacash advance." sabi ko.
"Mas kailangan mo yan. Sige na tanggapin mo na." sabi niya.
"Ma'am maraming salamat po talaga. Di bale, mag-oovertime naman ako." sabi ko sabay kuha ng cheke sakanya.
"Wala yun. Napakasipag mo kasi at parating inaalala ang pamilya." sabi niya sabay ngiti.
"Oh, Kris tara na." sabi ni Jeff. Nag-overtime din kasi siya.
"Patapos na ako." sabi ko at agad tumungo sa counter.
Niligpit ko lahat ng mga gamit ko pati narin yung mga gamit sa counter. Tingin ko 11:00pm na ng gabi.
"Bihis muna ako." sabi ko sabay punta sa locker room.
Pagkapasok ko sa locker room ay agad akong nagbihis. Lumabas agad ako at tinawag si Jeff.
"Tara na, Jeff." sabi ko.
Agad siyang tumayo at lumapit sakin. Dormate ko si Jeff kaya sabay kaming umuuwi.
Habang naglalakad kami sa kalsada, ay may napansin kaming may lumabas na babae sa isang kumpanya habang umiiyak. Ano kayang nangyari sakanya?
"Ano kaya nangyari dun?" sabi ni Jeff habang tinitignan yung babae na tumatabo palayo.
"Baka napatalsik sa trabaho." sagot ko.
May lumabas na isang lalaki at may dinikit na isang papel. Tinignan namin ito at agad kaming nabuhayan ng loob.
"Naghahanap sila ng secretary!" sabi ko kay Jeff.
"Oo nga eh." sabi niya.
"I-try ko kaya? Ano sa tingin mo?" tanong ko.
"Sigurado ka? Sige ba." sabi niya.
Tinignan ko yung requirements sa papel.
"Birth certificate, 3 1x1 picture, diploma, resume. Ayos!" sabi ko.
"Kailan mo balak mag-apply?" sabi ni Jeff sakin.
"Kung maaari, bukas na. Sayang ang pagkakataon oh?" sabi ko.
"Oh siya sige." sabi niya sakin.
Naglakad na kami papunta sa dorm at pumasok sa loob. Magkaiba kami ng kwarto ni Jeff pero magkatabi lang yung room namin.
Agad kong inayos yung mga requirements para sa pag-aapply ko ng trabaho dun sa kompyang yun.
Pagkatapos kong inayos yung mga requirements, ay agad akong nahiga sa kama. Tinignan ko yung picture frame na nakapatong sa lamesa na may litrato ng mga magulang ko. Kinuha ko ito at tinignan.
"Di bale, ma, pa. Kung matatanggap ako dito ay siguradong magpapadala ako ng mas malaking halaga para mas mapadali ang pagpapagamot ni papa." sabi ko at agad hinalikan ito at binalik sa lamesa.
BINABASA MO ANG
My Boss
General FictionIsang bading na nagpanggap bilang straight na lalaki para magtrabaho bilang secretary sa isang kompanya. Ano kaya ang magiging reaksyon ng kanyang boss kung malalaman niyang bading ang kanyang secretary, na siyang ayaw niya sa mga ito? Abangan....