This day will be the day! Makukuha ko na ang first salary ko and makakapadala na ako kina mama at papa para sa pagpapagamot kay papa. Tila naeexcite ako dahil malaki laki ang maipapadala ko sa kanila.
Pumasok na ako ng maaga para naman di ako mapagalitan ni boss. Naglinis ako ng kanyang opisina at inayos yung mga gamit niyang nakakalat sa table niya.
Pagkatapos kong maglinis ay agad na akong lumabas para makabili ng pagkain. Di pa kasi ako nagaalmusal eh. Mukhang napaaga yata ako dito.
Pumunta ako sa 5th floor para makabili ng makakain. Nag-order ako at umupo sa isang table at doon kinain yung binili ko.
Pagkatapos kong kumain ay agad na akong bumalik dahil baka maunahan pa ako ni boss.
I used the stairs dahil kung gagamit pa ako ng elevator, iikot pa ako sa kabila. Nakakatakot kaya doon kasi madilim.
Nang nakarating ako sa nth floor, sakto din ang paglabas ni boss sa elevator. Bumati ako sakanya nang palapit na kami sa isa't-isa.
"Goodmorning, boss!" bati ko sakanya.
Papasok na sana ako ng bigla siyang tumakbo papasok at sinira yung pinto. Eh?
Agad naman akong pumasok at nagulat ako sa sinabi niya.
"You're late!" sigaw niya sakin nung nakapasok na ako sa loob.
"Po? Bakit? Sabay naman po tayong naglakad dito ah?" sabi ko.
"I arrived first, right?" sabi niya sabay crossed-arms.
Nabigla ako sa sinabi niya. Yun ba yung dahilan bakit siya tumakbo at pumasok sa loob? Dahil gusto niya akong unahan para ako yung late? Bwisit ah?
"Seconds lang naman po ah? Bakit late parin?" sabi ko sakanya.
"Enough. You're late." sabi niya sabay kuha ng papel.
"Actually boss kanina pa po ako dito. Kumain lang ako saglit sa baba." paliwanag ko sakanya.
"Sorry Stoff. But you're late. I will deduct this to your salary." sabi niya habang may sinusulat sa papel na kinuha niya. "You broke rule number 1." dagdag niya.
Ganun ba talaga siya kastrikto? Anak ng! Ako nauna sakanya ah? Bakit niya idededuct sa salary ko? Oh no, baka wala nang natira sa sweldo ko.
"And with that, hm, maybe 1000 pesos?" sabi niya.
Nanlaki yung mga mata ko sa halaga ng ibabawas niya sa sweldo ko. Ang laki na! Pangbayad ko na yan sa renta ng dorm!
"Po?! Ang laki naman po boss!" sabi ko na tila tinatago parin yung hinhin na boses ko.
"Sorry Stoff. Rules are rules!" sabi niya sabay abot sakin yung isang envelope.
Kinuha ko ito at binuklat. Pera.
"Sweldo ko po ba ito?" sabi ko sabay kuha ng pera sa envelope.
"Isn't it obvious?" sabi niya sabay upo.
Tumalikod ako sakanya at binilang yung pera. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag dahil medyo malakilaki yung sweldo kahit na nakadeduct na yung mga ginastos ko including this late thingy!
"Salamat, boss!" sabi ko sabay harap sakanya.
"Naaaah. Get back to work!" sabi niya.
Agad naman akong nag-umpisang nagtrabaho.
*******************
"Hello, anak? Kamusta ka na?"
"Okay lang po ako mama. Kayo kamusta na kayo? Si papa?"
"Ayos lang kami anak. Wag mo na kaming aalahanin."
"Si papa po? Lumalala pa ba yung sakit niya?"
"Ay nako anak, medyo gumagaling na yung tatay mo. Salamat sa Panginoon."
"Amen mama. Sige po magpapadala po ako ngayon ng pera para sa inyo. Mag-iingat kayo jan mama ha? Mahal ko kayo!"
"Mahal din kita anak kahit anong mangyari. Ingat ka diyan ha?"
Agad ko nang binaba yung telepeno at nagbayad sa tindahan.
"Ale pabili din ng biscuit." sabi ko sabay turo sa lalagyan ng biscuit.
"Ilan iho?" sabi nung matanda.
"Dalawa po." tugon ko.
Agad niya itong kinuha tsaka inabot sakin. Binigay ko narin yung bayad tsaka ako nagpasalamat.
"Salamat po."
"Walang anuman." sabi niya.
Agad narin akong dumiretso sa dorm dahil kukunin ko yung pera na ipapadala ko sa mama at papa ko.
Pagkarating ko doon ay agad ko ng kinuha yung pera ko tsaka ako dumiretso isang pera padala.
Nang makarating ako doon ay agad na akong nagfill-up ng form tsaka ko ito binigay sa cashier kasama yung pera na ipapadala ko.
"Okay na po, sir. Maraming salamat!" sabi nung cashier.
"Sige po salamat." sabi ko sabay alis.
Nung pabalik na ako sa dorm, may napansin akong isang lalaki na nakaupo sa labas ng isang restaurant malapit sa dorm ko kasama yung isang babae.
Nilapitan ko sila at doon ko na nalaman na siya at yung girlfriend niya.
Di naman ako nagpakita sa kanila at nagtago ako mula sa mga puno na nakapaligid dito.
"Babe, sorry na." sabi nung babae sabay yakap kay boss.
"Don't do it again, okay Danielle?" sabi ni boss. "I don't like it."
"Yes babe." sabi nung girl sabay yakap sakanya.
Agad na silang pumasok ulit sa loob ng restaurant. Yun ba yung girlfriend niya? Hm.
Agad narin akong dumiretso sa dorm ko para makapagpahinga na. Sakto naman ang paglabas ni Jeff sa room niya.
"Oh, Kristoff! Kamusta ka na?" sabi ni Jeff nung nakita niya ako.
"Hi Jeff, ayos lang ako, ikaw kamsuta?" sabi ko sakanya.
"Ayos lang din." sabi niya.
"Mabuti. Oh siya, papasok na ako." paalam ko sakanya sabay open sa door ng room ko.
"Oh sige, may pupuntahan din ako. Ingat ka!" sabi niya sabay tap sa balikat.
Pumasok na ako sa loob at nagpahinga.
Kinuha ko yung picture frame. Tinitignan ko iyon.
"Magsisikap ako para mas malaki yung maipapadala ko. Tiwala lang mama at papa! Kaya natin to!" sabi ko sabay halik sa picture frame.
BINABASA MO ANG
My Boss
General FictionIsang bading na nagpanggap bilang straight na lalaki para magtrabaho bilang secretary sa isang kompanya. Ano kaya ang magiging reaksyon ng kanyang boss kung malalaman niyang bading ang kanyang secretary, na siyang ayaw niya sa mga ito? Abangan....