Napaiwas ako kasi dumilat yung mga mata niya. Naalala ko yung dati. Lahat bumabalik. Ilang beses na niya akong nahuling nakatingin sakanya at hanggang ngayon nakakahiya parin.
"Ynigo?" tawag ko sakanya para di masyadong halata.
"Yes boss?" sabi niya sakin sabay tayo. Agad naman niyang inayos yung polo niya at lumapit sakin.
"I've already seen your dedication. Good job." sabi ko sakanya. I don't know his exact statement noon pero bahala na. Basta yan yung thought.
"Yes boss." sagot naman niya.
"Well then, I have set my own rules here in my office and as my secretary, you should obey all my rules." sabi ko sakanya.
"Yes boss." sabi niya.
Inabot ko sakanya yung folder that contains my rules. Kinuha niya iyon at binasa.
"Rules and Regulations." sabi niya sabay upo.
Shet di ko mainsert yung 'please read it with your mouth chuchu ba yun? Hay nako.
"Number 1: don't be late." sabi niya.
"Yes, I am strict when it comes to punctuality." sabi ko.
"Number 2: obey all my commands." sabi niya.
"Any clarification about that?" sabi ko.
"Wala po boss." sabi niya.
"Number 3: don't touch anything here." sabi niya.
"Understand?" sabi ko.
"Yes boss." sabi niya. "Number 4: don't lie."
"I really hate that." sabi ko sakanya.
"Rule number 5: don't do crazy stuffs that can distract me." sabi niya.
"Well that's all." sabi ko sakanya.
"Wala pong conditions boss? Like what is your punishment if I disobey your rules?" tanong niya sakin.
"You really want to know?" sabi ko sakanya.
Napakamot siya sa ulo. "Uhm yes?" sagot niya.
"Well then," sabi ko sabay lapit sakanya. Napaatras siya at napasandal sa pader. Nilagay ko yung kamay ko sa magkabilang dulo para di siya makalabas.
"B-boss?" sabi niya.
What the? Ganito pala ang feeling ano? Like ganito at parehong pareho ang nararamdaman ko ngayon. Bakit parang ako ang mas kinakabahan? Diba dapat siya ang kakabahan sa ginagawa ko? The heck Kristoff, gising.
"Yes?" sabi ko sakanya.
"Ano po ba yung punishment?" sabi niya.
"Well lahat ng yun same ang punishment if ever di mo masunod." sabi ko. "And that is..."
Lumapit ako sa bandang tenga niya at bumulong.
"And that is you're fired." sabi ko sabay atras at bumalik sa table ko. Narinig kong huminga siya ng malalim na tila kinakabahan.
Ano ba tong ginagawa ko? Nababaliw na ata ako. Ulol ko.
"But I have another rule which I didn't put into writing." sabi ko.
"Ano po yun boss?" sabi niya sakin.
Tinignan ko siya direkta sa mga mata at ganun din siya sakin. Di ko akalain na lalabas yun mismo sa bibig ko at di ko pinagsisihan ito.
BINABASA MO ANG
My Boss
General FictionIsang bading na nagpanggap bilang straight na lalaki para magtrabaho bilang secretary sa isang kompanya. Ano kaya ang magiging reaksyon ng kanyang boss kung malalaman niyang bading ang kanyang secretary, na siyang ayaw niya sa mga ito? Abangan....