Lumipas ang ilang linggo nang maging kami ni Ynigo. Sobrang sweet niya sakin to the extend na para na akong bata sa paningin niya. Always niya akong pinapasaya and lagi ko namang pinaparamdam sakanya kung gaano ko siya kamahal. Hindi ko lubos maisip na sasaya kami pareho at lalong di ko akalaing magiging akin yung taong pinapangarap ko lang. Ang saya ko lang sobra. Mas lalo akong naiinlove sakanya araw araw dahil parati niya akong pinapakilig. Ewan ko pero ang saya lang, sobra.
"Kumain kana?" bungad na tanong sakin ni Ynigo. Busy kasi siya ngayon kasi marami na siyang projects at kasalukuyan akong tumutulong sakanya sa mga files na kakailanganin.
"Di pa eh, ikaw ba? Nagugutom ka na?" tanong ko sakanya pabalik. Halos parati nalang niyang nakakalimutang kumain dahilan sa sobrang busy siya.
"Di rin haha gutom na ako. Ngayon ko lang naalala na di pa pala ako kumakain." sagot niya.
"Teka, may sorpresa ako sayo." sabi ko at sabay tayo papunta sa bag ko. Kinuha ko yung niluto kong adobong baboy. Sabi kasi ni mama na babaunin ko nalang yun.
"Ano yan?" tanong sakin ni Ynigo habang curious na tumitingin sakin.
"Charan!! Adobong baboy. Kain muna tayo oh?" sabi ko sabay lapag ito sa lamesa.
Napangiti naman siya na parang bata at tumayo agad. Dumiretso siya sa sofa niya at hinila yung lamesa palapit sakanya. Napangiti nalang ako dahil ang cute niya tingnan.
"Salamat dito, Stoff." sabi niya sabay ngiti sakin.
Ang ganda talaga ng ngiti niya. Yung tipong ngiti palang, pamatay na. Kinikilig nanaman ako sa ngiting iyon. Gash Ynigo.
"My pleasure, Ynigo." sagot ko naman.
Hinila nya ako palapit sakanya at pinaupo sa lap niya. Niyakap niya ako patalikod at hinawi ko yung malambot niyang buhok.
"Thank you for loving me, Stoff. I'm grateful you stayed with me." sabi niya sakin.
"Thank you also Ynigo for letting me love you despite of our situation." sagot ko naman sakanya.
Kumalas siya sa pagkakayakap sakin at hinawakan ang magkabila kong pisngi.
"I took a risk just to love you. Alam ko it's not that usual to have a relationship between guy to guy, but di ko pinagsisihan to." sabi niya sakin sabay ngiti.
Napangiti din ako sa sinabi niya. Masaya ako sa ganap sa buhay namin pero alam ko, alam kong may di magandang mangyayari habang pinagpatuloy namin ito. Pero di ako susuko at lalaban ako.
"I love you, Ynigo." sabi ko sakanya sabay hawak sa mukha niya.
"I love you more, Kristoff." sagot niya.
"And I love you most."
Hinalikan ko siya sa noo. Napayakap naman siya sakin at ganun din ako.
I really expect na madami kaming challenges ni Ynigo. Malalaman at malalaman din nila ang tungkol samin. Alam kong maraming tutol sa relasyon namin lalo na yung pamilya niya at sina Danielle din. Di ko alam. Di ko na alam actually ano ang mangyayari. Ihahanda ko nalang sarili ko sa pwedeng mangyari. Basta ngayon, right this very moment, I'm happy with him.
"Kumusta pala kayo ng papa mo?" sabi ko sabay open ng tupperware.
"Di parin kami bati. Di parin niya ako kinakausap pero I have a plan na kitain siya mamaya para kausapin siya." sagot niya.
"Sana magkaayos na kayo." sabi ko.
"Sana nga pero I know na galit na galit siya sakin. Sa ginawa ko ba naman, pero I'll try." sabi niya.
BINABASA MO ANG
My Boss
General FictionIsang bading na nagpanggap bilang straight na lalaki para magtrabaho bilang secretary sa isang kompanya. Ano kaya ang magiging reaksyon ng kanyang boss kung malalaman niyang bading ang kanyang secretary, na siyang ayaw niya sa mga ito? Abangan....