Nagising ako ng maaga. Ay, mali. Di talaga ako nakatulog dahil siguro sa sobrang excitement na aking nararamdaman. Imagine, ngayong araw na kami pupunta ng Davao. 10am yung flight namin. 2am palang ng umaga.
Umupo ako sa kama ko at kinuha yung phone. Tinext ko si sir Marco na hihintayin ko nalang siya dito sa dorm. Sinabihan niya kasi akong susunduin niya ako.
Nagring yung phone ko. Tinignan ko kung sino yung tumawag. Si sir Marco.
"Gising pa pala siya?" sabi ko sa sarili ko tsaka ko inaccpet yung call.
"Oh, bat gising ka pa?" sabi ko sakanya.
"Di ako makatulog eh. Ikaw ba?" sabi niya.
"Di rin. Excited ako eh."
"Ako din. Nasa dorm ka ngayon?"
"Oo. Bakit?"
"Puntahan nalang kita jan. Para sabay na tayo."
"Ha? Bawal bisita dito."
"Di yan. Ako bahala. Wait lang, kunin ko lang gamit ko. Wag mong ibababa ha?" sabi niya.
Loko ba siya? Bawal nga rito ang bisita. Ano bang nakain niya?
"Nasa kotse na ako. Papunta na ako jan."
"Sige sige. Ibababa ko na, mag-aayos lang ako."
"Okay sige."
Pagkababa ng cellphone ay agad na akong nag-ayos ng kwarto ko. Pagkatapos ay umupo nalang ako sa kama para hintayin siya.
Maya maya ay may kumatok.
Si sir Marco ba yan? Paano naman siya nakapasok? Sino ba nagpapasok sakanya?
Agad akong tumayo at binuksan yung pinto.
"Sir Marco?" sabi ko. "Paano ka nakapasok?"
"Sikreto ng mga gwapo. Papasukin mo na ako." sabi niya.
Agad ko siyang pinapasok at in-on yung ilaw. Umupo siya agad sa kama ko at ngumiti.
"Ganda pala ng room mo." sabi niya.
"Paano ka ba nakapasok dito?" sabi ko sakanya.
"Secret nga." sabi niya.
"Paano nga?" sabi ko.
"Basta, wag nang maraming tanong." sagot niya.
"Paano nga sabi? Sige susuntukin kita." sabi ko sakanya.
"Okay okay fine. Sinabihan ko si Ynigo na pupunta ako dito."
"Ha? Gising din siya?"
"Yep, nandito nga siya ngayon. Nasa labas siya." sabi niya.
Si boss Ynigo? Nandidito? Pero bakit? Bakit ba ako nagtatanong eh sakanya naman tong dorm. Tanga ka Kristoff.
"Talaga? Akala ko kasama niya si Danielle?" sabi ko.
"No. Pinauwi niya si Danielle." sabi ni sir.
"Ah okay. Excited ka talaga ah?" sabi ko sakanya sabay upo sa tabi niya.
"Oo eh! Ganun talaga. Ikaw nga rin eh." sabi niya sabay tawa.
"Oo no? First time ko kayang pumunta ng Davao." sabi ko. "Anong araw ba ninyo imemeet si Mister Novitksy?"
"By Tuesday sabi ni Ynigo. Baka daw mapagod tayo pagdating doon." sabi niya.
"Mabuti naman kung ganon. Nasan ba siya?" sabi ko.
BINABASA MO ANG
My Boss
General FictionIsang bading na nagpanggap bilang straight na lalaki para magtrabaho bilang secretary sa isang kompanya. Ano kaya ang magiging reaksyon ng kanyang boss kung malalaman niyang bading ang kanyang secretary, na siyang ayaw niya sa mga ito? Abangan....