Chapter 45

8.8K 273 5
                                    

Nandito ako ngayon sa park. Dito ko ibinuhos lahat ng sakit ng nararamdaman ko. Halos wala na akong luha na nailabas dahilan ng naubos na ata. Pagod na akong umiyak. Lahat ng sinabi sakin ni Ynigo natatak sa isip ko. Ang sakit ng mga salitang binitawan niya. Pilit kong inintindi siya dahil iniisip ko na galit lang siya kaya niya yun nasabi. Sa kabilang banda, nagagalit ako sakanya dahil sa kanyang pinagsasabi. Kinamumuhian na niya ako at wala na akong magagawa ngayon.

Iniisip ko din ang mga posibleng dahilan kung bakit galit na galit sakin si Danielle. Pilit kong inaalala kung ano ang nagawa ko sakanya, pero wala. Di ko alam. Hindi ko man lang din napansin ang totoong pagkatao ni Yohan. Di ko alam na magkasabwat pala silang dalawa. Ano bang nagawa ko sakanila? Ano bang kailangan kong gawin para hindi na sila magagalit sakin?

"Kristoff, lumaban ka. Ngayong nandito ka na sa Manila kasama pamilya mo, panindigan mo na." sabi ko sa sarili ko. Pilit kong pinupunasan mata ko kahit wala nang luha. Namamaga na yung mga mata ko.

"Bakit ba nangyayari sayo to Kristoff?" tanong ko sa sarili ko.

Napayuko ulit ako at umiyak ulit. Wala na talagang luhang lumalabas. Napayakap nalang ako sa tuhod ko. Iniisip ko rin paano ko sasabihin kina mama na wala na akong trabaho, isa pa san kami titira ngayon? Papaalisin na din ako ni Ynigo sa dorm.

Gulong gulo yung isipan ko sa mga nangyayari ngayon. Bakit parang niloloko ako ng tadhana? Natatakot na ako sa ano pang pwedeng mangyari. Magsisimula nanaman ako muli.

Aakto sana akong tatayo nang may lumapit sakin. Napatingin ako at nabigla kung sino ito.

"Marco?" gulat kong sabi.

"Kristoff? Anong ginagawa no dito? Anong nangyari sayo? Bakit namamaga mata mo?" sabi niya sakin.

"Ah wala wala, nagpapahangin lang. Sige mauna na ako." sabi ko sabay tayo. Yumuko nalang ako habang naglakad paalis.

Agad niya akong hinala at niyakap. Napahagulgol nanaman ako ng iyak. Di ko mapigilang maiyak sa nangyari.

"Iiyak mo lang yan kung ano man yang dinadala mo. Nandito lang ako." pagcocomfort sakin ni Marco.

Hinayaan niya lang akong umiyak habang kinocomfort ako.


Ilang oras din akong tulala at walang kibo. Di din ako tinanong ni Marco about sa nangyari sakin. Hinayaan niya lang ako.

"Marco," pambungad na sambit ko.

"Bakit?" sagot niya.

"Bakit parang ang sama ng tadhana sakin?" tanong ko.

"Alam mo Kristoff, everything happens for a reason. Di natin alam bakit nangyayari ang mga bagay bagay. Siguro we can learn something from it." sabi niya.

"Ang sakit lang." sabi ko.

"Masakit talaga yan lalo na't di mo to ineexpect na mangyari. Kahit na gaanong paghahanda ang gawin mo, basta nangyari na sayo, masakit parin." sagot niya.

"Matanong ko lang, ano ba nangyari sayo?" sabi niya.

Shinare ko lahat ng nangyari saakin kanina sa opisina. Mula sa simula hanggang sa huli. Habang shinashare ko sakanya lahat, parang bumabalik yung sakit, naiiyak nalang ulit ako sa mga salita na nabitawan ni Ynigo.

"Gago talaga yang mga taong yan!" galit na sabi ni Marco. "Bakit nila nagawa yun sayo? Ha!?"

"Ewan ko Marco. Yun na nga ipinagtataka ko kung bakit nagawa nila sakin yun." sagot ko.

My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon