Kristoff Saavedra's POV
Maaga akong nagising. Ewan ko pero parang gusto ko nang bumangon mula sa pagkakahiga ko sa kama. Medyo madilim pa ang kwarto, siguro napakaaga pa.
Kinuha ko yung cellphone ko at chineck kung anong oras na. Time check, 5:12am. Maaga pa nga.
Tatayo na sana ako nang may nagsalita.
"Hey, Stoff." sabi niya.
Alam ko na kung sino ito. Si boss, paano ko nalaman? Well, pagtawag palang niya sa name ko, Stoff. Siya lang ang tumatawag sakin ng ganyan. Feel ko tuloy special ako, ay char.
Pero gising na siya? Maaga pa ah?
Nilingon ko siya at sumagot.
"Yes boss?" sagot ko sakanya.
Bumangon din siya at tumingin sakin. Kahit na medyo messy yung hair niya, still he's handsome.
"Maaga ka atang nagising?" sabi niya sakin.
"Oo nga po eh, di ko alam. Kayo? Bat gising na kayo?" sabi ko sakanya.
"Actually, di ako nakatulog ng maayos kagabi." sabi niya sakin.
Di siya nakatulog? Pero bakit? Ano namang pumasok sa kanyang isip at di siya natulog?
"Ha? Bakit po?" sabi ko sakanya.
"May iniisip lang. By the way, san ka?" sabi niya sakin sabay tayo.
"Lalabas sana. Bakit?" sabi ko sakanya.
"Tara, sabay na tayo." sabi niya sakin.
Sabay kami? Omg. Kaming dalawa lang? Omg. OMG.
"Sige po." sabi ko sakanya sabay tayo.
Agad na kaming lumabas ng room at naglakad patungong lobby. Lumabas kami sa hotel at kitang kita ko ang napakaaliwalas ng daan. Wala masyadong sasakyan dahil maaga pa naman. Kaya naisipan naming maglakad lakad nalang.
Tahimik si boss ngayon. Ay? Di naman bago sakin yun, talagang tahimik talaga ang lokong to. Di ko maiwasang kiligin dahil niyaya niya akong maglakad lakad.
"Ahm, san ka nakatira?" sabi ni boss.
OH. Kinausap niya ako? Asdfghjkllahshdhjfkxbdidh!
"Taga Cebu po ako." sabi ko sakanya.
"Ah, pero bakit nasa Manila ka?" tanong niya sakin.
"Dun po ako nag-aral tapos dun narin magtrabaho." sagot ko.
"Anong course mo? San ka nag-aral?" tanong niya sakin.
"Accounting Technology po. Sa *toot* University." sabi ko.
"Eh? Bakit nag-apply ka as secretary? Eh diba dapat sa banko ka mag-aapply?" sabi niya sakin.
"Alam niyo po, mahirap na maghanap ng trabaho ngayon, mabuti na nga lang naghahanap kayo. Di na ako nagdalawang isip pa. Sayang naman." sabi ko.
"Very good. That's the spirit. Pero di ka ba nagsisi na nagtrabaho ka sa company ko?" sabi niya.
"Hm, to be honest, at first po, oo dahil masungit kayo eh. Oy, wag kayong magalit ah?" sabi ko sakanya sabay peace sign.
"Naaah, no no. Continue." sabi niya.
"Yun po, hanggang sa nasanay na ako at mas iniisip ko po yung magulang ko kaysa sa sarili ko. Kaya tiniis ko nalang." sabi ko.
Tama bang i-open up ko sakanya ang mga bagay na yan? Parang mali atang sabihin ko yun dahil parang personal na eh. Ayoko naman ding magsinungaling, rule number 4, hays.
BINABASA MO ANG
My Boss
General FictionIsang bading na nagpanggap bilang straight na lalaki para magtrabaho bilang secretary sa isang kompanya. Ano kaya ang magiging reaksyon ng kanyang boss kung malalaman niyang bading ang kanyang secretary, na siyang ayaw niya sa mga ito? Abangan....