"Let's prepare." sabi ni boss Ynigo samin ni sir Marco.
Ngayong araw na daw kasi yung meeting nila with Mister Novitsky. Kinakabahan na ako, sana nga makumbinsi nila si Mister Novitsky na mag-invest.
"Okay, magbibihis lang ako. Ikaw pre?" sabi ni sir Marco.
"Magbibihis narin." sabi ko sabay kuha ng gamit sa bag ko.
"Tara, sabay na tayo." sabi ni sir Marco.
Nabigla ako sa sinabi niya. Kami? Sasabay? Hindi niya ba alam na nandidito si boss?
Napatingin sakin si boss. Yung tipong naguguluhan na tingin.
"Mauna ka na, bilisan mo." sabi ko sakanya. Baliw kasi siya eh, gusto niya yata akong ilalaglag.
"Hahaha biro lang. Bihis na ako." sabi niya sakin sabay pasok sa cr.
Nung natapos na akong kumuha ng damit, umupo muna ako sa kama para hintaying matapos si sir Marco. Napaiwas ako ng tingin dahil naghubad na si boss Ynigo ng kanyang shirt.
Ano bang ginagawa niya? Dito siya magbibihis? Oh crap!
Binalewala ko lang yung paghubad niya ng damit na sa kaloob-looban ko ay kinakabahan na ako.
Mas nabigla ako ng bigla niyang hubarin yung kanyang pants. Oh no! Nakabrief nalang siya!
Napalunok ako dahil sa ginawa niya. Nagpapanggap ako na nagtetext kahit wala naman akong katext. Shit!
"Stoff," tawag niya sakin.
Oh no. Please. Wag mo akong tawagin, wag mo akong palingunin sayo.
"Hey, Stoff!" tawag niya ulit sakin.
Huminga ako ng maluwag at tumingin sa kanya, sa kanyang mata. Pinilit ko yung sarili kong pakalmahin.
"Bakit boss?" sabi ko sakanya.
"Can you please lend me the towel inside the cabinet?" utos niya sakin sabay turo sa cabinet niya.
Ako pa talaga inutos niya? Malapit nalang yung cabinet sa kanya, ako pa talaga? Oh GHAD.
Sumunod nalang ako sa utos niya. Kinuha ko yung towel niya sa cabinet at inabot sakanya.
"Eto boss." sabi ko ng di nakatingin sakanya.
"You're avoiding me huh?" sabi niya sakin.
Umiiwas ako dahil sa ginagawa mo, pan de leche!
"Wala boss." sabi ko sakanya ng di nakatingin.
"Why can't you stare at me?" sabi niya sakin.
Malamang baka mabuking mo ko na bakla ako. Shet.
"Wala lang boss." sabi ko sakanya. "Eto na po." dagdag ko sabay abot sakanya nung towel.
Kinuha niya ito at nagtapis na siya. Ngumiti siya at umupo sa kama niya.
Maya maya ay lumabas na si sir Marco.
"Tapos na ako, ikaw na." sabi niya sakin.
Agad na akong pumasok sa loob ng cr. Nakahinga na ako ng maluwag.
"Hindi ka dapat maging apekto doon Kristoff. Mali mali." sabi ko sabay sapak ng mahina sa noo. "Dapat di ka magpaapekto sa susunod para di ka mabuking." at nagpunas na ako.
****
"We're here." sabi ni boss. Bumaba na kami sa taxi.
"Nandito na ba si Mister Novitsky?" tanong ni sir Marco.
BINABASA MO ANG
My Boss
General FictionIsang bading na nagpanggap bilang straight na lalaki para magtrabaho bilang secretary sa isang kompanya. Ano kaya ang magiging reaksyon ng kanyang boss kung malalaman niyang bading ang kanyang secretary, na siyang ayaw niya sa mga ito? Abangan....