Chapter 22

18.3K 553 25
                                    

Ibinigay na sa amin yung assign seats namin at pumasok na sa eroplano.

Hinanap ko yung akin at nakita ko ito sa bandang gitna, at malapit sa window. Agad akong tumungo dun at umupo.

"Ay, diyan ka nakaupo?" tanong sakin ni sir Marco sabay kamot sa ulo. Cutie.

"Oo eh, number 34. Sayo ba?" sabi ko sakanya.

"Number 57, sa bandang likuran ako." sabi niya.

"Okay lang yan, sige na." sabi ko sakanya.

Kinuha ko yung cellphone ko at sinaksak ko yung earphones. Ipinasak ko to sa tenga at nakinig ng music.

Habang nakikinig ako, nakita ko na papalapit si boss Ynigo tsaka si Danielle. Hayz inseparable.

Di ko nalang sila pinansin at itinuon ang pansin sa pakikinig ng music. Kahit anong gawin ko, sweet sila. Wala na akong magagawa.

Hinatid ni boss Ynigo si Danielle sa bandang harapan ng plane. Kiniss niya ito sa pisngi at agad dumiretso sa bandang gitna.

Nabigla ako ng umupo siya sa tabi ko. Bigla akong nakaramdam ng kilig. Lumakas ang tibok ng puso ko. Amoy na amoy ko rin ang pabango niyang nakakaadik. Di ko pinahalata yung nararamdaman ko.

Siniko niya ako at napatanggal ako ng earphones. Gusto ko sana siyang sapakin dahil masakit yung pagkakasiko niya sa braso ko. Langya! Wag ka nang aangal.

"Bakit boss?" tanong ko pagkatanggal ng earphones ko.

"Wag kang matutulog ah?" sabi niya sakin. Nagtatagalog nanaman ang loko.

"Yes boss. Makikinig lang ako ng music." sabi ko sabay ngiti. Ibinalik ko yung earphones ko sa pagkakapasak.

Maya maya ay siniko niya muli ako at tinanggal ko yung earphones ulit.

"Bakit boss?" tanong ko ulit.


"Listen." sabi niya.


Nagsalita yung flight attendant na aalis na daw kami. Inayos ko yung sarili ko at umupo ng maayos. Huminga ako ng malalim.

"First time?" bulong sakin ni boss na nagbigay sakin ng kiliti. Napalayo ako dahil dun.


"Ah, yes boss!" agad na sabi ko pagkalayo ko sakanya.


"Oh, okay." sabi niya sabay sandig ng ulo niya sa likod.

Ano ba problema nito? Bigla bigla nalang kinakausap ako. Hayz. Ano ka ba Kristoff? Dapat maging masaya ka dahil nakatabi mo si crush.

Tumingin lang ako sa labas at nagstart ng umandar yung eroplano. Una dahan dahan hanggang sa bumilis ito at lumipad na.


"Aaaaah!" sabi ko nung umakyat na sa ere yung eroplano. May nararamdaman kasi ako sa tiyan eh. Ganun ba talaga to?


"Why?" sabi ni boss sabay tingin sakin.


Ngayon ko lang napansin na nakahawak na pala ako sa braso ng boss ko. Agad ko itong tinanggal at umayos muli ng upo.


"Ah, hehe, wala boss!" agad na sabi ko.


Ano bang ginagawa ko? Mas mahahalata ako nito pag ganito yung inaasal ko. Umayos ka Kristoff, trabaho mo ang mawawala pag nagkamali ka.

Nasa ere na kami at kitang kita ko yung mga puting ulap at mga bahay bahay sa baba. Ang liliit at ang ganda ng view. Nakakatakot nga lang.


Ipinasak ko muli yung earphones ko at nakinig nanaman ng music. Nakakarelax talaga kapag nakikinig ka sa music, nakakagaan ng loob.

Napapikit ako habang nakikinig sa music. Hanggang sa sinabayan ko ng kumanta si Ariana Grande.

My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon