Chapter 39

14.5K 488 68
                                    

Kristoff's POV

Maaga akong nagising. Ay mali, di ako nakatulog ng maayos dahil sa mga nangyayari ngayon. I don't know kung totoo ba ito o guni guni lang ang lahat. Di ako makapaniwala na nangyayari na 'to sakin.

Agad na akong bumangon at dumiretso sa CR upang maligo. Tapos, nagbihis at nag-ayos sa sarili.

"Ang aga mo ata ngayon anak?" sabi ni mama na kakagising lang.

"Opo mama, may kailangan pa po kasing tapusin." sabi ko. LIAR KRISTOFF. LIAR.

"Ah ganon ba? Oh sige mag-iingat ka ah?" sabi ni mama sabay ngiti. Mukhang gusto pang matulog ni mama dahil di pa niya tuluyang nabuklat yung mga mata niya.

"Sige na mama, alis na po ako. Ingat kayo dito. Tawagan niyo lang ako kung may kailangan kayo." paalala ko kay mama sabay kuha ng bag ko.

"Wag kang mag-alala anak." sabi ni mama sabay higa ulit.

---

Papasok na ako sa elevator patungo sa opisina ni boss. Lutang parin ang isip ko until now. Pre-occupied ng mga pangyayari na imposible na nangyari in reality, at sa akin pa talaga. Kinikilig and at the same time kinakabahan. Hays.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa opisina ni boss, nagulat ako sa aking nakita. Si boss. Natutulog.

"Bat siya nandito? At bakit tulog na tulog siya?" sabi ko sa isip.

Nilapitan ko siya at tinignan. May pasa siya sa gilid ng labi niya. Ano kaya nangyari sakanya? Sino ba gumawa ng kalokohan sakanya?

Agad akong kumuha ng towel at kumuha ng hot water sa dispenser. Hinaluan ko ito ng malamig na tubig para maging katamtaman lamang ang init nito. Agad kong binasa ang towel at dahan dahang ipinahid ito sa gilid ng labi ni boss.

Habang ginagawa ko yun, tinigtignan ko siya. Ang gwapo parin ni boss kahit na tulog at may pasa pa. Ang gwapo gwapo niya parin. Para siyang inosenteng bata na natutulog.

Nung natapos ako, agad kong nilinis lahat ng kalat sa opisina niya. Syempre nagdahandahan ako, baka magising eh, lagot na. Baka mapagalitan ako neto.

Nung natapos akong maglinis, grabe tulog parin si boss. Siguro napagod to o natagalan siya bago nakatulog. Umupo muna ako sa sofa niya at tinitignan si boss na natutulog.

So sobrang attracted ako sakanya, di ko mapigilan sarili kong lapitan ulit siya. Ngayon sa isip ko, chance ko na tong titigan ang napakagwapong mukha ni boss. Di naman siguro ako mahahalata nito diba? Ah bahala na.

Lumapit ako sakanya at tinitigan ang gwapo niyang mukha. Hinahawi ko yung buhok niya na napakalambot. Inamoy ko pa ito (nakakaloka hahahaha) grabe ang bango.

"Boss," sambit ko.

"Ewan ko ba anong meron sayo at nakuha mo yung loob ko. Na kahit na napakasuplado mo sakin noon, di ko parin maiwasang ma-attract sayo. Tila para kang angel in physical but demon inside." natawa ako sa sinabi ko. "Yun na nga, sasabihin ko to sayo harap harapan, kahit na tulog ka, mas maganda kasi kapag tulog ka, di mo maririnig. Gusto kita boss, gusto kita, Ynigo." dirediretso kong sabi.

Lumakas yung tibok ng puso ko after ko sinabi ang linyang yun. Tinititigan ko parin siya until now. I just want to look at his face all day and all night. Di ako magsasawa.

"Gusto din kita, secretary ko. Gusto kita, Kristoff."

Napaatras ako dahil nagsalita si boss. Lumalakas lalo ang tibok ng puso. Kung gano kalakas kanina, mas malakas ngayon. Feel ko nga lalabas na yung puso ko sa lakas.

My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon