Napalunok ako sa tanong ni boss sakin. Lumakas ang kabog ng dibdib ko ngayon. Kinakabahan ako. Ano bang isasagot ko? Anong magandang palusot? Ghaaaaaad. I'm doomed.
I cleared my throat para ibalik yung panlalaking boses ko.
"Ano boss?" sabi ko.
"You're staring at me." sabi niya sakin habang nakatingin parin diretso sa mga mata ko.
"Di boss ah?" sabi ko.
This time, tumulo yung pawis ko galing sa noo ko. Kahit malamig dito sa loob ay mas nangingibabaw parin ang kaba ko. Pinahid ko yun gamit ang panyo na nasa kamay ko.
"Then why are you nervous?" sabi niya sakin.
"Di po ah? Bakit naman ako kakabahan?" pagdedeny ko pa.
"You're not nervous? Then why are you sweating?" sabi niya sabay smirk.
"Kasi mainit po boss eh. Hoo grabe." sabi ko sabay acting na pinapaypayan ko ang leeg ko gamit ang aking panyo.
"It's kinda cold here, then you're sweating?" sabi niya sakin.
Kailan ka ba matatapos magtanong ha? Pagod na akong mag-isip ng palusot ko at umacting na parang wala lang to?
"Boss, galing kami sa labas ni sir Marco diba? Gumamit kami ng stairs kaya pinapawisan ako." sabi ko sakanya.
"Don't deny it. You're staring at me." sabi niya sabay smirk ulit. "Am I too handsome to stare at?" dagdag niya.
Shit this!
"Boss, mas gwapo nga ho ako sa inyo. Ano bang pinagsasabi mo diyan?" sabi ko. Oh yan, kinareer ko na talaga ang pagiging lalaki ko.
"So what do you call about that thing you did earlier?" sabi niya sabay lapit pa ng mukha niya sa mukha ko.
Napaatras ako at agad nagsalita. "Ano bang ginawa ko kanina?" sabi ko.
"Remember the rule number 4?" threat niya sakin.
"Opo!" agad na sagot ko.
"So?" sabi niya.
Anak ng! Ano ba? Di parin ba siya titigil? Ano bang ipapalusot ko para huminto na ang lokong to? Hanggang ngayon mabilis parin ang tibok ng puso ko. Kinikilig ako and at the same time kinakabahan.
"Okay fine. Tinititigan kita boss kasi minimeasure ko kung sino mas pogi satin kapag tulog." sabi ko sakanya.
Umatras naman siya at umayos ng tayo sabay ayos din ng kanyang coat. Bumalik siya sa table niya at umupo doon..
Nakahinga na ako ng maluwag. Mabuti naman at tumigil na siya, baka kasi di ko kakayanin pa kung nagpatuloy parin siya sa pagtatanong.
"Whatever you say jerk, I am more handsome than you." sabi niya sabay kuha ng kanyang cellphone.
Alam ko naman eh. Di naman ako aangal diyan, gwapo ka nga talaga at cute ako. Okay?
Napangiti naman ako sa sinagot niya at mukhang nahalata naman niya iyon.
"What's funny?" sabi niya sakin.
"Wala ho boss!" sabi ko sakanya.
"Ang ingay niyo naman!" sabi ni sir Marco sabay kusot sa mata. "Ano ba pinag-aawayan niyo?" dagdag niya.
"None of your business." sabi ni boss habang naglalaro sa kanyang cellphone.
"I actually heard it, loud and clear." sabi ni sir Marco.
"Oh, then why are you asking?" sabi ni boss habang naglalaro parin sa cellphone niya.
"Wala lang." sabi niya sabay tayo.
BINABASA MO ANG
My Boss
General FictionIsang bading na nagpanggap bilang straight na lalaki para magtrabaho bilang secretary sa isang kompanya. Ano kaya ang magiging reaksyon ng kanyang boss kung malalaman niyang bading ang kanyang secretary, na siyang ayaw niya sa mga ito? Abangan....