Nabigla ako ng sobra sa tanong ni boss. Bakit tinanong niya ang ganyang klaseng tanong? Bakit ako pa ang tinanong niya? Sa dami dami ng tao, ako pa talaga? Baka sinusubukan niya ako? Nahalata na ba niya na bakla ako? Wag naman sana please?
"Ano boss?" pablind kong sabi kahit malinaw sakin kung ano yung tinanong niya.
Agad naman siyang napa-alog ng kanyang ulo. Mukhang natuhan ata.
"Nevermind." agad niyang sabi sakin at balik sa kanyang pagsusulat or ano bang ginagawa niya.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil akala ko, tinitest niya ako. Nawala lahat ng takot ko. Mabuti naman di na niya itinuloy, baka mapaamin ako bigla, naku lagot na.
Bumaba na ako sa lobby dahil uwian na namin. Wala na din si boss dito dahil maaga siyang umalis. Siguro may date sila nung girlfriend niya.
Pagkababa ko ay agad kong nakita si sir Marco na nakaupo sa mga upuan malapit sa information area. Nilapitan ko siya at binati.
"Sir Marco!" sabi ko sakanya at lumingon siya sakin sabay ngiti.
"Oh, Kristoff." sabi niya sabay tayo at hinarap ako. "Tara na?"
Tumango lang ako at agad na kaming lumabas sa office. Dumiretso kami sa parking lot at sumakay sa kotse niya.
"San mo gusto kumain?" sabi niya sabay fasten sa kanyang seatbelt.
"Akala ko biro mo lang yun kanina?" sabi ko din sabay fasten sa seatbelt ko.
"Di ah? Ang biro ko dun ay ang pagtawag ko sayo ng pare. Ano, ayos ba?" sabi niya sakin sabay ngiti.
"Loko! Napagalitan tuloy ako nun. Tama nga rin kasi siya, dapat sir tawag ko sayo." sabi ko.
"Okay na yun. Ayos nga eh. Tsaka, magkaibigan naman tayo." sabi niya.
"Bakit mo gustong makipagkaibigan sakin? Tsaka, di ka ba naiilang? Isa pa, bakla ako." sabi ko sakanya.
"Dahil gusto ko. Di naman ako namimili ng kaibigan eh." sabi niya sabay paharurot ng sasakyan.
"Talaga?" sabi ko.
"Oo naman. Marami akong kaibigang bakla. Ewan ko pero gustong gusto ko talaga sa mga bakla. Natutuwa kasi ako sa kanila." sabi niya.
"Talaga? Di ka nandidiri?" tanong ko.
"Bakit naman ako mandidiri? Hindi naman sila masasamang tao. May iba nga lang bakla na bastos pero di ko sila ginegeneralize." sabi niya.
"Oo nga. Yung ibang lalaki pag nalamang bakla ang isang tao ay pandidirian na dahil iniisip nila na marumi sila." sabi ko.
"May iba ring lalaking di nandidiri, at isa na ako dun." sabi niya sabay tingin sakin tsaka kumindat.
Hala?
"Tigil-tigilan mo ako sa pangingindat mo sakin PARE ha?" sabi ko sakanya.
"Bakit pare? Kinikilig ka?" sabi niya sabay ngiti.
"Di no! Walang talo talo." sabi ko sakanya.
"Talaga lang ha? Baka isang araw nainlove kana sakin." sabi niya.
"Di mangayayari yun!" sabi ko.
Inihinto niya ito sa isang mamahaling restaurant. Bumaba naman kami at agad ko siyang kinausap.
"Hoy, bakit dito tayo? Mahal dito ah?" sabi ko sakanya.
"Bakit? Sinabi ko bang ikaw magbabayad?" sabi niya sabay hawak sa braso ko. "Tara na."
BINABASA MO ANG
My Boss
General FictionIsang bading na nagpanggap bilang straight na lalaki para magtrabaho bilang secretary sa isang kompanya. Ano kaya ang magiging reaksyon ng kanyang boss kung malalaman niyang bading ang kanyang secretary, na siyang ayaw niya sa mga ito? Abangan....