Chapter 17

19.1K 623 49
                                    

"Dude, it's almost done. Nasa sa iyo kung ieedit mo pa ba." sabi ni sir Marco sabay abot ng FDD sakanya. Kinuha ito agad ni boss.

"Okay good. I'll check it." sabi niya sabay pasak to sa laptop niya.

"Good good. It's perfect." habang chinicheck ni boss yung ginawa ni sir Marco kagabi. "We will now prepare our files." dagdag ni boss.

Agad umupo si sir Marco sa sofa tsaka niya in-on yung tv.

Pinagpatuloy ko yung pagfifill-up ng mga papeles dito. Naiilang parin ako sa kaniang dalawa. Ibang klase din kasi ang nangyari kagabi, whoo intense.

"Stoff," tawag ni boss sakin. Tinignan ko siya at sumagot.

"Yes boss?" sagot ko.

"Come here." sabi ni boss habang nagscascan ng mga papeles.

Agad akong lumapit kay boss.

"Bakit boss?" sabi ko pagkalapit ko sakanya.

Inabot niya sakin yung mga folder at kinuha ko ito.

"Another set." sabi ni boss pagkaabot niya sakin nung mga folder.

"Okay boss." sabi ko tsaka ako bumalik sa table ko.

Tinignan ko si sir Marco at nakita kong nakatingin din siya sakin. Ngumiti siya and I smiled back.

Agad kong sinimulan lahat ng gagawin ko ngayong araw. Medyo busy ako ngayon dahil dito sa mga ipinapagawa ni boss. Ngayon ko lang nafeel na secretary ako. HAHAHA.

"Are you ready for next week?" sabi ni boss kay sir Marco.

"Yeah. Actually I'm excited, you?" sabi ni sir Marco.

"Excited yet nervous. Do you think we can convince Mister Novitsky?" tanong ni boss kay sir Marco.

Kinakabahan pa pala tong lokong to? Di halata sa mukha eh.

"Yeah of course. Nakuha mo nga ako, siya pa kaya." sabi ni sir Marco.

"I hope so." sabi ni boss. Tumingin siya sakin tsaka siya nagsalita. "Prepare yourself. Next week will be our trip going to Davao."

Naeexcite ako sa trip namin sa Davao. First time ko to! Alam ko na trabaho lang ang pagpunta namin doon pero di ko parin mapigilan ang maexcite. Gusto kong gumala doon sa Davao, ang ganda kaya dun!

"Yes boss. Ilang days po tayo dun?" tanong ko.

"Hm, 1 week, I guess?" sabi niya. "Just bring enough clothes." dagdag niya.

Siguro sa 1 week na yun, baka gagala kami. Imposible naman kung hindi, diba?

"Okay boss." sabi ko sabay balik trabaho. Di ko mapigilang ngumiti dahil sa excitement at galak na makapunta sa Davao. Weee.

Nang natapos ko na yung mga pinapagawa ni boss, nagstretch ako ng kamay dahil sa pagod. Grabe, ang dami kong trinabaho.

Tinignan ko sila. Si sir Marco nakatulog sa sofa, si boss naman patuloy sa pag gamit niya ng laptop niya. Siguro inaayos niya talaga yung mga iprepresent kay Mister Novitsky.

Tumayo ako at kinuha yung bag. Kumukulo na kasi yung tiyan ko, remember, di masyado ako nagbrebreakfast dahil sa maaga akong pumupunta dito.

Nagpaalam muna ako kay boss para naman alam niya.

"Boss, kain po muna ako. Gutom na po kasi ako eh." paalam ko sakanya.

"K." sagot lamang niya.

Sanay na ako sa mga "K" na reply. Okay lang, okay lang talaga. Promise! No hard feelings.

My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon