Chapter 19

19K 603 18
                                    

Ilang araw nalang ang natitira at pupunta na kami ng Davao City! One of the safest city in the whole wide world! Ang saya lang, pero mukhang di ko talaga magagawa yung mga plano kong gumala doon. Paano ba naman kasi eh trabaho talaga pinunta namin doon at hindi para gumala.

Hanggang ngayon di parin mawala-wala sa isip ko yung kahapon, nung muntikan na akong mabuking ni boss na bakla ako. Nag-ooverthink kasi ako eh, paano kung nalaman niya yun? Papaalisin na niya ako sa company niya at ipapahiya. Rica kasi eh, pahamak. Sinabihan ko narin siyang wag akong tawaging bakla pag nasa opisina kami, tatawagin lang niya akong bakla kapag nasa labas na kami o kahit saan. Wag lang talaga dito.

Nandidito ako ngayon sa table ko at nag-aayos ng mga papeles. Always na ata akong haharap sa mga papel na ito. Naku naman baka magpalit na kami ng mukha ng papel, mahirap na.

Wala pa si boss, and I think na may pinuntahan lang siya. Mabuti narin yun para makakilos ako ng maayos. Baka kasi iba na ang mga ikinikilos ko kapag nandiyan siya sa tabi tabi.

"Magsalita ka naman diyan!" sigaw sakin ni sir Marco. Nahalata niya kasing tahimik ako ngayon.

Tinignan ko siya at ngumiti.

"Busy kasi eh." sabi ko nalang habang ipinagpatuloy ang pag-aayos ng mga papeles. Iniisip ko parin yung kahapon.

"Eh? Noon nga kung busy ka, maingay ka talaga, pero anong nangyari ngayon? May problema ka ba? You can tell me." sabi niya sakin sabay tayo sa kinauupuan niya.

"Wala no? Ano bang pinagsasabi mo?" sabi ko sakanya.

"Halata na kasi na mukhang iba ang ikinikilos mo ngayon. Mukhang malalim ang iniisip mo. Ano ba kasi yan?" sabi niya.

"Wala nga, ano ka ba?" sabi ko sakanya.

"Ano ba kasi yan? O baka naman ako ang iniisip mo?" biro niya sakin sabay ngiti ng nakakaloko.

"Kapal ka din eh no? Bakit naman kita proproblemahin?" sabi ko sakanya.

"Dahil may crush ka sakin." sabi niya. "Alam ko naman kasing gwapo ako at hot, kaya di na imposibleng magkagusto ka sakin. Tama ba ako?"

Naiinis ako na natatawa sa sinasabi niya. Ang kapal din ng mukha nitong sir ko ah? Oo gwapo siya pero di ko naman siya crush eh. Kapal talaga!

"Excuse me with the capital E, hindi no? Ang kapal mo din." sabi ko sakanya.

"Weh? Di ka nagwagwapuhan sakin?" sabi niya.

"Gwapo ka. Pero di ako makagusto sayo no?" sabi ko sakanya.

"Wag na, dinedeny mo pa eh. Aminin mo na kasi." sabi niya sakin.

"Bakit ba ang kulit mo? Wala nga akong gusto sayo. Gusto mong malaman anong nasa isip ko ngayon?" sabi ko sakanya.

"Ano nga? Kanina pa kita tinatanong eh." sabi niya.

"Gusto kitang barilin ng shotgun!" sabi ko sakanya.

"Harsh neto. Baka mamimiss mo ko pag babarilin mo ko." sabi niya. "Wala ka ng crush ng pogi at hot na kasing tulad ko."

"Whatever with the capital W. Hindi kita type no? Atsaka, may crush na ako." sabi ko.

"Weh? Sino? Ako ba yan?" sabi niya.

"Kasasabi ko lang po na hindi kita type." sabi ko.

Napasimangot siya. Ang cute.

"Sino ba yan?" angas niyang tanong.

"Si boss Ynigo." sabi ko sakanya.

"Si Ynigo?" sabi niya.

"Oo. Bakit?" sabi ko.

"Bakit siya? Eh ang sungit sungit nun." sabi niya.

"Ewan ko din. Tatanungin ko muna yung puso ko bakit siya ang napili niya." sabi ko.

"Wag ka na dun, masasaktan ka lang. Hanap ka nalang ng iba. May mga gwapo naman jan sa paligid na mababait at gentleman." sabi niya sabay hawak sa chin.

Nagpaparinig ata tong lokong to ah? Lumang style na yan!

"Sa paligid?" lumingon lingon ako sa paligid. "Wala naman eh."

"Meron nga. Hanapin mo." sabi niya.

"Wala nga talaga. Si boss lang talaga eh." sabi ko.

"Wag ka na kasi doon." sabi niya.

"Bakit ba?" sabi ko sakanya.

"Tulad nga ng sabi ko, masasaktan ka lang. May girlfriend na yun no? Tsaka he's straighter than a pole." sabi niya.

"Alam ko no? Crush lang naman. Tsaka wala naman akong plano na kunin siya. Ano ka ba?" sabi ko. "Ewan ko nga bakit siya." dagdag ko.

"Naku dapat alisin mo na yan, ayaw niya sa mga bakla. Paano kung malaman niya yan?" sabi niya.

"Bakit naman niya malalaman? Magsusumbong ka ba?" sabi ko.

"Di naman. Alam kong lumang kasabihan na ito, walang sikretong di nabubunyag." sabi niya.

"Walang mabubunyag kung ang bibig mo ay nakatikom. Tsaka, malabo na yun." sabi ko.

"Ikaw bahala, basta sinabihan na kita." sabi niya.

Why so caring, sir?

Maya maya ay may bumukas ng pinto. Napaayos naman ako ng upo at bumilis ang tibok ng puso ko. Naalala ko nanaman yung kahapon. Kinakabahan ako baka naniwala talaga siya dun. Naniwala kaya siya sa palusot namin? Sana nga.

Kahit na medyo malayo siya sa kinauupuan ko, amoy na amoy ko ang pabango niya na kinaadikan ko noong nagsisimula pa ako sa trabaho ko. Ang bango talaga! Gentleman's scent, kumbaga.

"Goodmorning boss." bati ko sakanya.

"Hey, bro." bati din ni sir Marco kay boss Ynigo.

"Goodmorning." sabi niya without any expression. Parang tubig kung baga, walang lasa.

Umupo siya sa table niya. Inilagay niya yung bag niya sa gilid at kinuha yung laptop. Tinawag niya si sir Marco.

"Bro, look at this. Come." sabi ni boss.

Agad na tumayo si sir Marco tsaka siya pumunta sa likuran ni boss Ynigo. They look so adorable, ang gagwapo.

"Yes. It's perfect. I think we're ready." sabi ni sir Marco.

"I think so. How about yours? Can I see it?" sabi ni boss kay sir.

"Sure." sabi ni sir tsaka niya kinuha yung laptop niya at inilagay ito sa tabi ni boss.

"Woah. That's great." sabi ni boss na mukhang namangha sa ginawa ni sir Marco.

Tinignan ako ni sir Marco at kumindat. Ano ba nakain niya?


"Malapit na tayong aalis bro. Are you ready?" sabi ni sir Marco.

"Yeah I know. I'm starting to pack my things." sabi niya.

"Good." sabi ni sir Marco.

Naeexcite na talaga ako sa trip to Davao City namin. My goodness, first time in forever.

May bumukas ng pinto. Tinignan ko ito at nagulat sa nakita. Isang magandang babae ang aking nakita.

"Hi babe." sabi nito at pumasok na ito ng tuluyan.




Actually guys kagabi pa sana to, kaso nakatulog ako hahaha sorry. Sino kaya ang babaeng yun? Abangan.....

My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon