Chapter 49

10.2K 315 12
                                    

Bumukas yung pinto at nakatingin lang ako kung sino ito. Si Ynigo.

"Goodmorning." bati niya sakin habang papasok. Nakawhite longsleeves siya at nakaslacks paired with black shoes. Then nakaayos ang kanyang buhok. Ang linis niya tingnan. In short, ang gwapo.

"Morning." tipid kong sabi. Casual lang dapat tayo dito kasi trabaho lang tayo. "Bakit ka late?"

"Sorry. May inasikaso lang kasi." sabi niya sabay lapit sakin.

Lumakas lalo ang tibok ng puso ko. Bakit ba siya lumalapit sakin? Anong gagawin niya?

Inilapag niya yung folder na hawak niya at napatingin ako sakanya. Kinuha ko yun at inopen.

"Para san to?" tanong ko sakanya.

"Mag-apply po. Bilang secretary niyo." sabi niya.

Napatingin ako balik sakanya. Baliw ba siya? Sabi ni Mister Mordeo, boss kami pareho dito bat magaaply siyang secretary ko.

"Seryoso ka ba? Diba sabi ni-" di ko na naitapos yung sasabihin ko dahil nagsalita siya agad.

"Alam ko po. Kaya nga ako nalate kasi sinabihan ko si dad na magreresign ako bilang boss at alam kong kaya mo na to and di naman ako magfufunction as boss talaga kasi nandito kana as their own son. I also told him na dapat magsimula ulit ako and magaapply ako ng secretary mo. Pumayag naman siya." dirediretso niyang sabi. "So, yan application letter ko tsaka resume."

Baliw ba siya? Pero I like his decision actually. What if I will do the same just like what he did when I was his secretary? Hmm that's sounds good.

"Well ok." tipid kong sabi.

"Okay?" sabi niya.

"I said okay." sagot ko.

"Okay kasi tanggap na ako or okay dahil di ako tanggap?" sabi niya.

Naalala ko tuloy yang linyang yan. Ganyan din reaction ko noon when he said okay nung nagapply ako. Lol.

"You're hired." sabi ko.

"Yes. Thank you sir." sabi niya sabay lapag ng kanyang gamit sa sofa.

"Get. That. Bag. Out. Of. The. Sofa." sabi ko sakanya.

Agad naman niyang kinuha yung gamit niya tsaka nagsalita.

"Sorry sir." sabi niya.

"Call me boss." sabi ko.

Napakamot siya sa ulo niya dahil siguro naalala niya yung pinagagawa niya sakin noon.

"Yes boss." sagot niya.

"Well please?" inabot ko sakanya yung trashcan. "Pakitapon to."

Agad niya yung kinuha at lumabas ng office.

Natawa ako dahil alam na niya sa labas yun itatapon. Well, gagayahin ko lang ang style niya noon. Akala niya ha?


*

Ang dami kong pinatrabaho sakanya. Utos doon, utos dito. Lahat lahat na. Ako kasi nagcontinue ng mga projects niya and maybe napressure na talaga ako kasi di ko alam paano to susundan. Nakastart na kasi si Ynigo para sa project na to and naipasa sakin. So di ko alam ano ang plano niya with these.

"Need help boss?" pag-alok niya sakin ng tulong.

"No need. Just clean this office." sabi ko sakanya.

"Yes boss." sabi niya sabay linis ng office.

Shit. Ano na? May balak ka pa bang tapusin to? Nakakapagod pala talaga maging boss. Hindi ko alam ano ang uunahin at paano to gagawin. Ynigo!!!!! Ano bang plano mo dito?

***


Ilang days na ang nakalipas at ganun parin ang trato ko sakanya. Utos doon at dito. Walang pinagbago. Ako? Well stuck on the process on how these projects will succeed. Ang hiraaaap!

Nakita ko naman ang dedication ni Ynigo sa trabaho niya. At kinaya niya talagang maging secretary ko ah? Lakas din ng trip nitong mokong nato. Minsan natatawa nalang ako sakanya kasi nakikita ko sarili ko sakanya noon and di ko maisip na nagexchange position pala kami.

"Boss, wala ka na po bang ipapagawa sakin?" sabi niya habang hinihingal. Bago lang niya natapos linisan ang cr.

"Wala naman." tipid kong sabi.

"Okay boss." sabi niya sabay upo sa table niya. "Hay salamat."

Tinitignan ko siya. Natatawa ako at the same time naaawa sa pinagagawa niya. He doesn't deserve this actually. Ano ba tong pinagiisip ko.

Nakapikit siya ngayon. Tila nagpapahinga. Nakahalf open yung polo niya at nakatingala siya. Namimiss ko na siya. Namimiss ko na yung Ynigo ko. Yung pinakamamahal kong tao.

Ang gwapo niya parin. Sobrang gwapo na parang titingnan eh mas mukha talaga siyang boss kaysa sakin. Namimiss ko yung yakap niya, yung halik at sweetness niya lalo na yung kakornihan niya. Yung pagiging conyo niya and all. All about him. I miss HIM.

Ynigo's POV

Ang harsh ko pala dati ano? Ngayon ko lang naranasan na maging secretary slash katulong. I know mahirap kay Stoff ang pinagagawa ko sakanya noon. This time, ako din. Kaya kong maghintay at gawin ang lahat para sakanya. I know this would be hard for me pero kakayanin ko. This is my choice. Pinili kong mahalin ang isang tulad niya at gusto ko siyang mawin back.

Lahat ng pinagagawa ko pinagsisihan ko na. Di ko maisip na bakit ko to nagawa sakanya? Bakit di ko siya ipinaglaban? Bakit ko siya iniwan sa ere? Bakit ko siya sinaktan? Alam ko mali ko lahat. Kung sana nagstay ako sakanya, di sana nangyari sakanya ang mga bagay na di niya deserve maranasan. Napakasama ko.

Nakausap ko si dad regarding sa pagaapply ko ng secretary ni Kristoff. Gusto kong bumawi sakanya through this. Gusto kong maranasan ko rin kung ano maging secretary. Gusto ko siyang pagsilbihan. Gusto kong bumawi sakanya. Mabuti naman naintindihan ni dad yun at pumayag siya. Kaya ako nalate nung first day ni Stoff bilang boss.

Napapansin kong nakatitig siya sakin ngayon. Nagpapahinga ako kasi pinalinis niya ako ng cr what the ang hirap at ang baho ng chlorine. Di ko nakayanan. Langya din tong si Stoff. Pero kahit ganito, mahal ko parin yang taong yan.

Binuka ko yung mga mata ko at tinignan siya. Umiwas agad siya ng tingin at napangiti ako.

"Alam ko yung mga titig na yan Stoff. Alam na alam at namimiss ko yan." bulong ko sa sarili ko.

My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon