Kristoff Saavedra's POV
Di parin maalis sa isip ko yung nangyari. Grabe kinabahan ako dun at the same time kinilig, ay naloko na. Pero seryoso, ano yun?
Nandito kami ngayon ni Marco sa parking lot, ihahatid daw niya ako pauwi. Hinahanap pa niya susi niya sa bag niya, hanggang sa nakita na niya ito.
"Eto na, tara na-" napahinto siya nung nakita niya yung mukha kong may malalim na iniisip.
"Okay ka lang?" sabi niya.
"Hoy! Okay ka lang ba? Mukhang malalim yata iniisip mo ah? Ano bang problema?" sabi niya sakin kasabay ng pag-alog niya ng balikat ko.
"Ah wala wala, tara na nga." sabi ko nung natauhan na ako.
Habang bumabyahe kami, lutang parin ang isip ko sa nangyari. Tahimik lang ako at nakatingin sa labas habang iniisip yung nangyari kanina. It was just like a dream, a dream that everybody wants.
Mukhang napansin nanaman ni Marco yung katahimikan ko, kaya kinausap niya ulit ako.
"Pare, okay ka lang ba talaga? Ano bang problema?" sabi niya.
"Wala no? Don't bother." sabi ko.
"Walang problema? Eh kanina ka pa tahimik diyan eh." sabi niya.
"May iniisip nga lang ako, tsaka di naman yun kailangan problemahin." sabi ko sakanya.
"Osha sha, basta pag may problema ka, don't hesitate-"
"Yah I know, don't worry magshashare ako." sabi ko.
"Good." sabi niya.
Nakarating na kami sa dorm ko, agad na kaming bumaba at nagpaalam sakanya.
"Salamat sa paghatid pare. Mag-iingat ka sa daan." sabi ko sakanya.
Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. Sweet boy yeah?
"Mag-iingat ka rin. Bye." sabi niya sabay pasok sa loob ng kotse.
Agad naman akong pumasok sa dorm.
"Oh anak, kamusta?" sabi ni mama pagkabukas ko ng pinto ng kwarto namin.
"Ayos lang po mama. San po si papa?" sabi ko.
"Ah naghahanap ng trabaho anak." sabi ni mama.
"Ano? Bakit naman? May trabaho na ako mama, bat pa siya nag-abala?" sabi ko.
"Alam mo naman ang mga lalaki anak, yung pride nila. Gusto nila na buhayin ang kanilang pamilya." sabi ni mama.
"Kahit na mama, nakatapos na ako ng pag-aaral, may trabaho na ako at kumikita. Tsaka ako na bahala sa inyo." sabi ko.
"Ewan ko sa papa mo anak, napakatigas ng ulo." sabi ni mama.
Bumukas yung pinto at lumingon kami. Si papa.
"Papa, bakit pa kayo naghanap ng trabaho?" bungad ko sakanya.
"Eh anak, gusto kong makatulong." sabi ni papa.
"Papa, wag ka na kayong mabahala. Kaya ko na to, tsaka dapat ako naman ang magtrabaho para satin." sabi ko sakanya.
"Anak naman, wag mo na akong problemahin. Tsaka may nakita na akong magandang trabaho, tatawagan nalang daw nila ako kung maaapprove yung application letter ko."
(Segway: para sa dagdag impormasyon, high school lang ang natapos ng mama at papa ni Kristoff.)
"Talaga?" sabi ni mama.
"Oo mabuti nga yun eh. Buti may alam din ako kung papaano gumawa ng application letter at resume." sabi ni papa.
"Hay nako papa, basta wag kayo magpapapagod diyan ha? Tsaka sabihan mo ko kung saan at kung anong klaseng trabaho yan." sabi ko.
BINABASA MO ANG
My Boss
General FictionIsang bading na nagpanggap bilang straight na lalaki para magtrabaho bilang secretary sa isang kompanya. Ano kaya ang magiging reaksyon ng kanyang boss kung malalaman niyang bading ang kanyang secretary, na siyang ayaw niya sa mga ito? Abangan....