Kristoff Saavedra's POV
Bukas na ang flight namin pabalik sa Manila. So this will be our last day staying here in Davao, sobrang mamimiss ko ang lugar na to.
Nandidito kami ngayon sa isang coffee shop para i-meet si Mister Novitsky. Nagpatawag kasi siya ng meeting for some important discussions.
Di namin kasama si Danielle ngayon kasi may pupuntahan daw siya kasama ang kanyang mga friends. Sasama na din daw siya pabalik ng Manila bukas and gusto niyang sulitin ang natitirang araw niya with her friends. Kaya siguro naisipan nilang magbond for one last time.
"Matagal pa ba siya? Kanina pa tayo dito eh." sabi ni sir Marco na tila naiinip na sa kakahintay. Almost 1 hour na kasi kaming naghihintay dito at hanggang ngayon wala paring Mister Novitsky na sumusulpot.
"We'll wait." sagot agad ni boss at tumitingin tingin sa paligid. "Oh, he's here."
Napalingon naman kami at nakita ko si Mitser Novitsky na may kasamang isang lalaki. Siguro siya yung secretary niya or I should say kasosyo niya sa trabaho.
"Goodmorning, Mister Novitsky." sabi ni boss sabay abot sa kamay niya. Inabot naman ito ni Mister Novitsky at agad na silang umupo.
"Well, di na ako magpaligoyligoy pa. I will just remind you that by next week pa ang lipad namin sa Manila. There are some important things that we're going to settle here before we leave. I hope you understand." sabi ni Mister Novitsky.
"It's okay sir. It's not a big deal for me. We will just wait for your coming. We will be conducting a meeting after you arrive in Manila." sabi ni boss.
"Thank you very much for understanding." sabi ni Mister N.
"Surething, sir." sagot ni boss.
Habang nag-uusap usap silang dalawa, si sir Marco naman ay kumakain. Nakakatawa naman tong lalaking to, kain ng kain.
Tinignan ko yung kasama ni Mister N. Nakatingin din siya sakin. Ngumiti siya sakin at ganun din naman ako. Well, he's handsome. Maputi, matangos ang ilong, mahaba ang pilik mata at makapal ang kilay. Para talaga siyang business man sa kanyang porma.
"What's your name?" sabi nung lalaki sakin habang nakangiti.
Napatingin ulit ako sakanya. Napatigil din sa pagkain si sir Marco at tinignan yung lalaki.
"Kristoff, Kristoff Saavedra." sabi ko sakanya sabay ngiti.
"I'm Yohan, Yohan Bustamante." sabi niya sabay abot ng kanang kamay niya. Inabot ko rin yung akin at nagkamayan kami. Si sir Marco naman nakatingin parin sa lalaki.
"Nice meeting you, by the way." sabi niya sakin. "Nice meeting you too." sagot ko rin.
Nabigla ako nang inakbayan ako bigla ni si Marco. Tinignan ko siya at nakangiti lang na nakatingin sakin. Ano bang ginagawa niya?
Si Yohan naman mukhang nagtataka sa ginawa ni sir. Nagsmirk lang si Yohan at nakatingin parin sakin.
Naiilang ako sa kakatitig sakin ni Yohan. May dumi ba ako sa mukha? O may ATOM? May kulangot? Pasintabi po. Di ko lang kasi ma-identify bakit siya nakatitig sakin.
"Gusto mong kumain?" sabi ni sir Marco sakin sabay abot ng isang kutsarang may pagkain.
"Hindi na, okay lang." sabi ko sakanya.
"Try mo lang, masarap." sabi niya sabay abot parin sakin ng kutsara.
No choice ako but to eat it. Tama nga siya, masarap. Nabigla ako ng pinahiran ako ni Yohan gamit yung tissue sa bandang gilid ng labi ko. Napayuko naman ako sa hiya.
BINABASA MO ANG
My Boss
General FictionIsang bading na nagpanggap bilang straight na lalaki para magtrabaho bilang secretary sa isang kompanya. Ano kaya ang magiging reaksyon ng kanyang boss kung malalaman niyang bading ang kanyang secretary, na siyang ayaw niya sa mga ito? Abangan....