Chapter 3

23.3K 732 77
                                    

"Goodafternoon sir!" bati ko sa lalaking nakaupo at busying busy sa paper works.

Inangat niya yung ulo niya at napataas ng kilay. Gwapo naman pala tong boss dito. Matangos ang ilong, maputi, maganda ang pilik mata, yung katawan niyang matipuno at matangkad.

"Who are you?" sabi niya sakin habang nakataas parin ang kilay.

"Ako po si Kristoff Saavedra. Mag-aapply sana bilang secretary, sir!" sabi ko sabay abot sakanya yung papeles.

Tinignan niya ako from head to toe tsaka balik agad sa pagawa ng paper works.

"Ok." tipid niyang sagot nang di nakatingin sakin.

Anong ibig sabihin ng ok? Ok dahil tanggap na ako? O ok dahil di ako tanggap?

"Ano po?" takang sabi ko.

Tumigil siya sa pagawa ng paper works at agad tumingin sakin ng masama. Hala?

Napalunok ako dahil para na niya akong pinapatay sa tingin niyang iyon. Ganyan ba talaga siya ka strikto?

"I said, ok." sabi niya habang tinitignan parin ako.

"Ok po? Tanggap na ako?" sagot ko.

"Yes!" sigaw niya.

Magkahalo ang emosyon ko ngayon. Takot dahil sa kanyang titig na parang papatay ng tao. Masaya dahil tanggap na ako. Kaba dahil kung ano ang ipapagawa niya sakin.

"Ok po sir. Kailan po ako magsisimula?" sabi ko.

"Now." tipid niyang sagot.

"Ah sige po. Ano pong gagawin?" sabi ko sabay lapag sa bag ko sa sofa.

"Take. That. Bag. Out. Of. My. Sofa." sabi niya.

Agad kong tinanggal yung bag ko sa sofa niyang MAMAHALIN.

"Naku sorry sir." sabi ko sabay lapag sa bag sa sahig.

"Call me boss." sabi niya sabay balik sa pagawa nanaman ng paper works.

"Okay, boss." sabi ko.

"Here." inabot niya sakin yung papeles na nakalagay sa folder. "Throw this away!" sabi niya.

Agad kong kinuha yun. Ang bigat neto ah? Ano kaya to?

"San ko to itatapon boss?" sabi ko.

"Bobo ka ba? Edi sa basurahan!" sabi niya.

Hala?

"Sige boss." sabi ko at agad kong tinapon yung papeles na yun sa basurahan malapit sa door.

"Not there! Sa labas. Sa ground floor mo itapon." sabi niya.

Oa naman neto. May basurahan ngang malapit dito dun pa sa baba? Atsaka, secretary ako, hello? Hindi utusan!

Agad ko yung kinuha at agad lumabas. Nakakaloko talaga siya. No wonder ang daming di nakatiis sa ugali niya! Sayang yung kagwapuhan niya kung ganyan siya kasungit.

Agad akong dumiretso sa elevator at pinindot yung button. Mabuti nalang at nasa nth floor yung turn ng elevator at nakapasok agad ako.

Habang bumababa ang elevator ay unti unti itong napupuno ng mga tao. Tinitignan nila ako na tila nababaguhan sa mukha ko.

"Siya ba yung bagong secretary ni boss?" dinig kong sabi ng nasa harap ko habang sumusulyap sakin.

"Baka nga." sagot naman ng kanyang kausap.

"Gwapo siya ah?" dinig kong sabi ng babae sa kabila.

"Oo nga." sabi nung isang kasama niya.

Hay nako, kung alam niyo lang na ka-uri tayo.

My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon