Tulala ako ngayon dahilan nang nalaman ko na ang boss ni papa ngayon ay walang iba kundi si Danielle. Sa lahat ba naman nang pwedeng company at sa lahat ba naman ng pwedeng maging boss, si Danielle pa. Pinaglalaruan ba ako ng tadahana?
"Ayos ka lang? Kanina ka pa tulala jan ah?" sabi sakin ni Ynigo. Napansin na niya siguro na tila balisa ako ngayon at wala sa mood.
"Ha? Ah oo ayos lang ako." sabi ko sakanya sabay alog ng ulo ko.
Hinug niya ako at napangiti ako ng bahagya dahil sa ginawa niya.
"Alam kong di ka okay. Nararamdaman ko. Ano ba problema mo? Sabihin mo na. Di ako kumortable na nakikita kitang ganyan." sabi ni Ynigo sakin.
"Wala talaga. Napagod lang siguro ako, medyo masakit din kasi ulo ko ngayon." sinungaling ko. Ayokong sabihin sakanya baka anong maisip niya.
"Are you sure? I don't want to see my love acting like this. I'm sad to see you like this." sabi niya sabay pout.
"Bakit ba ang cute cute mo ha?" sabi ko sabay pinch ng ilong niya.
"Inborn na po." sabi niya sabay ngiti.
Ynigo Santillan!!!! Bakit ka ba ganito sakin? Nababaliw na ako sayo!!!
"Sige alis muna ako, may puputahan lang ako sa lobby. Please be happy okay? I love you." sabi niya sabay kiss sa forehead ko.
"Opo I will. Thank you. I love you too." sagot ko sakanya. Agad naman siyang lumabas sa office.
Napatunganga nanaman ako kasi sumasagi lagi sa isip ko si Danielle. Ghad what is happening?
Napatingin naman ako sa pinto dahil may bumukas nito.
"Oh hi Kristoff!" sabi ni Yohan sakin habang papasok siya.
"Hello Yohan. Anong ginagawa mo dito? May inutos ba sayo si Mister Novitsky?" tanong ko sakanya.
"Wala naman." sagot niya.
"So anong ginagawa mo dito?" tanong ko muli.
"Just visiting you." sagot niya sabay ngiti.
Nabigla ako sa sagot niya. Ano ba nakain nitong lalaking to?
"Eh? Ulol." sabi ko sabay tawa. "Di nga, anong ginagawa mo dito? Anong maitutulong ko?" sabi ko.
"Wala nga haha ikaw talaga. Namiss lang kita." sabi niya.
Is he damn serious?
"Okay?" sabi ko.
Lumapit siya sakin at bigla niya akong hinalikan sa labi. Napatunganga ako. Di ko magalaw ang buong katawan ko sa ginawa niya. It took 5 seconds para mahimasmasan ako at dun na ako nagkaroon ng lakas para itulak siya.
"What the?" sabi ko sakanya. "Ano ba ginagawa mo?"
Imbes sagutin niya ako, he grabbed my arms at sinandal ako sa pader. Hinalikan niya ako sa leeg. Agad naman niyang hinawakan yung bunganga ko para di ko magawang sumigaw. I tried to push him pero shit ang lakas niya. Tinanggal niya yung polo and muntikan na niya akong mahubaran. Pilit kong tinanggal yung kamay niya sa bibig ko at sinuntok siya sa pisngi.
"Gago ka!" sigaw ko sakanya sabay suntok ng malakas. This time nanginginig na ako sa galit. "Ano bang ginagawa mo?!" galit kong sabi.
Agad naman siyang lumabas ng opisina at iniwan akong nanginginig sa galit. Umupo kaagad ako at napahawak sa buhok ko. Inayos ko yung sarili ko para di ako magmukhang dugyot.
BINABASA MO ANG
My Boss
General FictionIsang bading na nagpanggap bilang straight na lalaki para magtrabaho bilang secretary sa isang kompanya. Ano kaya ang magiging reaksyon ng kanyang boss kung malalaman niyang bading ang kanyang secretary, na siyang ayaw niya sa mga ito? Abangan....