Kristoff Saavedra's POVMaaga akong pumunta sa office dahil ngayon na yung meeting ni boss with Mister Novitsky. Dumiretso na agad ako sa office ni boss.
"Goodmorning, boss." bati ko pagkapasok ko sa loob ng opisina niya.
"Oh goodmorning Stoff, samahan mo ako sa meeting room to set up the materials." sabi ni boss sakin.
"Yes boss." sabi ko sabay sama sakanya papuntang meeting room.
"Actually mamaya pang 10am ang meeting ko sakanya." sabi ni boss habang nag-aayos ng projector.
"Ah talaga? Eh bat ang aga nating mag-ayos? 5:34am palang po." sabi ko sabay check sa relo ko sa wrist.
"Wala lang. Para di na tayo mastress later." sabi niya.
"Oo nga naman, sabagay." sagot ko at pinagpatuloy ang pag-ayos.
Matapos naming ayusin ang meeting room, bumalik agad kami sa office ni boss.
"Stoff, chill ka lang ngayon. All you need to do later is to list down all the important matter discussed." sabi ni boss.
Ay talaga lang? Walang gagawin ngayon? So anong gagawin ko?
"Ah eh, anong gagawin ko boss?" sabi ko.
"Nasa sa iyo, di ko alam. Bahala ka na, ah dito ka nalang, samahan mo ko." sabi niya sabay ngiti.
Omyghaaaad. Kahit kailan parati niya akong pinapakilig sa simpleng ngiti at basta! Hay boss ko.
"Osige boss, no problem." sabi ko sabay upo sa sofa niya.
"Bakit ka nga ba naging bading Stoff?" bungad na tanong ni boss. Ay grabe siya.
"Di ko alam boss. Nangyari lang na parang iba yung kilos at nararamdaman ko sa ibang kaibigan kong lalaki." sagot ko naman.
"Ah, nung nalaman ng mga magulang mo about your personality, anong sinabi nila?" sabi niya.
"Okay lang sakanila. Nahalata naman daw nila agad. Nagulat nalang ako ng sinabi nila sakin yun, di ko naman itinanggi, totoo naman din eh." sabi ko sakanya.
"Ah ganun ba? Okay naman pala eh." sabi niya. "Ah by the way, wala ka pa nagiging boyfriend diba?"
"Wala pa po. NBSB ako boss." sabi ko sakanya.
"Ah, so di mo pa alam anong feeling nang naliligawan?" sabi niya.
"Di pa po, pero boss, paano ko ba to sasabihin, ahm, si sir Marco po-"
"I know. He's courting you right? And, para sa kaalaman mo, it's okay with me." sabi niya.
Wait what? Alam na niya? But how? And isa pa, okay lang sakanya? I don't know how or what to react.
"Paano niyo-"
"Di na importante yun. I just want you to be free, to be happy and I know Marco will take good care of you." sabi niya sakin.
"Boss," tawag ko sakanya.
"And most important thing is sana maging wise ka sa mga desisyon mo. Kung saan sa tingin mo na sasaya ka at gagaan ang loob mo, doon ka even if it is hard to choose, all I can say is that, you need to face the consequence of it." sabi ni boss.
"Yes boss." sabi ko.
"Are you happy with him? Will you give him a chance?" tanong ulit ni boss.
"I don't know boss, pero, may gusto po kasi akong iba, and di ko alam paano to ihahandle, first time ko po to. Pero to be honest, I'm happy with sir Marco." sagot ko sakanya.
BINABASA MO ANG
My Boss
General FictionIsang bading na nagpanggap bilang straight na lalaki para magtrabaho bilang secretary sa isang kompanya. Ano kaya ang magiging reaksyon ng kanyang boss kung malalaman niyang bading ang kanyang secretary, na siyang ayaw niya sa mga ito? Abangan....