Chapter 47

9.8K 309 10
                                    

Tila gulat na gulat ang lahat ng nandito. Parang families to families ang ganap. Parents ko, parents ni Danielle and parents ni Ynigo which is very rare na mangyari and di ko to inexpect.

"Amanda? Anthony?" gulat na sabi ni mama.

"Cynthia? Caesar?" gulat ding sabi ng mama ni Danielle, si Miss Amanda ata.

Gulat kaming lahat na magkakilala palang yung parents ko and parents ni Danielle. Pero bakit? Paano? Naguguluhan na ako.

"You knew each other?" sabi ng mama ni Ynigo si Miss Martina ata yung name.

"Oo." sabi ni mama na di parin nakaalis ang mga mata kay miss Amanda. "Kilalang kilala ko."

"How?" tanong ni Mister Mordeo.

"We were friends since then." pasimulang sabi ni Miss Amanda. "She's my bestfriend and we kept on communicating until I graduated college."

"Then?" sabi ni Miss Martina.

"And yun na." sabi ni Miss Amanda.

"Yun lang ba Amanda? Baka nakakalimutan mo anong ginawa mo?" sabi ni mama.

Naguguluhan kaming lahat sa tanong na iyon. Anong nagawa ni Miss Amanda noon? Anong mga rebelasyon ang dapat naming malaman?

"Cynthia, we already talked about it." sabi ni Miss Amanda.

"I know Amanda, pero I think this is the right time." sabi ni mama.

"Ang alin mama?" sambit ko.

"Can you please say it directly? You are confusing us." sabi ni Miss Martina.

"What about it? Para san pa?" sabi ni Mister Anthony.

"Ngayon na ang tamang oras Anthony. Eto na." sabi ni papa.

Mas nadagdagan pa lalo ang confusion samin. Ano bang pinagsasabi nilang apat? Ano bang dapat naming malaman? Ano ba ang sasabihin nila? Anong ibig sabihin nila na tamang oras? Ang ano? Ang alin? Nalilito na ako.

"Cynthia, please don't." pakiusap ni Miss Amanda.

"Are you scared? Bakit? Ha Amanda?" sabi ni mama. "Maraming taon akong nagdusa ng dahil sayo, nang dahil sa ginawa mo. At ngayon nadirito na tayong lahat, at kailangan ko nang sabihin ito sainyong lahat lalo na sayo anak." sabi ni mama.

"Mama," sabi ko.

"Di ka namin tunay na anak, Kristoff." sabi ni papa sakin.

WHAT? Tama ba ang dinig ko? Ampon lang ako? How? Like paano? Bakit?

Nabigla ang lahat sa rebelasyon ni papa. Napayuko naman ang mama at papa ni Danielle ng di alam na anong gagawin.

Nanghihina na ako, parang anytime babagsak ako sa kinatatayuan ko. Namumuo nanaman ang mga luha ko. Di ako makapaniwala.

"Mama, papa, paano? Bakit? Sinong mga totoo kong magulang?" sabi ko.

Huminga ng malalim si mama at nagsalita muli.

"Sila," tinuro ni mama si Miss Martina at Mister Mordeo. "Sila ang tunay mong mga magulang Kristoff."

Napatingin ako sa kanila at tila gulat na gulat din sila sa sinabi ni mama. Namumuo na din ang luha ni Miss Martina, tinitingnan niya ako ng mabuti. Si Mister Mordeo naman di makapaniwala sa narinig.

"W-What? H-how?" sabi ni Mister Mordeo.

"Kung di kayo maniwala, eto." lumapit sakin si papa at ipinakita sa kanila yung necklace ko na may pendant na K. "Ayan, yan ang pruweba. Bata pa lang si Kristoff ay may kwintas na siyang ganyan." sabi ni papa.

My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon