Sa buhay natin, madami tayong tanong na mahirap sagutin. Na kahit nasa harapan na natin ang kasagutan, pikitmata lang natin iyong pinalalagpas kasi minsan masakit malaman ang mga sagot. Masakit malaman ang totoo.
At minsan, akala natin the best na yung nakikita natin na kahit malayo maaabot natin pero nakakalimutan natin tignan at bigyang pansin yung mga bagay at taong nasa tabi lang natin na andyan lang nagaabang sayo. Pero heto ka, nakatingin sa iba.
Bakit nga ganun noh? Kung sino pa ang gusto mo, hindi ka gusto. Kung sino pang hindi mo gusto, siya namang may gusto sayo. Bakit hindi maging fair si kupido sa pagpana ng puso? Yung tatamaan na lang ng sabay para love love love na lang. Pero hindi eh. Sumasablay din sa pagpana si kupido.
Heto pa si tadhana, minsan pinahaharap muna sayo yung mga taong hindi naman pala para sayo. Para ano? Para masaktan ka, para mapaisip ka na "Hindi pa pala siya" at para masabi mong "God bigyan mo naman ako ng love life, yung may true love na". Pero ayun si tadhana, pinapanood ka lang masaktan, umiyak, mag move on at maghanap na naman ng iba. At ayun ulit si tadhana na pagkatapos mong umiyak at mag move on, saka niya palang ipapakilala yung si THE ONE at masasabi mo ng: "Thank you God.Darating din pala siya, siya lang din pala. Bakit hindi ko siya agad napansin?".
Galing ako sa school since half day kami ngayon dahil absent teacher namin sa hapon. Grade 6 lang ako pero maalam na ako mag-isang umuwi. Ako pa!
"Hoy! Tigilan niyo nga siya!"sigaw ko. Oo, boyish ako masyado.
Naglalakad ako ng makita kong binubully ng mga batang lalaki ang isang batang babae.
Pinaghahagis nila ang bag nito na siya namang hinahabol ng batang babae.
Sa lahat ng ayaw ko ay yung mga bully na lalaki.
"Ibalik niyo nga ang bag niya!"sigaw ko.
"Hoy bata, wag ka mangialam."saad nung isang batang lalaki sa akin.
"Ahh ganun,"saad ko. Bigla ko sinipa yung batang sinabihan ako sa kanyang..tooot. kaya napahawak ito doon at namilipit.
Nagpamaywang ako, "Ano? Gusto niyo din matamaan?"tanong ko.
"Matapang ka ah. Anong school ka?"tanong ng isa pang bata na mukhang sisiw sa dilaw ng buhok niya,
"Wala ka ng pakialam."sagot ko. Binitawan na nila yung bag nung batang babae. Kasabay nun ang pagpulot naman nito sa bag at tumakbo na palayo.
Ako naman.... Heto, kaharap ang mga bully.
"Matatamaan ka sa akin!!"sigaw nung batang lalaking nasipa ko sa toooot niya.
Bigla naman akong nilapitan ng dalawang batang lalaking kasama nito at hinawakan ako sa magkabilang kamay.
"Waaaaaaahh!! Bitawan niyo nga ako!!"sigaw ko.
Paika-ikang lumapit sa akin yung batang lalaki at tinaas ang kamay na parang susuntukin ako. Napapikit na lang ako sa takot na baka masira ang mukha ko.
*booogshhh*
Anong ingay yun?
Binitawan ako ng dalawang bata kaya napamulat na ako para makita ang mga nangyayari.
Nakita ko na lang na nagtatakbuhan na ang mga batang lalaki na bully at ang isang batang lalaki na mukhang half filipino half japanese ang nakatayo sa harapan ko at tinatanong ako kung, "Okay ka lang?"
Natulala na lang ako ng tinignan ko siya sa mga mata, wow! Ang ganda ng mga mata niya. Color chocolate brown.
"Sa tingin ko okay ka lang. Sa susunod humingi ka ng tulong sa iba kung ganung mga batang lalaki ang makakaharap mo. Paano na lang kung wala ako?"sagot din nito sa kanyang tanong.
"Thanks."saad ko na lang.
Tapos...
Bigla niyang nilapit ang mukha niya sa akin at...
BINABASA MO ANG
Lookin' for Luv
Roman d'amourMinsan ka na nga lang mainlove sa taong hindi ka pa gusto..sa taong feeling mo pinaasa ka pero wait lang, nag assume ka di ba kahit alam mo namang wala kayong pag-asa? Pero ano pang magagawa mo? Sinapol ka ng pana ni Kupido na sumakto sa puso mo at...