*Kate's POV*
Kating kati na akong sabihin kay Gabe na masama ang ugali ni Vane lalo na sa mga lalaki kaso hindi ko masabi.
Hindi ko din naman alam kung makikinig siya sa akin o paniniwalaan niya ako.
Hindi na kami nakakapagusap kahit seatmates kami.
Lagi na lang siya nakaharap kay Vane.
Last class na namin sa araw na ito pero hindi pa din kami naguusap.
Actually, mula ng dumating si Vane na late enrollee, hindi na kami naguusap ni Gabe.
Ganun siya kaganda para kay Gabe. EH di ako ng pangit! Ako na!
Nakakainis lang.
"Gabe labas tayo mamaya?"saad ni Vane na rinig na rinig ko.
Malamang lalabas kayo mamaya, alangan namang magpaiwan kayo dito di ba? Heller!
"Sure."Saad naman ni Gabe.
Magsama kayong dalawa!
"Good bye,class."paalam ni miss sabay alis. Aba nagmamadali lang?
Tumayo na ako at palabas na sana kaso,,
"Kate!"tawag sa akin ni Gabe.
Tinignan ko siya.
"We need to talk."saad niya.
"I thought we're going out? Makikipagusap ka pa sa baboy na yan?"saad ni Vane.
Baboy? Ako baboy? Ay putcha.
"Hoy ikaw,"turo ko kay Vane. "Kung ako baboy, ikaw hipon. Lahat ng parte ko may pakinabang kahit utak ko, ikaw? Katawan mo lang may pakinabang. H-I-P-O-N!"
Taas kilay pa yan ha. Boom!
"Excuse me, laking ganda ko sayo."sabi niya.
"Ngayon, nagparetoke ka ng mukha di ba? DI ba masakit? Ito kasi (turo ko sa mukha ko) natural."saad ko. Tinignan ko naman si Gabe na pinapanood lang kami.
Hindi aawat?
"Gabe? Tara na. Don't talk to losers!"saad ni Vane na may pahawak hawak pa sa braso ni Gabe.
Landi lang niya putcha naman oh.
"Sige, Kate. Next time na lang,"saad ni Gabe saka sila nagpauna lumabas ng room.
So nakapili na siya.
Hilig pala ni Gabe ang hipon.
"Bye! Botcha!"sigaw ni Vane na utas ng kakatawa.
"Hoy Gabe! I don't want to talk to you. I hate you! Magsama kayo ng hipon na walang utak!"sigaw ko.
Tumingin siya sa akin pero naglakad na lang ako palayo sa kanila. As in ang bilis ko maglakad ngayon ah kahit medyo masakit pa ang nakabendang paa ko.
Saan naman ako dinala ng paa ko?
"Hey, nice to see you here."bati sa akin ni Johannes.
Nasa may tapat ako ngayon ng sentrum at nakasalubong ko itong si Johannes.
"Yeah right."saad ko.
"Bad mood huh."saad niya.
"Uuwi na ako. Bye na. Thanks kahapon."saad ko na lang.
"Wait, samahan mo muna ako."sabi niya sabay hawak sa kamay ko.
"Saan naman?"tanong ko.
"Hintayin natin si Skye."saad niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/60339619-288-k666446.jpg)
BINABASA MO ANG
Lookin' for Luv
RomanceMinsan ka na nga lang mainlove sa taong hindi ka pa gusto..sa taong feeling mo pinaasa ka pero wait lang, nag assume ka di ba kahit alam mo namang wala kayong pag-asa? Pero ano pang magagawa mo? Sinapol ka ng pana ni Kupido na sumakto sa puso mo at...