*Kate's POV*
Lumipas na ang isang buong buwan pero ramdam ko pa din ang sakit. Mahal ko na talaga si Gabe. Hindi ko naman ito mararamdam ng ganito katagal kung crush lang o gusto lang di ba?
Kung pwede lang niya ulitin sa akin yung sinabi niya noong nakulong kami sa elevator, "Pumikit ka lang. Huwag ka matakot. Magiging okay din ang lahat."saad niya noon.
Pero kahit pumikit ako. Kahit maging matapang ako. Hindi na magiging okay ang lahat sa aming dalawa.
Kasalanan ko kasi nagustuhan ko siya.
Ngayon sila ni Vane ang kumpulan ng biruan at tuksuhan sa classroom na minsan hindi ko na kinakaya kaya lumalabas ako kunwari ay iihi lang sa CR.
Minsan titingin na lang ako sa salamin, "Pangit ba talaga ako?" yan lang ng yan ang natatanong ko sa sarili ko.
Ngayon mag isa akong naglalakad since nagawa ng thesis sina Rej at Skye.
Nasa may student park ako..at
Sa kakaisip ko sa kanya....
"Ahh!"
Ang sakit lang talaga. Sumabay pa ang pagiging lampa ko.
Bigla na lang akong nadapa. Sa lahat naman ng pagdadapaan ko sa kitang kita pa ng iba.
Kitang kita ako nina Gabe pero hindi man lang siya tumakbo papunta sa akin para tulungan ako. Kita ko kasi sila na nakaupo lang sa isang tabi.
Umasa ka na naman Kate.
Umasa ka na naman sa wala.
"Are you alright?"tanong ng isang lalaki na nakaluhod na sa harapan ko.
Paupo ang pagkadapa ko kaya napaikot ang paa ko ng matumba ako dahilan ng pagka outbalance ko.
"Thanks, kuya. Okay lang ako."sagot ko.
Paano ko ba idedefine ang salitang "Okay lang ako?"
Okay lang ako kasi buhay pa ako at humihinga?
Okay lang ako kasi may salita pa namang move on?
Okay lang ako kasi gagaling din lahat ng sugat na ito balang araw?
"Kaya mo ba tumayo?"tanong niya.
Sinubukan kong tumayo pero napaupo lang ako agad-agad.
"Let me carry you"saad ng lalaking ito. Sa tingin ko Accountancy ang course niya at ka-year ko lang siya.
Nagpabuhat na lang ako. Gusto ko din naman makaalis na dito dahil pinagtitinginan na nila kami.
Hindi ko na tinignan si Gabe. Pumikit na lang ako at nagpaubaya na sa nagbubuhat sa akin kung saan niya ako dadalhin.
"Nasa clinic na tayo."saad nung lalaki.
Nagmulat na ako ng mga mata.
Inihiga niya ako sa isang kama at siya naman ay biglang humiga sa kabila.
"Nurse nadapa yan, ang clumsy kasi. Hindi na siya makatayo."saad nito na nakapikit na.
Inasikaso naman ako ng nurse at maya-maya may benda na ang paa ko.
"Pwedeng dito po muna ako?"tanong ko habang inaayos ng nurse ang benda sa paa ko.
"Oo naman. Kapag kaya mo na, pwede ka ng umuwi, Buti binuhat ka agad ng boyfriend mo dito kundi baka kung ano na nangyari sa paa mo. Sige na, pahinga ka na."mabilis na nagsasalita ang nurse kaya hindi man lang ako makasingit.
BINABASA MO ANG
Lookin' for Luv
RomanceMinsan ka na nga lang mainlove sa taong hindi ka pa gusto..sa taong feeling mo pinaasa ka pero wait lang, nag assume ka di ba kahit alam mo namang wala kayong pag-asa? Pero ano pang magagawa mo? Sinapol ka ng pana ni Kupido na sumakto sa puso mo at...