*Kate's POV*
After ng klase naglakad na ako papunta sa sakayan ng jeep.
Nakasalubong ko ang ilang student na may klase sa gabi.
Habang naglalakad biglang nagvibrate ang cellphone ko. Tumigil ako saglit sa tapat ng Diokno Bldg. At tinignan ang phone ko.
1 message received:
From: Rej
"Hi girl. Paalam ka sa kuya mo kung pwede ka mag dorm. Layo kaya ng inyo."
Natawa ako. Dalawang sakay lang naman ang amin. Nasa loob ng subdivision ang bahay namin sa Tambo. Tambo lang naman eh.
Nagreply ako, "Hindi na girl. Hatid sundo naman ako ni kuya tsaka heller diyan lang ako sa Tambo nakatira."
Naglakad na ulit ako.
"Kart!!"sigaw ni Gabe ng maabutan akong naglalakad.
Bigla siyang umakbay, "Saan ka na ngayon?"
"Paki mo?"tanong ko.
"Grabe, ganyan ka ba talaga ka sungit? Of course, I care about you."saad niya.
Tinignan ko siya, nakangiti lang siya sa akin. Hindi ngisi ha, ngiti talaga.
Bakit ang gwapo niya?
Tsaka, ano daw? He cares???
"Huwag nga ako. Iba na lang lokohin mo."sabi ko.
Naglalakad pa din kami. Nasa may lobby na kami kasi sarado na sa isang gate dahil 6:08pm na.
"Totoo kaya. I care about you. Paano na lang kung wala ako, eh di wala ng papansin sayo sa classroom?"saad niya.
Yung linyang "Paano na lang kung wala ako..." parang narinig ko na iyon somewhere. Ewan baka sa mga pinapanood ko lang o binabasa.
"Okay na lang."saad ko.
Bigla siyang tumigil sa paglakad kaya napatigil ako. Humarap siya sa akin at hinawakan niya ang pisngi ko.
"I really care. Paano na lang kung wala ang gwapong atulad ko eh di ang boring ng life mo sa klase?"saad niya.
Tinanggal ko ang kamay niya.
Tukso siya eh! Kinilig ako sa ginawa niyang iyon! Putek!
"Tse!"saad ko lang. Naglakad na ulit ako at sumabay siya with matching akbay.
Kung alam niyo lang, kanina pa kami pinagtitinginan habang naglalakad pero baliwala lang sa kanya.
At sa akin? Parang natural na lang sa akin eh.
Waaaaaaah! Lord, ayoko ma-fall sa gwapo at mayabang!
Sabi nga ng teacher ko dati, huwag magmahal ng gwapo kasi madaming kaaway. Baka magkaroon pa ako ng anti-Kate.
Nakalabas na kami ng school pero naka-akbay pa din siya.
Bakit nga pala hindi ko tinanggal? Yaaay! Tukso kasi siya! Tukso!
Tinanggal ko ang kamay niyang naka akbay sa akin.
"Bye na. Ingat sila sayo sa pag-uwi mo."paalam ko. Deretso na akong naglakad papunta sa sakayan at nilagpasan siya.
Nasa harapan ako ngayon ng station ng pulis sa tapat ng school.
Nag-aabang ng sasakyan. Sa ganitong oras pa naman wala masyadong masakyan. Kung wala lang business trip ngayon si kuya, nasundo na niya ako at nasa bahay na ako this time. Kaso meron siyang business trip sa Cavite at bukas pa ng umaga ang dating niya.
BINABASA MO ANG
Lookin' for Luv
RomanceMinsan ka na nga lang mainlove sa taong hindi ka pa gusto..sa taong feeling mo pinaasa ka pero wait lang, nag assume ka di ba kahit alam mo namang wala kayong pag-asa? Pero ano pang magagawa mo? Sinapol ka ng pana ni Kupido na sumakto sa puso mo at...