*Kate's POV*
"Katherine Briones!! Bangon na! Male-late ka na sa school!"sigaw ni kuya.
Napabalikwas naman ako. Grabe, sarap pa ng tulog ko eh.
Tumayo agad ako at bumaba. Handa na ang almusal kaya kumain na ako.
After nun, morning rituals na. Alam niyo na yun.
Tapos ng handa na ang lahat, umalis na kami ni kuya.
Pagdating naman sa school, pagpasok ko palang sa gate nandoon na si Gabe nagaabang.
Hinihintay ba nito si Vane? Ang sweet ha? Tsk!
Nilagpasan ko siya pero,
"Ano yung hindi ko nasabi sayo?"tanong niya sabay hila sa akin.
Magkaharap na kami.
Ano nga ba yun? AH. Oo nga pala,.
"Na kaibigan mo pala sina Johannes at Skye."sagot ko.
"Yun lang?"tanong niya na may pagkadismaya sa boses niya.
"At na ikaw pala yung first kiss ko."yun ang gusto kong sabihin pero hindi ko masabi.
Paano ko nalaman? Nasabi sa akin ni Seven sa bar kagabi.
>>>>Flash back<<<<
"Punta lang akong CR."paalam ko kina kuya Keith.
Lumabas na ako ng VIP room at bumaba kasi nga nasa ground floor ang Comfort room.
Kasunod ko naman si Seven na pupunta lang daw sa counter nila.
"Hey, Kate."saad niya habang pababa kami ng hagdan.
"Hey."sagot ko lang.
Ngayon alam ko ng isa siya sa mga bully boys noon. But I don't mind anymore since matagal na yun.
"Kamusta kayo ni Gabe?"tanong niya.
"Kami? Walang kami. May ako pero walang siya. Walang kami."saad ko.
Natawa naman siya. Medyo lasing na siya halata kasi sa mukha niya dahil namumula mula na ang pisngi niya.
Nakababa na kami.
Ihing ihi na ako...kaso hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko at sinigawan ako!! Lakas kasi ng soundtrip dito sa bar dahil may bandang natugtog.
"Alam mo ang engot mo din noh?"sigaw niya.
"BAKIT?"sigaw ko din.
"Sumasama ka sa taong hindi mo man lang kilala. Sumasama ka sa taong wala namang halaga dyan sa puso mo."dinuro niya ang dibdib ko.
"Anong meron kay Skye na wala kay Gabe? Ha? Eh di ba first kiss mo si Gabe at si Skye ay hamak na bully lang noon kasama namin?Sabagay, nakasalalay naman sa ngayon yung nararamdaman mo hindi sa nakaraan. Pero gusto ka nila pareho eh. Ano? Wala ka masabi? Ha?"saad pa niya.
"Mahalaga sa akin ang first kiss ko pero mahalaga din sa akin si Gabe."saad ko na binulong ko malapit sa tenga niya.
"Ano ba akala mo ha na first kiss mo si Skye? No way. Natipuhan ka lang niya noon dahil sa tapang mong mala-amazona. Hilig niya mga fighter na babae eh. Ano nagulat ka ba? HAHAHAHA wala kang kaalam alam. Hindi ba nila nasabi sayo yun? Si Gabe..siya lang dapat. Siya lang."sigaw niya. Derederetso lang siya sa sinasabi niya dahil hindi ko magawang makasingit dahil na din sa ihing ihi na ako tapos hinaluan pa ng pakiramdam na naiinis ako, na mukha akong engot nga..
BINABASA MO ANG
Lookin' for Luv
RomanceMinsan ka na nga lang mainlove sa taong hindi ka pa gusto..sa taong feeling mo pinaasa ka pero wait lang, nag assume ka di ba kahit alam mo namang wala kayong pag-asa? Pero ano pang magagawa mo? Sinapol ka ng pana ni Kupido na sumakto sa puso mo at...