Chapter 6 Every girls problem

49 2 0
                                    

*Kate's POV*

After two weeks...

Lahat na ng required kailangang sundin sa school.. Lalo na ang rules and regulations.

Ilang araw palang ako sa school pero nasanay na ako na outcast sa klase kahit sa mismong mga ka blockmates ko.

Sanay na akong mag-isa at minsan kinukulit ako ni Gabe.

Lagi na kami ang magkasama kahit nasusungitan ko siya. Grabe kasi ang yabang niya sa katawan.

At isa pa, naguniform na ako ngayong araw. Naka heels na din ang suot ko sapatos, may belt at nakatack-in ang damit ko.

Nakauniform na din kasi si Gabe kahapon pa.

Kaya ngayong umaga, hirap na hirap ako maglakad. Grabe lang hindi ako sanay na mataas ang suot. Oo, 2 inches lang itong suot ko pero may heels pa din noh? Required naman nila ay at least 1 inch.

Nasa may canteen na ako ng maabutan ko na naman ang "Let us all remember that we are in the most holy presence of God...blaaaah blaaaah..." hanggang sa "Good Morning L******ans!"

Naglakad ulit ang lahat. Parang langgam lang kami na nakapila at mula sa pagkakatigil ay biglang sabay sabay at sunod-sunod na naglalakad.

Mabilis lang ang pagpasok ng mga student sa turnstile pero nagtatagal lang naman sa mga manghuhuli. Lunes kasi ngayon at may haircut inspection ang mga boys at syempre ang mga suot lagi tinitignan kung appropriate ba.

Nasa pila palang ako ng mapansin ako nung Discipline Officer o D.O.

"Miss ang belt mo?"tanong nito sa akin. Gwapo pa naman at macho kaso nakakatakot ang boses niya at ang tingin parang mangangain ng tao eh.

Napatingin naman ako sa.. "Naku nakalimutan ko po isuot."

"Give me your I.D."saad nito.

Bad trip naman oh. Kakakuha ko lang nitong I.D. na ito last Friday sa Registrar's Office dun sa medyo chubby pero cute na S.A. doon tapos kukunin lang ng D.O. (T_T)

Tinanggal ko na ang I.D. ko sa I.D. lace at inabot sa D.O.

Tinignan naman nito ang I.D. ko.

"Kunin mo ito mamayang 3pm sa office namin. This will be your warning since bago ka lang dito but next time wear your complete proper uniform."saad nito.

"Okay sir."saad ko lang.

"Pasok ka na."saad nito.

Naglakad na ako papuntang MB 606. Syempre nag elevator na ako since 9:40am ang klase ko at 9:20am palang ngayon. Hindi ako male-late this time at wala masyadong pila sa elevator kasi class hours pa.

"Kart!!"sigaw ni Gabe. Alam kong si Gabe eh, siya lang naman natawag sa akin ng ganun.

"Kate.Ilang beses ko ba yun ireremind sayo?"pagtataray ko sa kanya. Sinabayan na niya ako sa pagsakay sa elevator.

"Kate."bulong niya sa akin.

"What?"tanong ko.

"Alam mo para kang dragon eh, ang aga-aga ang init ng ulo mo."saad niya.

Napatingin bigla ako sa may pindutan ng elevator.

"Pinindot mo ba yung 6th floor?"tanong ko kay Gabe.

"Nope. Hindi mo ba pinindot?"tanong naman niya sa akin.

"Tatanungin ko ba kung pinindot ko."saad ko. Badtrip.

Nang tumigil sa 5th floor ay bumaba na kami baka bumaba pa yung eevator eh, eh di nag trip to the elevator kami kung nagkataon?

"Kate sa may Inasal naman sa Robinson tayo kumain. Unli rice doon eh."saad niya.

"Okay. Libre mo."saad ko.

Oo nga pala, kapag nakain kami sa labas lagi siya ang nagbabayad.

Ewan ko ba sa lalaking ito, may pambayad naman ako pero lagi niya lang binabalik tapos kapag binayadan na niya sasabihin niyang may utang ako sa kanya.

Kakaiba talaga eh noh?

"Lagi kaya ako nanlilibre. Dami mo na ngang utang."saad niya. Sabi na nga ba eh.

Umakyat na kami ng hagdan since nasa 5th floor nga kami dahil hindi namin napindot sa elevator yung 6th floor.

"Dahan dahan."saad niya. Bigla naman niya akong hinawakan sa siko ko at sinabayan sa pagakyat.

"Kaya ko ang sarili ko!"saad ko.

Please Gabe huwag ako! Tukso ka!

Lalo pa niyang hinigpitan ang hawak sa akin tapos bigla na lang siyang umakbay.

"Baka mahulog ka noh, ang taas pa naman ng suot mo ngayon. Hindi ba pwedeng flats?"pansin niya sa sapatos ko.

"Required na may heels at least 1 inch."saad ko naman.

"1 inch eh bakit parang more than 1 inch yan? Paano na lang kung matakid ka o madulas ka?"tanong niya.

Dahan dahan kaming naakyat at kada tulak ko sa kanya para bitawan ako lalo lang niyang hinihigpitan ang hawak sa akin.

Lord, huwag mo naman akong parusahan ng ganito. Sobrang kinikilig na ako.

Wait, What did I just say? Ki-ni-ki-lig ako???

Ohmygawd. Juicecolored! Bakit sa Gabe pa na ito ako kikiligin?

Nakaakyat na kami saka pa lang niya ako binitawan.

"Sa wakas, after a long heavy journey."saad niya.

Anong heavy doon? Hinawakan lang niya ako noh. Hindi niya ako binuhat.

Tsaka kaya ko naman maglakad ng ako lang eh.

*Gabe's POV*

Bakit kasi hindi pa ginawang flat shoes ang mga babae dito? For God sake, hindi naman lahat ng babae dito required sa trabaho nila na magheels kapag nakapagtapos na ng college.

Paano na lang kung may madulas? May masaktan? may mahulog?

Itong Kate naman na ito, nagpupumiglas pa kanina nung inaalalayan ko.

Pero gusto din naman niya.

Sino bang hindi papayag mahawakan ng isang Cedrick Gabriel "Gabe" Dauden?

Nasa loob na kami ng classroom at nakikinig sa sermon ni Miss Olive.

Paano bang hindi siya maninermon? Eh halos kalahati ng klase ang wala ngayon.

"Blaaaah blaaah dapat kasi blaaaah blaaaah..."saad ni miss.

Patay na naman kami next meeting. Malamang magpapaquiz na uli ito.

Umub-ob na lang ako sa upuan ko.

Makatulog na nga lang.

*poke*

"Ano ba Kate?"tanong ko.

*poke*

"Kate alam kong patay na patay ka sa akin. Pero not this time okay?"saad ko.

"Ano pinagsasabi mong patay na patay sayo si Miss Briones, Mr. Dauden?"biglang salita ni Miss Olive.

Napagising ako ng di oras.

Umupo ako ng maayos at napatingin kay Kate na halatang nagpipigil ng tawa habang si Miss Olive naman , "I told you before no sleeping in my class. Nananaginip ka pa that your smart classmate Miss ate would like you."

Nakakahiya!

"Get out!"sigaw ni Miss Olive.

Tumayo na lang ako at lumabas ng room.

Hihintayin ko na nga lang si Kate.

Lookin' for LuvTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon