*Gabe's POV*
After ng gig ko sa bar ni Seven. Madami akong naging reflection.
Gusto ko ng sabihin ang totoo.
Yung wala ng hahadlang sa akin.
Hindi sa nagmamadali ako pero paano na lang kung tama ang sinabi ni Johannes noon.. na baka maunahan pa ako ng iba. Baka maunahan pa ako ni Skye kay Kate.
At alam kong buong buhay ko iyon pagsisisihan.
Wala na akong pakialam kung hindi ako magustuhan ni Kate kasi ang mahalaga alam niyang may nararamdaman akong especial sa kanya.
Nasa bahay kami ngayon ni Cohen dahi birthday ni little brother niya na nagpa-pool party.
Kailangan ko ngayon makausap si Skye.
Pero..
"Hi!"biglang pasok ni Skye kasama si Kate.
Bakit sila magkasama?
Lumapit sila sa amin.
Nagkatinginan pa kami ni Kate.
Iniwas ko na lang ang tingin ko. Sign ba to na huwag ko ng ituloy kasi wala akong pag-asa.
Bigla naman umakbay sa akin si Johannes.
"I like Rej. She's helping me to change my bad habits."bulong ni Johannes habang pinapanood ang pagbebeso-beso ng mag best friend na sina Rej at Kate.
"What kind of bad habits? Yung nginangatngat mo ag daliri mo kapag wala kang magawa?"saad ko.
Natawa naman siya.
"Yung tipong dati napapatingin ako sa mga babae pero ngayon siya lang ang gusto kong tignan. Siya yung nagpabago sa akin sa pagiinom ko. Hindi na ako nainom ngayon for three weeks. Hindi na din ako nanigarilyo for two weeks. No bar. No chics. No night life."saad ni Johannes.
"Yung love story mo dito bitin eh. Kasi ngayon mo palang nalalaman na gusto mo siya. Habang ako, hindi nga bitin pero wala namang pag-asa. Hindi pa ata happy ending."saad ko.
Tinap niya ang shoulder ko at natawa na lang. Pinagtinginan tuloy nila kami. Nakakahiya ang lalaking to.
"Sabi ko naman sayo subukan mong sabihin ang nararamdaman mo sa kanya baka maunahan ka pa ng iba. Ikaw ang nauna, papayag ka pa bang magpaover take sa iba kung malapit ka na sa finish line?"saad ni Johannes.
Napaka ng lalaking to. Pero sabi ko nga, tama si Johannes.
"Han tara doon."biglang hila naman ni Rej kay Johannes. Han? Han ang tawag niya kay Johannes?
HAHAHAHA.
Nasa may pool na ang ilan pero ako nasa may table pa din.
Naghihintay nag pagkakataong makausap ko si Skye.
"Bakit mag-isa ka dyan? Ayaw mo ba pumunta doon sa pool?"lapit sa akin ni Kate.
Umupo siya sa tapat na upuan.
"Wala lang ako sa mood. Ikaw? Nandoon si Skye pero bakit nandito ka?"sabi ko.
"Wala ka kasing kasama dito eh."sagot niya.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya.
Ano bang nangyayari? Mas bumilis ang tibok ng puso ko sa sinasabi niya.
Tinitigan niya ako kaya wala akong magawa kundi tumingin din sa kanya.
"May sasabihin ka ba?"tanong ko.
Umayos siya ng upo.
"Wala naman. Gusto ko lang talaga dito. Ayoko sa may pool."sagot lang niya.
"Bakit ayaw mo?"tanong ko.
"Kasi—ano kasi eh—ah—wala ka kasi dun."sagot niya na sa iba nakatingin.
Napangiti naman ako sa sinabi niya.
Ano daw?
"Ano ulit?"tanong ko kahit narinig ko naman talaga.
"Gusto kita kasama eh. Aangal ka pa ba?"sabi niya.
"Bakit gusto mo ako kasama? Andoon si Skye eh."saad ko.
"Bakit mo ba ako tinutulak sa kanya ha? Hindi ko naman siya gusto katulad ng iniisip mo."saad niya sabay tayo at iwan sa akin.
Tumayo na din ako. Gusto ko malaman kung bakit?
Bakit ganun na lang ang reaksyon niya sa sinabi ko,,,sa tanong ko.
Kaya sinundan ko siya.
"Kate.."habol ko sa kanya.
Nahawakan ko siya sa kamay kaya huminto siya at tumingin sa akin.
"Kate..Kate may gusto akong sabihin sayo."sabi ko.
Huminga ako ng malalim.
Kailangan ko ng aminin at sabihin na mahal ko siya.
Wala na akong pakialam kung magalit si Skye sa akin o kung maging tragic itong proposal ko kay Kate.
Ang mahalaga alam niya.
"Ano yun?"malumanay na tanong niya.
Nakatingin lang siya sa akin. Naghihintay ng susunod kong sasabihin.
Napatingin naman ako sa may bandang kaliwa ko at nakita kong nakatingin si Skye sa amin.
Bahala na.
"Kate I want you to be my girfriend."sabi ko habang hawak pa din ang kamay niya.
Matagal bago siya nag response sa sinabi ko.
Nakalapit na din si Skye sa amin.
"What's the meaning of this? Akala ko ba napagusapan na natin na akin si Kate?"sabi ni Skye na hawak na ang kabilang kamay ni Kate.
Tinignan ko si Kate, "Ano ba pinagsasabi niyong dalawa?"
"Kate maniwala ka sa akin. I love you and I want you to be my girlfriend. Believe me this time, please"sabi ko.
"Don't Kate. Ako ang nagmamahal sayo."saad naman ni Skye.
Buwisit na lalaki to.
"Kate hindi ko hinihingi ang sagot mo ngayon, it's a yes kapag pupunta ka sa New year's eve fireworks event sa oval. I'll wait for you. Sana pumunta ka kasama ko ."sabi ko.
*Kate's POV*
Inilayo ko na ang sarili ko sa dalawang lalaki na iyon.
Buti na lang hindi kami napapansin ng iba naming kasama dito.
"I better go."paalam ko sa kanila.
Lumapit muna ako sa iba saka nagpaalam.
Tinanong nila ako kung bakit ang sabi ko na lang tumawag ang kuya ko.
Palabas na ako ng harangin ako ni Skye.
"Kate, huwag ka maniwala kay Gabe. Kate ako ang nagmamahal sayo."sabi niya habang hawak ang kanang braso ko.
Tinignan ko siya with disgust.
"Ikaw? Iniwan mo nga ako kanina para sa samahan ang ibang mga babae di ba? Tsaka Skye, kahit pilitin ko ang sarili kong magustuhan ka. Hindi ko pa din magawa kasi may gusto na akong iba. I'm sorry."sagot ko.
Dahan-dahan siyang bumitaw sa akin.
"Kahit kailan hindi ko pa nararanasan mawalan o hindi makuha ang gusto ko. Pero hindi ko naman ipipilit sayo na magustuhan mo ako. That would be unfair sa part mo at mas malulungkot lang ako. Fine, I'm letting you go."saad niya na hindi natingin sa akin.
"Thanks, Skye."saad ko saka ako umalis ng tuluyan.
New year's eve? Eh birthday yun ni papa eh.
BINABASA MO ANG
Lookin' for Luv
RomanceMinsan ka na nga lang mainlove sa taong hindi ka pa gusto..sa taong feeling mo pinaasa ka pero wait lang, nag assume ka di ba kahit alam mo namang wala kayong pag-asa? Pero ano pang magagawa mo? Sinapol ka ng pana ni Kupido na sumakto sa puso mo at...