Chapter 17 Estudyante Problem

31 2 0
                                    

*Gabe's POV*

"Kate.."gusto ko siya makausap. Pero hindi niya ako pinapansin. Alam kong narinig niya ang usapan namin ni Skye bago siya mahulog sa hagdan nun.

Gusto ko siya kausapin noon palang pero pinipigilan ako ni Skye.

Na lalo lang siya masasaktan. Pero masasaktan ba siya kung malalaman niya ang totoo?

Kung maniniwala lang siya sa akin.

I like you Kate.

"Saan mo nakita?"

"Grabe ang gwapo nila kaya lalo na nung si Song Mino ng Winner."

"Baliw! Mas gwapo si B.I. ng iKon."

"Hindi ah, si Nam Taehyun kaya!"

"Oo, comeback na nga nila sa lunes eh. Panoodin mo ang MV ng Winner."

Yan ang usapan ng mga babaeng nasa unahan ko.

Mga KPOP addict daw ang mga yan sabi ni Vane kaya nasabi niya sa akin na wag lapitan ang mga iyan pero .

Biglang tahimik ang lahat ng tumayo si miss Olive sa harapan namin na galit na galit.

"While I'm talking to miss Marcela outside , you are all noisy. Get a one whole sheet of paper now!"pagalit na sabi ni miss kaya sunod naman ang lahat.

"Miss quiz po?"nadaling tanong nung isa. Loko talaga! Dapat hindi na nagtanong.

"Yes, it's a quiz now, thanks for you reminding me dapat group work yan pero gagawin niyo na yan individually. Now, copy what's written in the board and answer quietly."saad ni miss.

Ayan na ang sinasabing huwag ng dumali ng ganung tanong eh.

Oo, Student lang kami. Pero tao din naman kami. Nahihirapan din naman kami. Hindi na nga nagdidiscuss magpapaquiz pa dahil lang maingay ang isa sa amin. Hustisya!

Sandali, ang hirap naman ng mga tanong.

Hindi pa naman ako nag aral.

Nilapit ko ng bahagya ang ang aking upuan at siniko si Vane.

"Anong sagot sa number 2?"tanong ko.

Tinignan niya ako ng masama sabay takip ng sagot niya.

Nakita ko naman eh, wala pa siyang sagot.

Lumapit naman ako kay Kate.

Okay, lakasan na to ng loob kailangan ko makapasa.

"Kate.."bulong ko.

Tumingin naman siya sa akin.

"Ahmm..anong sugot sa number 1?"tanong ko.

-____- sabi ko nga eh , wrong move. Tinakpan din niya ang sagot niya sabay irap.

Ang haba pa naman ng sagot niya.

Paano na to? Number 1 palang ako pero wala pa kasagot sagot.

Bigla ko tinaas ang kamay ko.

"Yes, Mr. Dauden"pansin sa akin ni miss.

"Miss, punta lang po akong CR."paalam ko.

"Alam ko na yang mga pakulo mong yan, gasgas na yan."saad ni miss.

Buwisit! Naiihi na talaga ako.

"Pwes, magtiis ka hanggang hindi ka pa tapos magsagot dyan."sabi ni miss.

Sadista pala ito eh.

Tumahimik na lang ako at nagisip ng isasagot.

Wala talaga napasok sa utak ko tsaka hindi nga ako nag-aral eh.

Lookin' for LuvTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon