Chapter 2 The Library

71 2 0
                                    

*Gabe's POV*

Natapos ang klase namin na walang laman ang notebook ko. Una, nakakatamad kumopya. Panglawa, pwede ko namang hiramin ang notebook ng kaklase ko at ipa-photocopy na lang. Pangatlo, wala akong dalang notebook. Simple lang, hindi ako kokopya. Uulitin din naman yan ni miss next meeting.

Nagsitayuan na ang lahat kaya tumayo na din ako. Alangan magpaiwan pa ako dito.

Lumabas na kami at sumakay sa elevator.

"Gabe, gusto mo sumama sa amin?"aya sa akin ng isang babae, kaklase ko ata.

Ewan. Hindi ko naman tanda pangalan niya o mukha.

"Saan naman?"tanong ko.

"Sa Mother's. Tara kumain doon."sagot nito.

"Ah, busog pa ako. Kayo na lang"sabi ko.

Wala akong gana kumain.

Paglabas ay umuna na ako sa paglakad.

Yung totoo? Wala akong magawa ngayon vacant kaya tumambay na lang ako dito sa library. Hindi ko din naman makita yung mga kaklaseko. Hindi ko din naman tanda mga mukha nila.

Nilapag ko na lang ang bag ko sa lamesa at ginawa ko iyong unan. Syempre, alangan namang sa lamesa ako maguunan, tigas kaya.

Umub-ob na ako para makatulog. Hindi naman siguro ako masisita dito. Patay sa akin ang gigising sa akin ng maling oras.

"Skye sigurado ka ba?"rinig kong sabi ng isang babae na nakaupo malapit sa table ko. Actually nasa harapan ko sila.

"Sigurado ako. Nandito siya Rej. Nakasalubong ko siya kanina. Nabangga ko pa nga kaso kung hindi lang ako male-late sa klase ko, kakausapin ko siya eh."sagot naman ng isang lalaki.

Sandali, bakit ba ako nakikinig sa kanila? Hindi ako chismoso. Makatulog na nga lang.

*poke*

"Whaaaat?"bulong ko.

*poke*

"Stop it! Hindi mo ba nakikitang tulog pa ako."sabi ko.

"Ahh-Ouch!!"sigaw ko sa sakit ng kurot sa pisngi ko.

Napahawak ako sa pisngi ko. Ang sakit! Kayo kaya ang kurutin ng may mahabang kuko.

Nagmulat ako ng mata at nagayos ng upo...

"Get out of the library! Kung gusto mo matulog umuwi ka sa inyo. Go ahead!"sigaw sa akin nung librarian ata.

Okay okay okay. Pinagtitinginan nila ako.

Nakakahiya grabe.

"Go!"sigaw ulit nung librarian.

Sama naman nito. Nakikitulog lang eh.

Tumayo na ako.

Tinignan ko ang mga tao sa paligid. Tsk! Ano ako celebrity para pagtinginan pa din?

Makalabas na nga. Wala pa atang isang oras ang tulog ko.

*Kate's POV*

After 2 hours of waiting. Second class na. Galing akong library since doon ang balak kong gawing tambaya kapag vacant ko at magbabasa ako ng mga libro kaya mahaba-haba ang lalakarin ko. Papasok na ako ng south lounge at dadaan na naman sa isang guard. Binuksan ko ang bag ko at...

Wow, ang galing. Tinusok lang papasok ang stick niya sa loob ng bag ko sabay kampay ng "Go. Pasok ka na ineng."

Ganun pala ang safety dito, napaka luwag ng security. I mean, di ba kapag magcheck sila ng bag dapat kinakalkal or tinitignang mabuti pero iba talaga sa school na ito. Sinuksok lang papasok ng bag ko yung stick. Anyway, pumasok na ako baka malate pa ako eh.

Sa ramp ng JRN ako dumaan para hindi masyadong nakakapagod paakyat ng MB. Paliko-liko nga lang at madaming nakakasalubong pero okay lang. Ang next class ko ay sa MB 410-A.

"Hoy Kart! Kart!" rinig ko may sumisigaw. Grabe, hindi ba bawal sumigaw dito sa campus? O.A. naman nito. Hindi ko pinapansin ang mga nakakasalubong ko. Alangan naman batiin ko isa isa eh hindi ko naman kilala kaya patuloy ako sa paglalakad ko.

"Kart! Kart!"rinig kong sigaw ulit ng isang lalaki. Ah-ah ka bingi naman nung tinatawag nun. Kalakas na ng sigaw hindi pa naririnig. Nakakarindi na. Tsaka kailan pa nagkaroon ng Kart na pangalan? Pwede pang "Kurt" o "Kurbi" eh.

"Kart! Ano ba? Bakit hindi mo ako pinapansin?"hila sa akin ni Gabe.

Nagulat ako sa paghila niya kaya natigilan ako. "Kart?"tanong ko sabay turo sa sarili ko.

Tumango naman siya. "Oo, Kanina pa kita tinatawag ni hindi mo ako nililingon. Bingi ka ba? Pasalamat ka nga tinatawag ka pa ng gwapong katulad ko kahit mukha kang nerd at weird."

"Una, Hindi Kart pangalan ko. Pangalawa, hindi ako bingi. Pangatlo, hindi ka gwapo sa paningin ko. In short, wala akong pakialam sayo."saad ko.

Ang hard ko lang. HAHAHA *evil laugh*

Hindi pa din niya binibitawan ang braso ko.

"Ano ba?"tanong ko.

"Sama mo naman. Sa lahat ng sinabi mo ang hindi ko lang maintindihan ay yung huli mong sinabi."saad niya.

Nagtaas ako ng kilay, hindi naman talaga siya gwapo para sa akin. Hindi ko kasi siya type.

Binitawan na niya ako.

"Bakit wala kang pakialam sa akin?"saad nito na naka-pout pa. Mukha siyang pato.

"Hindi bagay sayo kaya wag ka mag-pout, please lang."sabi ko. Naglakad na ako ng mabilis pero nasasabayan niya pa din ako.

Tumigil ako at tinignan siya ng masama.

"What?"tanong niya.

"Bakit mo ako sinusundan?"tanong ko.

"Dito din ako dadaan noh."nakangising sabi niya saka ako nilagpasan.

"Same room kaya tayo dahil ka-section kita." tumatawa pa siya habang naglalakad. Baliw.

Argh!! Nakakahiya.

Nakakainis talaga siya.

Lord, sana maging maayos pa din ang last year ko sa college kahit may lalaking saksakan ng yabang at puro hangin ang utak.

Lookin' for LuvTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon