*Kate's POV*
"Kart!"bati sa akin ni Gabe ng sabay kami pumasok ng lobby.
"Kate. Hindi Kart. Alam mo ba ang pinagkalayo at pinagkaiba nun? O bobo ka lang talaga?"tanong ko habang naglalakad papasok.
Tinignan muna ng guard ang loob ng bag ko. Katulad kahapon, sundot pasok labas lang ang ginawa nung stick sa bag ko.
Pagkatapos naglakad ulit ako at kasabay pa din si Gabe.
"Ang hard mo magsalita. Hindi mo ba nakikita ang mukhang ito? Mukha ba akong bobo? Sa gwapo ko na to bobo? Come on."saad niya.
Tumigil ako sa paglalakad kaya tumigil din siya.
Humarap ako sa kanya.
"Minsan, may pagkakataong may itsura ka wala namang laman ang utak o pangit nga pero ang talino. Yung sayo, baka ung una kong sinabi. "sabi ko.
"Ang sama mo talaga noh? Ikaw, pangit ka na nga, pangit pa ugali mo. Dyan ka na nga!"sabi niya.
Pikon.
Naglakad na ako ng malayo na siya sa paningin ko.
Ako pangit? Pangit ba ang simple lang?
"Kate?"sabi ni Rej???
"Rej! Dito ka ba nagaaral?"tanong ko.
Ayan, napasabit na ako. Huwag po sana ako ma-late ulit.
"Oo, tagal na. Ikaw? Nagtransfer ka dito kailan pa?"tanong naman niya.
"This sem lang."sagot ko.
"May mga kaibigan ka na ba sa klase mo? Gusto mo, sumama sa akin kapag vacant mo?"tanong niya.
"Wala pa akong kilala eh. Anong oras ba ang vacant mo?"sabi ko.
Nagpalitan na kami ng schedule at phone number.
Namiss ko din ang lokang ito eh. Kaklase ko siya nung high school. Bestfriends din kami.
Nagkahiwalay lang naman kami ng mag college na.
Nawalan din ako ng contact sa kanya ng lumipat kami ng bahay.
Nalaman ko din na nagdodorm siya since sa may Lucena ang bahay niya.
Gusto ko din mag dorm! Payagan kaya ako?
Tumingin na ako sa relo ko at nagpaalam sa kanya, "Text na lang kita mamaya baka ma-late ako sa klase eh. Bye!!"
"Bye! See you around!"paalam niya.
Naglakad na ako ng mabilis.
Habang naglalakad nadaanan ko ang mga service driver na nakatambay sa may gilid ng Sentrum, ang mga batang naghihintay ng mga ka-service para makauwi na, ang mga high school na kala mo namamasyal sa luneta sa bagal maglakad, mga teacher na sobrang lakas naman ata ng pagkukwentuhan, ang mga estudyanteng kain ng kain sa loob ng chez, ang mga Culinary students at heto na ang matindi ang guard na pinasok lang ang stick sa loob ng bag ko at hinawakan ang ilalim nito.
Lumagpas na ako ng turnstile at papasok na ako ng MB ng may umakbay bigla sa akin.
Pagtingin ko si Gabe pala. Aba akala ko nagtampo na ito ah.
"Kart ano ngang room natin?"tanong niya.
Lumapit lang pala kasi hindi alam ang room.
Kart. Yan na ba ang new nickname ko? Hindi ba nakikinig ang lalaking ito na "KATE" ang pangalan ko?? O sadyang bobo lang?
BINABASA MO ANG
Lookin' for Luv
RomanceMinsan ka na nga lang mainlove sa taong hindi ka pa gusto..sa taong feeling mo pinaasa ka pero wait lang, nag assume ka di ba kahit alam mo namang wala kayong pag-asa? Pero ano pang magagawa mo? Sinapol ka ng pana ni Kupido na sumakto sa puso mo at...