Chapter 10 A Love Letter

45 1 0
                                    

Kasama ko ngayon si Rej sa may BB canteen since absent si Gabe.

Ewan ko kung bakit absent yun.

Tinext ko naman pero hindi siya nasagot.

"Sino ba talaga girl ang gusto mo?"tanong ni Rej sa akin habang nakain kami ng Siomai.

Tinusok ko muna ng toothpick ang isang pirasong siomai saka binabad sa toyong may kalamansi.

Hmmm..Sarap.

"Si Gabe."sagot ko agad.

"Bakit siya? Sabi mo nung una sa akin ang yabang yabang niya. Masyadong mahangin. Eh bakit siya?"tanong ni Rej.

Sinubo ko na ang siomai. Mainggit kayo! Bwahahaha :D Saraaaaaap!

"Kasi gwapo siya."sagot ko ng malunok ko na ang siomai, uy nginuya ko muna yun ha.

"Yun lang?"tanong ni Rej.

"Mabait naman siya kahit mayabang eh. Gentleman. Masaya kasama. Kahit boring ako kasama minsan, kahit ang taray taray ko, kahit sinusupladahan ko siya,,,okay lang sa kanya."saad ko pa.

"Paano si Skye? Alam mo bang gustong gusto ka niya? Alam mo ba na naikwento niya sa akin na siya yung—."saad ni Rej.

"Oo, siya nga. Pero past na iyon eh. Si Gabe, siya ang present sa akin."saad ko.

"Kung saan ka masaya, susuportahan na lang kita. Basta, dadalaw ako sa inyo sa weekends ha. Namiss ko kuya mo eh."saad ni Rej.

Oo nga pala. Patay na patay yan kay kuya Keith. Paano? Ang gwapo gwapo ng kuya ko. Nyahahah.

Nasa Elementary palang kami at si kuya ay high school na nun ng magkakilala sila ni Rej. Dahil nga best friend kami ni Rej, napakilala ko sa kanya si kuya tapos aba! Crush na daw niya agad. Tapos umabot yun hanggang kami naman ang high school at si kuya college na.

Tumigil lang naman si Rej sa pagpapantasya kay kuya ng malaman niynag may girlfriend na ito.

"Ngayon ba kamusta na lovelife ng kuya mo?"tanong niya.

Sinubo ko ang next piece of siomai.

Hmmm....delicious..Yummy...

"Single ngayon si kuya."sagot ko.

Tapos siya biglang ,"Yohoo!!! Akitin ko kaya ang kuya mo o kaya pikutin ko na?"

"Grabe ka naman! Busy kasi ang taong iyon kaya nawalan siya ng time sa ex niya kaya nga nagbreak sila. Kaya mo ba yun? Yung konti lang ang time sayo ni kuya tapos focus siya sa business namin?"saad ko.

"Basta akin lang siya, masaya na ako nun. HAHAHA."saad niya.

"Bahala ka."saad ko na lang. Wala naman akong pakialam sa lablayp ni kuya basta masaya siya, masaya ako. Eh di happy haha.

Napatingin ako bigla sa relo ko at napagtanto kong time na pala!! Ohmoh!

Kinain ko na lahat ng pagkain ko ng mabilis sabay tayo at nagpaalam na ako kay Rej.

"Sige. Kamusta mo ako kay papa Keith ha!"pahabol pa niya.

Natawa naman ako, "Oo, anak ka na pala ni kuya."

"Tse!"saad niya.

Naglakad na ako may 15 minutes pa ako para maglakad.

Haysss....

Papunta na ako sa room kaya syempre mapapadaan muna ako sa turnstile. At ang guard ngayon ay isang that's my tomboy.

"Good mOrning."saad nito sabay tingin sa aking I.D.

Lookin' for LuvTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon