Chapter 22 New Year's Eve

49 2 0
                                    

*Gabe's POV*

Last week..

Last week nung sinabi ko kay Kate ang nararamdaman ko.

Halos isang buong semester ko din siya nakasama pero wala eh..nahulog agad ang loob ko sa kanya.

Hindi kasi siya mahirap mahalin. Hindi mahirap magustuhan.

Ngayon.. naghihintay ako sa kanya dito sa ilalim ng malaking puno habang ang lahat nagsasaya na sa gitna ng oval kung saan madaming kainan at may malaking bonfire.

Mayamaya naaninag ko si Johannes kasama si Rej.

Lumapit sila sa akin.

"Sinong hinihintay mo dyan? Ang dilim dilim jan oh. Andoon kaming lahat sa gitna tapos ikaw magisa ka nageemo diyan."saad ni Johannes.

"Are you waiting for Kate?"tanong naman ni Rej.

Hindi ako nakasagot.

Oo, hinihintay ko siya. Pero..

Pero darating ba siya?

"Sorry ha. Hindi mo ba alam na birthday ng papa niya kaya maaaring nasa isang theater silang buong pamilya ngayon at nanonood ng paboritong stage play ng papa niya. Every new year's eve magkakasama ang pamilya nila."sabi ni Rej.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo, "Siguro nga hindi na siya darating."

Hinawakan ako ni Johannes sa braso ko.

"You waited too long from now. Siguro bigyan mo muna ang sarili mo ng oras para magsaya kasama kami."sabi niya.

"Maybe you're right."sabi ko na lang.

Sumama na ako sa kanila papunta sa may gitna.

Nandoon lahat..ang barkada kahit ilan sa kanila graduate na sa school na ito.

SI Skye na may kasama ng ibang chic.

Alam kong hindi siya seryoso dun.

Napatingin ako sa may ilalim ng puno..

Dadating pa ba siya?

*Kate's POV*

Samasama kaming nanonood dito sa SM theater ng isang stage play. Hilig kasi ni dad na manood kami ng ganito every new yea's eve.

"Kate are you alright?"pansin sa akin ni mama.

Tumango lang ako. Alright? Ako?

"Kate hindi ko hinihingi ang sagot mo ngayon, it's a yes kapag pupunta ka sa New year's eve fireworks event sa oval. I'll wait for you. Sana pumunta ka kasama ko ."lagi ko naaalala ang mga sinabi ni Gabe sa akin.

Pupunta ba ako?

"Is something bothering you?"tanong ni kuya Keith.

"Kuya—kasi.."saad ko.

Sasabihin ko ba?

Family day namin to at lagi kami magkakasama kapag new year's eve.

Ayoko naman sirain yun.

"Wala kuya. Okay lang ako."sabi ko.

Nagsimula na ang play.

Ang totoo maganda naman siya kaso wala dito ang isip ko.

Na kay Gabe..

Naghihintay ba siya sa akin?

Maghihintay pa ba siya?

I fell uneasy.

Hindi talaga ako mapakali.

Anong gagawin ko?

Lookin' for LuvTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon