After two weeks heto na, pasahan na ng thesis at defense.
Good luck sa amin ni Gabe.
Isa-isa ng humarap sa mga panel ang bawat grupo na may thesis.
Grabe pang apat kami at nasa pangatlo na ang nagdedefense.
Kinakabahan ako. Sana tama mga sasabihin ko sa harap nila.
Sana tama ang isasagot ko sa mga tanong nila.
Sana tama ang ginawa namin.
Ang pinaghirapan namin ng isang bung semester at nung nakaraang taon. Hays...
"Miss Katherine Briones and Cedrick Gabriel Dauden."tawag sa amin ng teacher namin tapos kami a ang sumalang.
"Kaya natin to, huwag ka kabahan. Nandito naman ako eh."bulong ni Gabe sa akin.
Akalain niyong partner kami noh? Na nagawa namin yung thesis kahit away bati kami.
Nagpresent na kami tapos binatbat kami ng tanong pero nagpapasalamat ako na hindi kami napulaan sa aming ginawa.
Naku ipapaframe ko talaga ang thesis namin. Ide-display ko sa bahay.
Lumabas kami ng room na nakangiti.
Inabot din kami ng 30 minutes at higit pa pero worth it naman.
Ngayon wala na kaming problema.
"Buti na lang nalusutan natin ang mga panel."saad ni Gabe.
"Oo nga. Ang galing mo kanina. Thank you ha. Sinasalo mo ako kapag nakakalimutan ko yung dapat kong sabihin."saad ko.
"Wala yun."sagot lang niya.
Napaupo na lang kami sa sahig sa corridor since hihintayin pa naman namin matapos lahat mag defense kasi kakausapin pa kami ng teacher namin pagkatapos.
Nang magtext naman bigla si Kuya.
From Kuya Keith:
"Huwag ka na babyahe pauwi na mag-isa. Susunduin kita."
Lagi naman niya ako sinusundo ah. What's new?
"May problema ba?"tanong ni Gabe.
"Weird lang ni kuya."saad ko.
Bakit kaya?
"Alam mo na ba yung balita na madami ng babae ang nadudukot ngayon ng puting van?"tanong ng babae na napadaan lang sa tapat namin, naka P.E. sila.
"Bakit naman sila kinukuha?"tanong nung kasama.
"Sindikato daw eh. Kaya ayoko na mag isa magakad pauwi, sabay tayo ha."saad naman nung isa hanggang sa makalayo na sila sa amin.
"Nakakatakot naman."saad ko.
"Sabay na tayo umuwi mamaya para hindi ka matakot."saad ni Gabe.
"Susunduin ako ni kuya."sagot ko naman. Hay gusto ko naman eh kaso patay ako kay kuya kapag hindi ako sa kanya sumabay.
"Eh di hintayin natin siya ng sabay para hindi ka mag isang magaabang sa kanya."saad ni Gabe.
Ano kayang nakain ng lalaki na to at ang bait bait sa akin.
"Guys uwi na daw tayo bukas na lang tayo kakausapin ni miss."saad nung isa naming kaklase.
Tumayo na kami at bumaba sa hagdanan.
"Akin na yang mga gamit mo."saad ni Gabe. Waaaaaaaaah!!
Wala na ako nagawa kasi nakuha na niya yung shoulder bag ko na pink tsaka ang portfolio ko.
BINABASA MO ANG
Lookin' for Luv
RomanceMinsan ka na nga lang mainlove sa taong hindi ka pa gusto..sa taong feeling mo pinaasa ka pero wait lang, nag assume ka di ba kahit alam mo namang wala kayong pag-asa? Pero ano pang magagawa mo? Sinapol ka ng pana ni Kupido na sumakto sa puso mo at...