Chapter 7 Fast food

50 2 0
                                    

*Kate's POV*

Lunch time na at sabay kami kumain ni Gabe.

Ewan ko ba pero sa akin nasama si Gabe at hindi sa iba naming kaklase.

Siguro siya yung patay na patay sa akin!

Yaaaaaaaaay! Kilig lang!

Oo na, gusto ko siya. Ang sweet niya kaya!!!! kahit minsan mahangin ang utak niya.

Gentleman naman siya.

Sana.

Sana siya na lang.

Ang alin? Ang para sa akin.

Pero magustuhan niya kaya ako?

Pero paano si Skye?

Siguro pang first kiss lang talaga ang role niya sa buhay ko.

Naks! Me genen leng! Haba ng hair ko!

Habang naglalakad kami pa side gate papuntang Robinson madami kaming nakakasalubong pero wala akong pakialam kahit pagtinginan nila ako dahil sa lakas kong tumawa.

Deep inside kinikilig din ako kasi sabay kami kakain tapos hinintay niya ako kanina sa klase tapos sabay kami maglakad ngayon.

"Gosh nakakatawa talaga!"saad ko kay Gabe sabay hampas sa balikat niya.

"Ano ba nakakatawa dun?"tanong niya na mukhang naiinis na sa akin.

"Ikaw, nakakatawa ka. Ako patay na patay sayo??"saad ko habang natawa pa din.

Bigla siyang tumigil sa paglalakad kaya tumigil din ako.

"Titigil ka o titigil ako dito at mag-isa ka na lang kumain?"tanong niya.

Nagkibit balikat ako saka pinagpatuloy ang paglalakad ko. Nilingon ko siya ng medyo malayo na ako, andun pa din siya.

"Sanay ako mag-isa. Ako pa tinakot mo."saad ko pero nakangiti ako niyan ha.

Naglakad na ako.

"Argh! Kate! Hintay!"biglang sigaw niya. Naabutan naman niya ako.

Sabay na ulit kaming naglalakad.

Nang marating namin ang Robinson, pumila agad siya sa counter ng Jollibee.

Ako naman ang naghanap ng mauupuan namin. Ganit o lagi ang routine namin dalawa kapag kakain sa labas. Alam na naman niya ang gusto kong kainin.

Nang makahanap na ako ng pwesto ay umupo na agad ako.

Habang hinihintay siya, nagmasidmasid muna ako sa paligid.

Huwag niyong sabihing hindi niyo ito ginagawa kapag naghihintay kayo sa kasama niyo kumain??

Madaming nakain dito sa fast food na ito lalo na ang mga may kasamang bata.

May ilan din naman na mga teenager at mga matatanda.

"Next week pa ako papasok. Wala ako sa mood noh tsaka may kapit ako sa loob ng school. Gusto pa kita makasama."saad ng babae na nasa kabilang table. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko siya kita ng harapan. Malamang nakatalikod nga eh.

"Pumasok ka na. Last date na naman natin ito eh. Sinabi ko na naman sayo kung bakit di ba? Wala na tayo. Tapos na ako sayo at sawang sawa na"saad ng lalaking kasama nito.

"Mahal kita. Huwag mo namang gawin ito sa akin, Jacob."saad ng babae.

Kuh, kawawa naman yung babae. Gwapo kasi ng minahal niya mukhang basketball player.

Lookin' for LuvTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon