Chapter 1 First day of school (school year 2015-2016)

117 6 3
                                    

"Goodluck lil' sis."saad ni kuya Keith, panganay kong kapatid na siyang naghatid sa akin dito sa school.

Tinignan ko siya, "Goodluck talaga. Bye kuya, ingat ka po!" Saka ako lumabas ng kotse niya.

Tumingin ako sa buong harapan ng school. Kinakabahan na ako!!!

What's waiting for me here?

Sana masaya ang last year of college ko. Buti nga nacredit pa lahat ng subjects ko kaya graduating na din ako ngayon.

"Heto na. Ito na talaga! Kaya ko ito.Tiwala lang, Aja! Fighting!"saad ko habang nakatingala sa building na papasukan ko.

Kung kailan kasi 4th year na ako saka pa ako nilipat. College na nga pala ako for your information kaso hindi sumasabay sa pagtanda ko ang height ko at itsura ko. Baby face eh. Elementary height din, medyo (actually hindi medyo) maliit ako. Pero sakto lang para sa mga boys. Nyaaaks! Hahaha.

Going back, nilipat ako dito hindi dahil expelled ako or may nagawa akong hindi maganda sa previous school ko ha pero dahil lumipat kami ng bahay since nagawa na ang bahay namin dito sa may Lipa. Gusto kasi ni dad na dito na kami tumira since matagal na niyang pangarap tumira sa Batangas.

Pumasok na ako baka ma-late pa ako sa unang araw ko eh. Pagpasok ko nakakasalubong ko ang ilang school staffs at students na halos lahat naka uniform na for the first day of class ngayong 1st semester ng school year. Ako naman, heto naka ordinary lang.

Tumigil ako saglit ng harangin ako ng guard, "Nasaan and I.D. mo?"

"Manong guard, new student po ako dito. Wala pa po akong I.D."sagot ko.

"Sige, patingin na lang ng iyong assessment form."saad niya.

Pinatong ko saglit ang bag ko sa table ng guard at kinuha ang OEAF ko o Official Enrollment Assessment Form. Patunay na enrolled ako dito. Nasaan na ba iyon?

Dito ko lang yun nilagay eh...

Binuksan ko na lahat ng bulsa ng bag ko..

"Nasaan na miss? Mahaba pa ang pila oh."saad nung guard.

Tsk..

Binuklat ko ang planner ko at ... WOW! Nandito ka lang palang form ka. Mahilig nga pala ang mag sisisingit ng mga papel sa bag ko ng hindi nakatingin buti nakita ko agad ito ngayon kundi maghahalungkat pa ako at magaayos ng bag sa harap ng guard na ito.

Pag ka abot ko ay binalik agad sa akin. Aba matindi, titignan lang talaga.

"Sige pasok ka na. After two weeks dapat naka uniform ka na din."saad nung guard. Tumango na lang ako habang tinatago ang lintek na papel na ito na tinignan lang talaga. Grabe! Bago ko pa makuha sa bag ko.

Pumasok na ako sakto namang.. "Let us all stand straight and....blaaah blaaah blaaah..."

Tumigil ang lahat sa kanya-kanyang ginagawa para sa morning flag ceremony.

Nag prayer....National Anthem...Panatang Makabayan...Alma Mater... halos ngalay na akong nakatayo at nakikisabay sa pagtaas at pagbaba ng mga kamay sa ibang student dito since hindi ko naman alam ang gagawin kasi first time ko pumasok dito.

After nun, balik sa dati. Parang nag slow mo lang kanina ngayon lahat nagalaw na. Naglakad na ako ng mabilis. Nakadaan na din ako sa turnstile ng maayos since sinabi kong new student lang ako at hindi nagana ang turnstile. Buti pa ang guard dito sa may South Lounge, hindi na hinanap ang OEAF ko. Medyo mahaba na kasi ang pila.

Lookin' for LuvTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon