Chapter 12 New Classmate: Vanessa Marie Perez

32 1 0
                                    

*Gabe's POV*

"Hi. I'm Vanessa. You can call me Vane (ba-ne)."pakilala nito. Bago namin siyang kaklase.

Grabe, ang ganda niya. Lakas ng sex appeal. Sarap siguro nito kasama sa .. sa buhay. Green minded niyo grabe.

Napatingin ako kay Kate na medyo wala ata sa sarili.

Hindi na nagsasalita kahit tanungin ko eh.

"Miss Vane, sit down beside Mr. Dauden."saad ni Miss Olive.

Napatingin naman ako kay Vane. Mukha siyang barbie doll. Yan yung mga tipo ko ng babae.

Papalapit na sa akin si Vane ng bigla niya ako kindatan. Aba!

Napangiti naman ako. Hindi ko din naman maalis na lalaki ako guys!

Bigla naman akong hinampas sa braso ni Kate.

Tinignan ko siya ng masama.

"Selos ka?"tanong ko.

"Hindi. Bakit naman ako magseselos? Ha."saad niya sabay irap sa akin.

Ano daw?

"Eh di hindi. As if I care."saad ko.

Balik na naman kami sa aso't pusa.

Kinalabit naman ako ni Vane kaya sa kanya na ulit ang tingin ko.

"Hi, anong name mo?"tanong niya.

"Call me Gabe."sagot ko. Nakaupo na pala siya sa upuan sa tabi ko.

Hindi ko na maalis ang mata ko sa kanya. Mukha siyang anghel na hulog para sa akin.

God, Is she the one?

Binibigay mo na ba to sa akin bilang kapalit ng wasak kong puso dahil sa Kate na yun?

Buong oras ng klase, hindi na ako tulog for the first time and forever. Nakatingin lang ako sa magandang katabi ko, si Vane.

Ganda niya.

Hindi nakakasawang titigan. Maiuwi ko na kaya to?

*ring ring*

Nag ring na ang bell kaya hudyat na yun na time na.

Tinignan ko si Kate pero ayun palabas na at nagmamadali pa.

May date ata sila nung Skye na yun. Eh di wow. Sila na. Sila ng forever.TSK!

"Gabe?"tawag sa akin ni Vane. Ang sweet pakinggan ng boses niya.

"Tara, kain tayo."saad niya.

Tumayo na ako at binuhat ang bag ko.

"Tara kainin na kita. I mean, kain na tayo."saad ko. Natawa lang siya.

Pababa na kami ng makita ko si Kate na umiiyak.

May problema ba siya?

Kasama nito ang kaibigan na si Rej.

"Anything wrong?"tanong ni Vane.

"No. Nothing."saad ko na lang.

Bakit kaya?

*Kate's POV*

"Sa tingin mo parang ang tanga ko lang umasa noh? Bakit kasi ang sweet niya sa akin?"saad ko kay Rej habang naghihimutok ako sa lahat ng nangyayari sa aking love life.

"Ganyan naman talaga ang ilang tao eh. May kaya ka lang pakiligin pero hindi ka kayang mahalin."saad ni Rej.

"Tulungan mo ako kalimutan yung umuusbong na pag-ibig ko para kay Gabe."saad ko.

Lookin' for LuvTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon