Chapter 8 In the Elevator

37 3 0
                                    

*Gabe's POV*

Nasa campus na kami at naglalakad na papunta sa College Area.

Nasa tapat na kami ng sentrum ng masalubong namin ang ilang student na palabas naman.

May ilan na nagkukumpulan sa harapan ng sentrum na naghihintay ng jeep na sasakyan nila para sa NSTP. Ganun kasi pag may NSTP, may particular public school silang pupuntahan tapos mag papakain doon at magpapalaro o magtuturo ng konti.

May ilan naman na naglalaro ng habulan sa may parking area ng mga school service, "Habulin mo ako!"

"Taya ka!"

"Daya mo naman. Hindi pa nga game eh."

Halos mag away na ang kumpol ng mga batang nasa pagitan ng Grade 3 o 4.

May ilan naman na mga teacher na nakakumpulan sa gilid ng sports office tapos nagkukwentuhan.

"Oo, naku ang laki ng ginastos niya teacher."saad ng isang teacher.

"Nagbakasyon pa sa Singapore."saad naman nung isa.

May ilan naman na nakatayo sa may Chez at nakalinya. Anong meron?

Ayun may hawak silang papel na may nakasulat sa harap, "B-E M-Y G-I-R-L-F-R-I-E-N-D" at nakatayo yung college boy sa unahan nila na may babae namang maluha luha na palapit doon.

"Tsk. Corny."saad ko.

"Ang sweet kaya. Effort kung effort eh."Saad naman ni Kate na mukhang kinikilig.

"Magbe-break din yan."saad ko.

"Di pa nga sinasagot, break ka agad."saad niya.

"Dun din pupunta yun."sabi ko.

Hinawakan ko bigla ang kamay niya.

Halatang nagulat siya sa ginawa ko pero hinayaan lang niya.

"Ano to?"tanong niya na nakatingin sa mga kamay namin na magkahawak.

"Yan ang sweet."saad ko.

Bigla siyang namula. Sa kaputian niya, halata sa mukha niya ang pagbablush.

Nginitian ko siya, "Ganyan talaga patay na patay ka talaga sa akin." Sabay kindat ko.

Bigla niya akong tinulak sabay iwan sa akin.

Mala-cheetah pala ito, ang bilis maglakad eh.

Hinabol ko naman siya agad.

Pagpasok namin sa MB ay dumeretso na kami sa elevator. Kakakain lang namin kaya ayoko mag hagdan.

Hindi naman mahaba ang pila pasakay ng elevator. Actually ngayon, kami lang lima ang nakasakay.

Ako at si Kate sa pinakaloob ng elevator. Tapos may isang student na mukhang 1st year girl na naka P.E. at dalawang lalaki na naka org shirt ng Bio.

Pinindot na namin kung anong floor.

Walang napindot ng 2nd floor dahil hindi nagana doon. 4th floor at 6th floor lang ang may ilaw.

Nasa may 3rd floor na kami ng biglang namatay ang ilaw sa loob at tumigil ang andar ng elevator.

Bigla ko na lang naramdaman ang paghawak sa akin ni Kate.

"Gabe..."nangangatal na sabi nito.

"Huwag ka matakot, mamaya aandar ulit to."saad ko.

"Takot ako sa dilim."saad nito. Hinila ko siya palapit sa akin at niyakap siya.

"Andito ako, huwag ka matakot."saad ko.

"Shit pare, ayaw gumana ng emergency button."rinig kon g sabi ng kasama namin sa loob.

Lookin' for LuvTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon