*Kate's POV*
Monday na. Bukas na yung hinihintay ko.
Papasok na kaya si Gabe? Bakit ba yun na-absent?
Nasa bahay pa ako at nakaharap sa salamin.
Tack-in ..check!
Belt ..check!
High Heels ..check!
Make-up .. check! Para maganda.
I.D. ..check!
"Ready ka na? Alis na tayo."saad ni kuya.
"Ready."sagot ko. Lumabas na ako ng kwarto ko at nakita kong nakapambahay lang si kuya.
"Wala kang pasok?"tanong ko.
"Nandun naman ang secretary ko. Wala ako meeting ngayon at stable naman ang kumpanya. Kailangan ko din naman ng day-off."sagot niya.
Pinagmasdan ko si kuya. Gwapo niya mana sa akin! Hahaha.
"Tara na. Hatid na kita."sabi niya.
Tumango na ako at sumunod kay kuya.
Habang nakasakay sa kotse ni kuya naalala kong itext si Gabe.
"Hi. Good morning. Musta ka na? Papasok ka na ba?"text ko yan sa kanya.
Tinignan ko si kuya.
"May sakit ka ba kuya?"tanong ko.
"Medyo nilalagnat lang naman. Pagod lang to lil' sis, bukas bukas din okay na ako."sagot niya.
"Kuya pwede na ba ako magboyfriend?"tanong ko. Biglang napapreno si kuya, "KUYA!"
Tinignan niya ako, "Sino yang lalaki na yan ha?"
"Wala pa. Pero gusto ko siya kuya."saad ko na nakangiti pa.
Napahinga ng malalim si kuya saka ulit nag drive.
"Basta. Promise me Kate na hindi ka masasaktan niyan. Kapag nasaktan ka, sasaktan ko din siya."saad niya.
Ang sweet talaga ni kuya.
*Gabe's POV*
Wala pa din ako sa wisyo pumasok.
Pero pumasok pa din ako sa school. Nandito na ak ngayon sa room namin sa MB 606.
Dala-dala ko ang chocolate cake para kay Kate. Bakit ba ako bumili nito para sa babaeng iyon?
*phone vibrates*
Tinignan ko ang cellphone ko, "Hi. Good morning. Musta ka na? Papasok ka na ba?"
"Pumasok na ako. Nandito na ako sa room. Asan ka na? Male-late ka na naman."reply ko.
"Nandito na. Wait for me J"reply niya.
Ganyan na ba siya kasaya pumasok ngayon? Last time I check susupladahan pa niyan ako tapos ngayon iba.
Ganito ba ang epekto ni Skye sa kanya?
*Kate's POV*
Maya-maya lang ay nasa school na ako.
Naglalakad na ako sa may Diokno building.
Nakasalubong ko si...sino to? Inabutan ako ng isang pirasong rose.
"Thanks. Si—."sabi ko na hindi ko man lang natapos ang sasabihin ko ng bigla itong tumalikod at umalis.
Naglakad pa ako, nasa tapat na ako ng gate papunta JRN at JRF. May isa pang gwapong lalaki ang lumapit sa akin.
BINABASA MO ANG
Lookin' for Luv
RomanceMinsan ka na nga lang mainlove sa taong hindi ka pa gusto..sa taong feeling mo pinaasa ka pero wait lang, nag assume ka di ba kahit alam mo namang wala kayong pag-asa? Pero ano pang magagawa mo? Sinapol ka ng pana ni Kupido na sumakto sa puso mo at...