Chapter 16 Flash Backs

31 2 0
                                    

*Kate's POV*

Buti na lang naihiram ako ni Gabe kay Rej ng pantalon at nabili niya ako ng napkin.

"Thanks, Gabe."saad ko. Nasa may turnstile na kami at kasalukuyang nagbubukas ng bag para tignan nung guard.

Pagkasundot ng stick ay dumaan na kami sa turnstile na hindi mo na kailangan pang itapat ang I.d. mo kasi kusa na siyang iikot, manual na eh.

Tahimik lang kaming naglalakad. Suot na niya ang jacket niya.

Hanggang sa makarating na kami sa room namin.

"Ano ginagawa nila?"silip ni Gabe sa mga kaklase namin na gumagawa palang ng assignment.

"Assignment ni miss. Kailangan may reflection eh."saad ko naman.

"Reflection? Assignment?"tingin sa akin ni Gabe. Tumango lang ako.

"Saan isusulat?"tanong niya.

"Wala ka bang ginawa? Sa 1 whole yellow paper."sagot ko.

"Pahingi."sabi niya. Binigyan ko naman, yan si Gabe. Si Gabe ay hindi nagawa ng assignment. Siya ay gagawa ng assignment kapag kaorasan na. Yan ang tunay na estudyante. Huwag gayahin si Gabe. LOL.

Ang tunay na estudyante gagawa ng assignment kapag iche-check na.

May kulang ba sa sinabi ko?

Ah oo, ako naman yung tipo ng estudyante na parang national book store. Taga bigay ng papel sa kaklaseng nangangailangan.

"May ballpen ka ? Nakalimutan ko ang akin eh."saad pa ni Gabe.

Inabot ko naman ang ballpen ko. Sabi sa inyo eh.

"Pahiram naman nung sayo. Titignan ko lang, hindi ko kokopyahin."saad niya.

Kinuha ko naman sa folder ko ang sagot ko at inabot sa kanya.

Yan ang tunay na hokage.

Pachillchill lang pagpasok.

Natatawa na lang ako panoodin siya, karibok eh.

Nang dumating si miss sakto namang tapos na si Gabe.

"Okay class makinig muna daw tayo sa Student Comelec ng school."saad ni miss na may mga kasunod na student din.

Nagkaroon ng voting sa klase ngayon kung sinong Mayor at ilang class officers.

"I nominate Vanessa..for mayor."saad nung kaibigan nito.

Wala ng sumunod kaya automatic ang pagkapanalo niya.

Nakakaloka.

Kaynaman na kahit sa klase ma dugaan sa pagboto eh.

Mayor namin ngayon ay si Vane. Wala naman akong magagawa dahil mas matagal na siya dito sa section na to.

Pagkaalis naman ng mga un, nagsimula na naman magdiscuss si miss.

"May bago akong rule since si Mr. Dauden ay lagi inaantok sa klase. Para magising ang diwa ng lahat."saad ni Miss.

"Ano yun miss?"tanong ng kaklase namin.

"Pag may nahuli akong humikab minus 2 points sa susunod na quiz."saad ni miss.

Bigla namang naubo si Gabe.

"Mr. Dauden, are you alright?"tanong ni miss.

"Okay lang po."sagot ni Gabe.

Kapag bawal siya masarap gawin, nahihikab ako.

Lookin' for LuvTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon