*Kate's POV*
Maganda ngayon ang nilalaman ng librong Utak Berde.
Grabe lang sarap sagutan ng mga nilalaman tapos may mababasa ka pa. Yun lang ayoko basahin yung ilan hindi ko maintindihan eh.
What's your relatinship status? Single kasi bawal pa, single kasi...madaming dahilan. Bakit ba ako napatigil sa tanong na to? Ganito ba kahirap sagutin o wala lang talaga sa choices ang gusto kong ilagay na single ako kasi hindi niya ako gusto.
BITTER lang ako.
Tinago ko na ang libro sa bag ko at tinuon ang atensyon ko sa lalaking nakatayo na pala sa harapan ko. Nasa classroom na kasi ako ng ganito kaaga.
Anong ginagawa niya dito?
Dito sa harap ko.
"Iniiwasan mo ba ako? Kahapon pinasasakay kita para ihatid sa inyo pero anong ginawa mo? Tinakbuhan mo ko at sumakay ka ng Jeep."saad ni Gabe.
Oo nga pala, wala kasi si kuya kahapon dahil may biglaang lakad kaya nagbyahe ako pauwi. Eh sa ayoko sumakay kasama si Gabe sa kotse niya kahapon eh.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
"Bakit naman kita iiwasan?"tanong ko naman.
"Nice answer, answering another question."saad niya, "Dahil sa narinig mong hindi kita gusto. Nung naguusap kami ni Skye. Alam mo ba—."
"Okay lang as if I care."sagot ko.
"Sabagay, may Skye ka na."saad niya sabay talikod sa akin.
Umupo na siya sa upuan niya.
Anong problema niya? TSK!
Bigla naman akong nagulat ng bigla siyang humarap sa akin, "Thank you nga pala sa pagpapakopya mo sa akin."saad niya tapos talikod ulit. Bipolar din ang isang to eh.
Dumating na si miss sa klase at may pinapakopya na naka lagay sa powerpoint niya. Ayaw niya kasi na ipapasa lang ang gawa niyang ppt o picturan eh, wala na daw kasi ang effort ng estudyante kumopya.
Pagkuha ko ng aking ballpen.. Waaaaaah,, wala ng tinta tapos nagiisa na lang to.
Ano gagawin ko??
Tinaktak ko ang ballpen ko tapos para nag CPR na din ako kaso ng ballpen, please gumana ka pa!!!
Sinubukan ko isulat pero wala ng pag-asa.
"Oh, ballpen mo. Nakalimutan ko isoli last time."abot ni Gabe sa akin ng ballpen.
"Thanks."saad ko na lang sabay kuha.
Hayss... Nakakailang.
Habang nakopya kami. Nag-usap usap ang ilan sa mga kaklase namin pati si miss naki sama.
O.P ako.!!!
Alam niyo yung feeling na pinaguusapan nila yung nangyari nung CITE week na naglaban-laban ang mga boys and girls sa sports??? Tapos hindi ako nakasama nun kasi nga transferee ako tsaka hindi ako nanood dun. Grabeeeeeeeee laaaaang!!!
Nakopya pa kami ng nag announce naman si miss ng mga scores..Halah heto na..
Tinawag ang pangalan ni Gabe... "Dauden..perfect!"
Nagpalakpakan naman ang lahat, eh di perfect din ako?? Syempre nangopya lang yan sa akin eh.
Pero nung girls na ata ko ang natawag, "Briones, 1 1 mistake.."
WHAT?????
Ako na nagpakopya nalamangan pa ng score.
"Bakit miss?"tanong ko. Napatingin naman sa akin si Gabe ng nakakaloko.
BINABASA MO ANG
Lookin' for Luv
RomanceMinsan ka na nga lang mainlove sa taong hindi ka pa gusto..sa taong feeling mo pinaasa ka pero wait lang, nag assume ka di ba kahit alam mo namang wala kayong pag-asa? Pero ano pang magagawa mo? Sinapol ka ng pana ni Kupido na sumakto sa puso mo at...
