*Gabe's POV*
Nasa bar ako ngayon ng kaibigan kong si Seven, isang cassanova. Vacant kasi ng apat na oras pag TTH. Hay naku.
Anyway, lahat naman ng kaibigan ko cassanova pero lahat tumino ng magkagirlfriend na. Ako? Hindi ako cassanova. Pag ako nagmahal, stick to one ako. Kaya nga NGSB ako eh.
Kung sino man ang first girlfriend ko, ipaparamdam ko sa kanya na may forever.
"Ano gusto mong inumin?"tanong sa akin ni Seven.
"Kahit anong mairerekomenda mo."sagot ko na lang habang umupo na kami sa VIP area. Maganda dito sa bar ni Seven, may second floor at VIP lang ang nasa taas.Pag sinabing VIP, kaming barkada lang iyon.
Nandito na ang iba. Dito kasi kami natambay kapag wala kami mapuntahan o talagang bored lang kami. Minsan, kasama nila ang mga girlfriend nila.
"Kailan ka ba may ipapakilala sa amin? Kayo ni Skye?"tanong ni Seven. Tinutukoy niya ay ipapakilalang girlfriend namin ni Skye. Si Skye at ako na lang kasi ang single sa barkada.
Oo nga pala, hindi ako nagiisang single. BWAHAHAHA :D
"Malapit na. Konting tiis na lang."sagot ni Skye habang naglalaro sa tablet niya.
"Ikaw, Gabe?"tanong naman ni Carlo, kabarkada pa namin.
"Hindi ako makapili sa kanila eh."sagot ko.
"Tsk. Kahit kailan imba ka talaga!!"sabi ni Seven sabay hagalpak ng tawa. Nasasaniban na ata ang isang ito.
"Pero di nga, may napupusuan ka na sa kanila?"tanong ni Carlo.
Siyam kami sa bakada pero ang mahilig magtanong ng magtanong at magsalita ng magsalita ay sina Carlo at Seven. Daig pa ang babae kung magsalita ang mga iyan.
Sina Skye, Matthew, Tristan, Cohen, Johannes at Nate ang tahimik lang sa grupo pero paglokohan na, mas loko pa sila sa loko.
"Wala."sagot ko.
"Sa birthday ni Margaret dapat may ipakilala ka man lang kahit ka-date mo kundi iisipin kong bakla ka!" saad ni Tristan. Grabe, utas ng kakatawa ang lahat.
Naalala ko pa naman nung nagpakilala ako sa kanila ng babae.
>>>>Flash Back<<<<
Girl # 1
SI Danica, matalino siya at mabait. Tama lang ang ganda niya para sa akin. Napaka simple niya. Mahilig siya mag shorts at t-shirt. Hindi siya gaanong nagme-make-up.
Sa birthday party ni Ella, girlfriend ni Seven pinakilala ko si Danica, kapitbahay namin na nililigawan ko.
"Guys this is Danica."pakilala ko. Nagshake hands sila tapos beso beso sa mga babae.
Habang nagsasaya ang ilan sa dance floor lumapit sa amin si Johannes.
"Pare na gayuma ka na ata."saad nito.
Lasing na ata areh.
"Ano ba pinagsasabi mo? Lasing ka na ata eh."awat ko sa kanya baka kung ano pasabihin nito eh kasama ko sa table ngayon si Danica.
Tinignan niya si Danica, "Hi miss, ano pinakain mo dio at nagkatama sayo?"
Natawa lang si Danica, "Wala noh. Ano ba?"
Ngumisi naman si Johannes. Ano ba binabalak nito?
Lumapit naman sa amin si Cohen.
"Ano ba nagustuhan mo sa babaeng iyan?"tanong naman sa akin ni Cohen.
BINABASA MO ANG
Lookin' for Luv
RomanceMinsan ka na nga lang mainlove sa taong hindi ka pa gusto..sa taong feeling mo pinaasa ka pero wait lang, nag assume ka di ba kahit alam mo namang wala kayong pag-asa? Pero ano pang magagawa mo? Sinapol ka ng pana ni Kupido na sumakto sa puso mo at...