*Gabe's POV*
Habang nasa klase nagdo-drawing ako.
Ang boring kasi. Paulit ulit lang ang sinasabi. Nasabi niya na yun last meeting eh.
Wala lang naglalakas loob na sabihin na "Miss paulit-ulit?"
Kaya ayun, nagdo-drawing na lang ako. Ng ano? Si miss.
Maganda naman siya masungit lang tapos ang laki laki ng nunal sa gilid ng tenga.
Parang hikaw lang na sala nag suot eh.
Sarap iguhit ang mukha ng mga prof kapag boring ang klase.
Napatingin ako kay Kate.
Mukhang okay na siya after ng nangyari nung isang araw sa amin. I mean, yung nakulong kami sa elevator. Hindi yung nasa utak niyong berde.
Kahapon kasi absent siya.
Kumuha ako ng isang pirasong yellow paper at tinupi ko iyon ng pa-1/4 at nagsulat. Pagkatapos ko magsulat ay ginusot ko ang papel at hinagis sa lamesa ni Kate. Nasa bandnag kaliwa ko lang siya.
Tinignan niya ako ng masama saka dinampot ang papel. Binuksan niya iyon.
"Okay ka lang? Okay ka na? Sorry ha, wala ako nagawa nung oras na iyon para sayo sa Elevator."saad ko sa sulat.
Tumingin siya sa akin sabay ikot ng mata. Aba! Nag rolled eyes.
Ganda ng sinabi ko tapos pag irap niya lang ang sagot.
Bigla siyang nagsulat dun sa papel at binato pabalik sa akin.
"You've done a lot. Thanks J mwuaah!"sagot niya.
Napangiti ako. Talagang may 'mwuaah' pa eh.
Tinignan ko siya sabay kindat. Uy bigla siyang namula. Ang cute niya.
Paano ko ba idedescribe si Kate?
Hmm...sa physical apperance niya. Naku, sobrang simple niya. Medyo chubby ang mukha niya pero maganda. Mukha siyang bata dahil baby face siya. Medyo maliit siya sa tipikal na babaeng pilipina pero okay lang.
Huggable siya since chubby nga.
Hindi naman siya flat chested. Kasi nga malaman siya. HAHAHAHA :D
Bigla ko nilapit ang mukha ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya.
Tumingin siya sa akin ng masama. Yung parang papatayin ako look.
"What? Ang cute mo kasi."saad ko sabay layo sa kanya baka mahampas pa ako ng mahawakan niyang bagay.
Inirapan niya lang ako.
Bakit ba ang cute ng babaeng ito?
Para siyang bata.
Nasa kalagitnaan ng discussion ng maisip kong tuktukan ng ballpen si Kate sa noo.
"Ahh!!"angal niya.
Natawa naman ako ng mahina lang baka mapalabas na naman ako eh.
Tinignan niya ako ng masama sabay tuktok din ng ballpen sa noo ko.
Napahawak naman ako sa noo ko, sakit nun ah. Mahina nga lang ang pagtuktok ko sa noo niya eh.
Siya naman ang tumawa.
Dahil hindi naman ako napansin na hindi nakikinig sa discussion ay hindi ako napalabas ng classroom.
After class ay dumeretso muna kami ni Kate sa may e-library at umupo sa mala-chiffon cake na upuan dahil may next class pa kami maya-maya.
"Kate!"lapit sa amin ng isang babae.
"Rej!"sagot naman ni Kate tapos nagbeso-beso sila.
Tumingin sa akin yung tinawag ni Kate na Rej daw.
"AHh si Gabe nga pala, kaklase ko."saad ni Kate.
"Hi!"bati ko na lang.
"Dude!!"biglang lapit naman ni Skye.
"hey!"bati ko sabay tapik ng mga kamay namin.
Umupo sila dalawa sa tapat naming upuan.
"You know each other?"tanong ni Skye sa akin sabay turo kay Kate.
"Yeah. She's my seatmate, classmate,, lahat ng klaseng mate."sagot ko.
"Hindi naman lahat ng mate. Tss."sabat ni Kate.
Natawa naman si Rej.
"Kaklase ko nga pala si Skye. Same course din kami"saad naman nung Rej.
BS Bio ang kinukuha ni Skye. Ako naman, kami ni Kate, ay Electrical Engineering.
"Eh di wow."saad ko lang.
Tapos nun tahimik na kaming apat. Ewan ko ba, bakit ang awkward?
"Ah Kate, hatid ulit kita mamaya. Okay lang ba? After nung araw na iyon, hindi na ulit kita nakita eh."biglang sabi ni Skye.
Nagulat ako sa sinabi niya. Hatid? Kita?
Wait..
Loading pa sa utak ko..
Loading...
87% complete..
Hatid daw..
Ah! 100% complete...
Si Kate, siya yung babaeng nakita kong sumakay sa kotse ni Skye.
So siya yung...sinasabi ni Skye sa barkada.
"Ah si kuya kasi ang kakaon sa akin pag uwi. Tsaka wala namang dahilan para ihatid mo pa ako at makita."saad ni Kate. Taray at suplada talaga ng babaeng ito.
"Girl!"awat ni Rej.
"Totoo naman, sorry ha."saad ni Kate sabay tingin sa akin.
Tumayo ako bigla sabay kuha sa kamay ni Kate. Alam ko na meaning ng tingin na iyon.
"May lakad pa pala kami dude ni Kate."saad ko.
"Sige, next time na lang tayo magkwentuhan Rej."paalam ni Kate.
Magkahawak kamay kaming naglakad palabas ng Diokno building galing e-library.
Binitawan ko lang siya ng makalabas kami at hinarap niya ako.
"Ang awkward."saad niya.
"Paano kayo nagkakilala?"tanong ko. Sorry, naintriga ako. HOY hindi ako chismoso ha!
Umiwas siya ng tingin sa akin, "He's my first-."saad niya.
"What? Hindi ka na VIRGIN??"saad ko.
Tinakpan niya agad ang bunganga ko.
"Pwede patapusin mo muna ako."saad niya na natatawa. Tumango lang ako.
Binitawan niya ako, "He's my first kiss."
"Paano?"tanong ko.
Naglakad na kami pabalik ng college area.
"Basta."sagot lang niya.
"Gusto mo siya?"tanong ko.
Tinignan niya ako, "Gusto ko siya." Sabay iwas ng paningin.
Gusto niya si Skye. Gusto niya si Skye.
Gusto niya si Skye. Gusto niya si Skye.
Gusto niya si Skye. Gusto niya si Skye.
Gusto niya si Skye. Gusto niya si Skye.
Paulit-ulit iyon sa utak ko.
Gusto niya si Skye. Gusto niya si Skye.
Napangiti na lang ako.
"Mabait naman iyon. Hindi ka magsisisi kung siya ang magugustuhan mo."saad ko.
Tinignan niya ako pero wala siyang sinabi.
Gusto niya si Skye. Gusto niya si Skye.
Argh!!
Bakit ako affected?k'ws;'�l
BINABASA MO ANG
Lookin' for Luv
RomanceMinsan ka na nga lang mainlove sa taong hindi ka pa gusto..sa taong feeling mo pinaasa ka pero wait lang, nag assume ka di ba kahit alam mo namang wala kayong pag-asa? Pero ano pang magagawa mo? Sinapol ka ng pana ni Kupido na sumakto sa puso mo at...
