Epilogue

60 3 0
                                    

Minsan ka na nga lang mainlove dun pa sa taong mas mnhid pa kaysa sayo... sa taong feeling mo pinapaasa mo dahil sa pinapakita mo pero wait lang, nagassume ba siya? Naramdaman man lang ba niya na totoo ang nararamdaman at pinapakita mo sa kanya? O baka feeling niya nagaassume siya sa wala dahil ni konting salita hindi mo masabi sa kanya ang totoong nararamdaman mo. Kahit simplang "Gusto kita" o "I love you" pero wala eh. Nagiging torpe ka sa harapan niya. Minsan nadadaan mo lang sa mga banat mo o hugot lines mo pero lagi lang balewala sa kanya. Pero ano pang magagawa mo? Sinapol ka ng pana ni Kupido na sumakto sa puso mo at pinaglalaruan ka na ni Tadhana..

Pero susuko ka na lang ba? Paano kung matutunan ka din niyang mahalin? O baka mahal ka din pala niya at hindi mo lang din malaman kasi lagi mo lang iniisip na manhid siya kasi hindi momalaman kung gusto ka din niya o hindi pala kasi hindi mo pa nakikita na kahit ikaw manhid din sa nararamdaman niya.

Pero lahat naman may forever.. hindi lang yan sa love o sa pagkakaroon ng mga kasintahan. Kahit sa friendship may forever. Pero magpapaka friend-zone ka na lang ba lagi at magpaparaya? Darating din naman ang araw na makikita mo na siya. Yung masasabi mong "The One" yung masasabi mo na "Thanks God, mahal din niya ako". At lahat ng pinagdaanan mo,lahat yun tatawanan mo na lang lalo na yungmga oras ng pagiging torpe mo, pagiging manhid mo at yung mga oras na akala mo wala na kayong pag-asa. Yun pala naghihintayan lang kayo kung sino ang mauuna.

Naglalakad ako galing sa isang fast food chain, pauwi na ako ngayon bitbit ang tinake-out kong pagkain. Grade 6 palang ako pero malaking bulas na dahil matangkad ako at gwapo. Hindi naman sa pagmamayabang gwapo talaga ako kaya habang naglalakad lahat ng babae nakatingin sa akin ay kinikilig at ang mga lalaki, mamatay sila sa inggit.

Sa lahat ng ayaw ko ay yung may babaeng masasaktan kaya ng makita ko ang isang grupo ng mga batang lalaki na sa tingin ko ay nasa edad ko din na mabibunubully na babae. Lumapit ako pero.. nakinig muna ako.

"Ibalik niyo nga ang bag niya!"sigaw nung isang babae na kadarating lang.

Tapang niya ha.

"Hoy bata, wag ka mangialam."saad nung isang batang lalaki sa kanya. Kilala ko pala ang mga batang lalaking ito. Sila ang mga kaklase ko sa isang exclusive boys school at sila ang barkada ko. Paano ko na naging barkada ang mga bully na ito??? Siya si Johannes.

"Ahh ganun,"saad nung babae. Bigla na lang sinipa nung babae si Johannes sa pribadong parte ng katawan niya. Aray! Kaya napahawak ito doon at namilipit.

Naimagine ko, kung ako yun, ang sakit nun putsa!

Nagpamaywang yung babae, "Ano? Gusto niyo din matamaan?"tanong nito sa kasamahan ni Johannes.

"Matapang ka ah. Anong school ka?"tanong ng isa pang bata na mukhang sisiw sa dilaw ng buhok niya, siya si Tristan. Mukha siyang ewan sa buhok niyang yun.

Ang barkada namin ay binubuo nina Carlo, Seven, Skye, Matthew, Tristan, Cohen, Johannes , Nate at ako. Pero hindi ako ganun nasama sa kanila kasi naman naturingan na kaming bad boys ng school at konti na lang mapapatalsik na kami. Damay ako!

"Wala ka ng pakialam."sagot nung babae. Binitawan na nila yung bag nung batang babae. Kasabay nun ang pagpulot naman ng isang babae sa bag at tumakbo na palayo.

Ako naman, pinapanood na lang sila. Siguro naman, hindi nila sasaktan yung babae.

"Matatamaan ka sa akin!!"sigaw ni Johannes. Sa tingin ko galit na galit siya dahil masakit talaga yung ginawa sa kanya.

Bigla namang lumapit ang dalawang batang lalaking at hinawakan ang babae sa magkabilang kamay.Sila sina Skye at Seven.

"Waaaaaaahh!! Bitawan niyo nga ako!!"sigaw nung babae. Natawa naman ako dahil parang rerepin lang yung pagkakasigaw eh..

Paika-ikang lumapit si Johannes at tinaas ang kamay na parang susuntukin yung babae kaya lumapit agad ako. Halos muntik na ako madapa nun pero..

*booogshhh*

Sinuntok ko na lang si Johannes.

"Sa lahat, ayoko ng may babaeng nasasaktan lalo na sa inyong mga kamay pa manggagaling, kaibigan ko kayo kaya papalagpasin ko to ngayon. Alis."mahina kong sabi sa kanila.

Tumango naman sina Nate na naintindihan ako.

"Babae siya, dapat siyang galangin."saad ko.

Binitawan na nina Skye at Seven yung babae.

Napansin ko namang nakapikit pa din yung babae. Maganda pala siya sa malapitan.

Sinenyasan ko sila na tumakbo na at ako na ang bahala. Nag peace sign na lang din ako kay Johannes.

Nagtakbuhan na nga sila. . "Okay ka lang?"

May problema ata ang babaeng ito, maka tingin sa akin parang wala ng bukas eh.

"Sa tingin ko okay ka lang. Sa susunod humingi ka ng tulong sa iba kung ganung mga batang lalaki ang makakaharap mo. Paano na lang kung wala ako?"sabi ko sa kanya.

"Thanks."saad niya lang.

Hindi ko talaga mapigilan. Bakit ba ang ganda niya? Bakit ba naaatract ako sa mga babaeng parang amazona?

kaya...

Bigla ko na lang nilapit ang mukha ko at hinalikan siya sa labi. Hindi naman siya umangal eh.

First kiss ko siya. Kaya paglaki ko, hahanapin ko ang babaeng ito.

Pagkatapos ng halik na iyon bigla na lang siyang tumakbo palayo kaya hindi ko na natanong ang pangalan niya.

I'm Cedrick Gabriel "Gabe" Dauden at hindi pa natatapos ang kwento namin ni Kate syempre gagraduate pa kami, ikakasal pa kami, magkakaanak, magkakapamilya at tatanda ng magkasama.

I love her.




______________________________________________________________________________

Author's Note:

Bitin ba? Sorry naman pang short novel lang talaga to sa isip ko eh. Kailangan ng tapusin eh. Nagustuhan naman di ba? ^_^ Thank you for reading this story. Naappreciate ko ang mga nagbabasa nito, nagla-like, comment at vote.

Lookin' for LuvTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon