Chapter 19 DATE

39 2 0
                                    

*Gabe's POV*

Alam ko, alam kong masamang kalaban si Skye. Kahit tahimik lang yung tao, mas loko pa yan kina Johannes at Nate. Mas loko sa buong barkada yung si Skye.

Mabait naman siya.

Pero kapag hindi niya nakuha ang gusto niya, pipilitin niya yun makuha.

Isa din siya sa cassanova boys sa barkada at daig niya si Seven dun.

Pero naisip ko na to last night, mula nung narinig kami ni Kate na magkausap ni Skye. Mula ng marinig niya mula sa akin na hindi ko siya gusto. Naisip kong ..

Naisip kong ipaglaban na ang nararamdaman ko sa kanya.

Wala na akong pakialam kung si Skye pa ang makakalaban ko sa kanya.

Dahil natutunan ko ng mahalin ng buong buhay ko si Kate.

Yung babaeng una kong hinalikan.

Nasa last class na kami ng biglang..

"Wala daw si miss. Pwede na tayong umalis!!"announce ng mayor ng klase.

"Wala bang ipapagawa?"tanong ng isa naming kaklase.

"Wala daw. Tara na!"sagot naman ni Mayor.

Sino pa bang mayor eh di si Vane? Tsk.

Walang kwentang halalan naman nangyayari sa klase eh.

Nakita ko na lang na lumabas na si Kate kaya sumunod ako sa kanya.

"Kate."saad ko.

"Bakit aso?"tanong niya.

Naglalakad pa din kami.

Sa hagdan kami dumaan, siguro takot pa din siya mag elevator.

"Maka aso ka naman, mukha ka namang unggoy."sabi ko.

"Oo na kaya nga hindi mo ako gusto di ba?"sabi niya.

Hindi agad ako nakapagsalita at nakasagot.

Patuloy pa din siya sa paglalakad.

"Kate na mukhang unggoy, gusto kaya kita. Hindi lang dun sa iniisip mo. Magkaibigan tayo di ba? Bakit mo kasi ako iniiwasan?"saad ko.

WTF bakit ko nasabi ang 'magkaibigan tayo di ba?' haixt.

Tumigil siya kaya tumigil din ako sa paglalakad.

"Okay, ikaw kasi eh nilayuan mo ako. Sumasama ka na kina Vane. Nagtatampo ako sayo."saad niya.

Hinawakan ko ang mukha niya, grabe ang cute niya.

"Yun ba yun kaya hindi mo ako pinapansin? Sorry na,sayo na ako sasama mula ngayon. Tayong dalawa lang."sabi ko.

Bigla naman siyang napaatras at...nag blush ba siya? Ang cute niya lalo. Buwisit, naiinlove ako sa kanya lalo eh.

*Kate's POV*

Nasa may loading bay na kami ni Gabe at nakita naman namin si Seven at Johannes na nagaabang sa tabi ng kotse ni Johannes.

"Bes!"tawag sa akin ni Rej na nakaupo sa unahan ng kotse ni Johannes.

May hindi ba ako alam sa dalawang yun?

"Tara kina Johannes, nagluto siya ng madami kanina eh. Ang sarap! Dapat matikman mo din yun bes,"saad ni Rej.

Mukha naman siyang masaya kaya "Okay, tara!"

"Sakay na tayo."saad ni Seven.

Sumakay na kami.

Lookin' for LuvTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon