CHAPTER 1

101 15 0
                                    

The Beginning

I hate goodbyes, I hate Sad endings, but then again, I hate fairytales. Ang labo ko no? ayoko ng madramang istorya pero ayoko rin ng fairytales. Fairytales kung saan perfect ang lahat. Kung saan, ang ending palagi ay "..and they lived happily ever after".

But I used to believed in Fairytales. I used to be an avid fan of Cinderella. I used to dreamed about my Prince Charming. kaso di pala talaga totoo yan. Paasa.

Hey, ako si Leisza (Leysha) Christelle Sanchez. :)

Ang bitter ng panimula ko diba? Haha punong-puno ng hugot.

Anyways, kagigising ko lang. Taray diba? nagdrama agad ang lola nyo. HAHAHA malalaman nyo din naman kung bakit ganyang kadramahan ang inalmusal ko.

Typical na istorya lang naman ito. Yung tipong pag nabasa mo yung mga unang linyahan ko, mahuhulaan mo agad na ay  isa nanamang broken hearted girl.

Oh well. Game na.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

LEISZA'S POV

Siguro naman lahat tayo dumaan sa pagiging estudyante diba? at lahat tayo ay may linyahang:

"5 MINUTES NALANG TALAGA BABANGON NA KO!"

Kaso lang immune na ata mga magulang ko sa mga palusot ko na masakit ulo ko kaya bigyan pa nila ako ng limang minuto. Kaya eto. Nakabalot ako ng tuwalya. Katatapos ko lang maligo at nilalamig talaga ako.

Sheez, 4:30 palang kaya ng madaling araw. Anyways, sige na nga. para maiba naman. Baka for the first time, matawag akong EARLY BIRD ng mga kaklase ko. KAHIT NGAYONG ARAW LANG.

Kumakain kami nang sabay-sabay ng mga magulang ko, kasama ang ate't kuya ko.

"Kamusta studies Lei?" tanong ni kuya Louie. Panganay namin, nagtatrabaho na sya.

"Okay naman kuya. Ako pa ba?" sagot ko bago tumawa.

"Sus. Dapat lang! Gumaya ka sa kasipagan ko!" Pagsingit naman ni ate Lesley Christelle. 2nd year college na. Pero halos mas mature pa ko mag-isip sa kanya.

"Puro pagpapasaway ka naman eh." pang-aasar ko sakanya na siniringan nya lang.

"Kumain nga muna kayo." saway sa amin ni daddy.

"Dalian nyo na din dahil baka ma-late kayo." Sabi naman ni mommy.

"Sige na para maihatid ko na kayo." Sabi ni daddy na katatapos lang kumain.

Ilang minuto lang nasa kotse na kami ni daddy, dalawa kami ni ate na hinahatid nya. Syempre ako muna ang ihahatid dahil mas malapit school ko. Parehas kaming inaantok ni ate kaya di din kami halos magpansinan. As expected, ilang minuto lang nandito na kami sa tapat ng school ko.

"Bye dad. ingat kayo." Sabi ko at hinalikan siya sa pisnge. nginitian nya lang ako at sinabihang mag-ingat.

Bago ako bumaba bumaling muna ako sa ate kong naka'earphone.

"Tsk. bye te."

Nag'nod lang sya sakin sabay pikit. tss. abnormal talaga to.

Pagpasok ko sa school dumirecho ako sa canteen. Hindi ako kakain ulit ah! dito ko lang hihintayin bestfriend ko. kasi nga... MAAGA AKO TODAY. Hahaha

The Stolen SelfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon