CHAPTER 34

30 5 0
                                    

LEISZA’S POV

Life is so unfair. Parang kaibigan na tinataksil ka, pero alam mo yung mas masakit? Alam mong tinataksil ka na pero wala kang ibang pwedeng gawin kundi pakisamahan ito. Mahirap din yung tipong natatakot ka maging masaya nang sobra kasi baka kasunod nun ang kalungkutan, yung tipong sana puro saya nalang? Ang malala pa? Hindi ka hahayaang mag-ready, pabigla-bigla kung umatake. Katulad ng nangyari kay Ross. I thought he’s doing fine pero heto kami ngayon, nasa labas ng E.R dahil hanggang ngayon hindi pa rin lumalabas ang mga doctor simula nung dinala nila si Ross sa loob.

“What happened? Where’s my son?” napatayo kaming lahat nang makita namin ang umiiyak na mommy ni Ross na nagmamadaling lumapit sa amin.

“Tita!” agad na sumalubong si Cindy sa kanya at yumakap maging si Hanz ay agad na lumapit sa kanya.

“Cindy, Hanz anong nangyari?” hindi mapakaling tanong niya

Ilang segundo pa bago magawang magsalita ni Cindy “N-naglalaro lNg po kami sa isang booth kanina. Bigla na lang pong may lumabas na dugo sa ilong niya at ilang segundo lang ay nawalan na siya ng malay. I’m sorry tita, hindi ko sana siya hinayaang-”

“No iha, wala kang kasalanan. Let’s just pray na maging okay ang anak ko. Hindi ko kaya kapag may nangyari sa-” hindi na niya natuloy ang sasabihin nang biglang lumabas ang doctor mula sa E.R agad siyang lumapit “Doc! Ako ang ina ni Ross Villafuerte, kumusta ang anak ko?” pilit man niyang pinakakalma ang sarili ay nanginginig pa rin maging ang boses niya.

“Sa ngayon ay okay na ang anak niyo. But I can’t assure you na magiging okay ang kalagayan nya.”

“What do you mean doc?”

“Misis, kailangan nang matanggal ng tumor, as soon as possible. Bumibilis na ang paglaki nito. Pero  He’s a strong boy. Usually ay hindi na magagawang makalakad nang hindi nahihilo ang mga taong may tumor na nasa grade III gaya ng sa anak nyo, pero himalang nagagawa niya pa. I told you before na kausapin siya at pagpahingahin hindi ba?” paliwanag ng doctor

“Oh my God my son! Can you remove the tumor doc?”

“Kaya pa naman po pero it’s a 60-40 chance. I told you, himalang nagagawa niya pa nang maayos ang mga bagay. Maraming complications. At isa pa, your son didn’t permit us to do an operation.” Sabi ng doctor na naging dahilan kung bakit parang tumigil ang mundo ko.

Ayaw niyang magpa-opera?

“Ano po ang maaari nating gawin to save my son’s life?” hindi na mapakali ang mommy ni Ross “My husband’s still in Japan for a business trip. Anong gagawin ko? jusko.”

“We’ll do our best. For now, let’s just hope na magising na siya agad so you can convince him. We can’t save him if he’s not willing to fight his own battle.” Sabi ng doctor atsaka hinawakan sa balikat ang mommy ni Ross bago umalis.

“Tita” pagtawag sa kanya ni Hanz “I’m sorry. I’m not there-”

“Shh. Ross won’t be happy kapag nalaman niyang sinisisi niyo ang sarili niyo. Isa pa, he’ll wake up soon.” Bagaman umiiyak, nakangiti pa rin ito sa kanila. Nagulat pa ako nang bumaling siya ng tingin sakin.

“Ah tita, she’s Leisza-”

“I-ikaw si Leisza?” tanong niya at agad na lumapit sakin. Napatingin ako kay Hanz at tinanguan niya lang ako.

“A-ako nga po. Nice meeting you po.” nakangiting sabi ko, sa halip na sumagot ay niyakap niya ako, bagay na ipinagtaka ko.

“Iha..” nagsimula nanaman siyang umiyak kaya nataranta ako subalit hindi siya kumakalas sa pagkakayakap sakin “C-convince him. Please.”

The Stolen SelfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon