CHAPTER 25

39 11 0
                                    

HANZ' POV

Almost one hour na akong naghihintay kay Lei pero I don't mind. Alam ko namang si Leisza lang ang makakapilit kay Ross para pumayag na magpachemo eh.

Maya-maya lang ay nagring ang phone ko kaya agad ko itong kinuha.

Danny is calling...

Sinagot ko agad ang tawag ni Danny. Alam ko na kung tungkol saan ang magiging usapan namin.

"Yow!" pambungad niya.

"Manggugulo ka nanaman dre?" Natatawang tanong ko.

"Loko kakamustahin kita." Narinig ko ang pagtawa niya.

"Okay ako! Sige na!" Naiirita kunyaring sabi ko.

"Ano ba! Daming babae ang nangangarap tawagan ko tapos ikaw-"

"Hindi ako isa sa mga babae mo Perez! At malayo ako sa pagiging babae. Anong kailangan mo?"

"Sungit ni pogi oh! Nasan ka dre?" Tanong niya.

"Nasa hospital ako ngayon."

"Dinalaw mo?" Maingat ang paraan ng pagtatanong niya.

"Kasama ko si Leisza. Nag-uusap pa sila." Sabi ko habang ginagala ang paningin sa paligid.

"Inom natin yan dre." pang-aasar nito.

"Siraulo!" Natatawang sabi ko at narinig ko rin ang pagtawa niya.

"Pero seryoso. Paano ka?" Maya-maya'y tanong niya.

"Anong paano ako?" Nagtatakang tanong ko rin.

"Gago wag ako dre." Natatawang sabi niya pero hindi ako sumagot kaya nagpatuloy siya. (Ibig kong sabihin, ngayong alam na ni Lei yung sitwasyon ni Ross paano ka?"

"Anong paano ba dre?" pagtatanong ko pa.

"Pucha. Kala ko ang witty mo. Eh diba nililigawan mo na si Leisza? Okay naman kayo sabi mo. Eh ngayong alam niya na? Paano ka nga?" Pag-uulit niya ulit ng tanong.

"Ang tinatanong mo ba ay kung may chance pa ba kami ni Leisza?" Paglilinaw ko.

"Yun! Akala ko nawalan ka na ng kakayahan mag-isip eh!" Pagbibiro nito.

The Stolen SelfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon