CHAPTER 4

47 13 0
                                    


LEISZA'S POV

It's been a week since I ate lunch with Ross. Ang saya ko nun, pero it lasted for only three days. Yes, after three days back to normal ulit. Yung walang pansinan?

Hindi ko alam kung ano nanaman bang nangyari, nakakapagod na mag-isip sa totoo lang.

Katatapos ko lang maligo, medyo napaaga nga ako eh. Nagulat pa ko nung tumunog yung phone ko.

1 message receive:
Hanz Bustamante

Hey, Goodmorning Leisza. Have a nice day!

received: 5:00am

Wow, agang texter ah?

Reply:

Goodmorning din :) Be safe!

Sent: 5:01am

Medyo napapadalas ang pagtetext niya sakin, pero bihira ko na syang replyan.

1 message receive:
Hanz Bustamante

Wow. Himala! Ngayon ka lang nagreply at ang bilis pa ah? Ahaha :)

received:  5:02am

Mabilis ba yung reply ko? Okay sige, papatagalin ko muna. Hehehe

Nagsuklay muna ako at inayos ang gamit ko bago ako nagreply sakanya.

Reply:

Mabilis ba? Hawak ko kasi cp ko kanina. :D

Sent: 5:08am

Nung sa tingin ko ay wala na kong nakalimutan, lumabas na ko ng kwarto para mag-almusal. Habang bumababa ako ay nagvibrate ang phone ko.

Ang bilis naman netong magreply!

1 message receive:
Hanz Bustamante

Oh is that so? akala ko pa naman .. Hahaha

received:  5:09am

Napabuntong hininga ako sa text niya. Ilang saglit ko pa tong tinitigan bago maisipan na replyan.

Reply:

Akala ano? Haha. Sige ah, breakfast na ko. Ikaw din. Bye.

Sent: 5:10am

Ayun yung dahilan kung bakit iniiwasan ko syang replyan. Kapag ganun na kasi pakiramdam ko may pinahihiwatig sya, tinatapos ko na agad yung usapan namin. Ilang saglit lang ay nagvibrate ulit phone ko.

1 message receive:
Hanz Bustamante

Busog na ata ako. Haha See you later Lei. Take care.

received: 5:11am

Napabuntong hininga nanaman ako bago magtuloy sa pagbaba, pero nung nasa dulo na ko ng hagdan, dun ko na nilabas yung ngiti ko.

Hindi ko alam kung bakit. Mali, alam ko siguro kung bakit pero hindi ko matanggap, dahil mali.

Nandun na silang lahat sa dining area kaya nagulat sila nung makita ako.

"Oh! nakaligo kana? ang aga ah!" bungad sakin ni kuya.

"Goodmorning!" Sagot ko sakanya at lumapit kila mom and dad para halikan sila sa pisngi

"Goodmorning." sagot sakin ni mommy

"Kamusta tulog mo?" tanong ni daddy.

"Okay naman po dad." Nakangiting sagot ko habang umuupo.

The Stolen SelfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon