CHAPTER 13

33 13 0
                                    

HANZ' POV

Minsan lang dumating ang pagkakataon, kaya hindi dapat sayangin.

Nagsakripisyo ako dati para sa kaibigan ko, pero sinaktan nya lang si Lei. Ngayon kahit gawin pa akong rebound ni Leisza, ayos lang. Basta ilalayo ko sya kay Ross.

Kung ano man yung dahilan nya, kung sila nga talaga ni Cindy, wala ako na akong pake. Hahayaan ko sila basta wag na nila ulit guguluhin si Lei.

Ilang buwan na rin kaming regular na magkatext, minsan nga ay hindi lang text, magkatawagan pa. Palagi rin akong sumasabay sa kanilang maglunch, minsan naman ay kasama ang iba naming kaibigan.

Hindi ako manhid, ramdam kong may nararamdaman pa rin sya kay Ross. O baka nga mahal nya pa rin ang kaibigan ko. Pero handa akong magbulag-bulagan. Hindi naman ako martyr, alam ko kung kailan dapat titigil, pero sa ngayon nagsisimula palang ako.

Ang hindi ko lang maintindihan sa ngayon ay si Ross. Mula nang malaman nya na nililigawan ko si Lei, bigla syang naging iritado masyado kapag ako ang kaharap nya. Hindi ko maintindihan kasi nakipagbreak sya kay Leisza para kay Cindy. Ayun ang malinaw sa aming lahat. Lumalabas na si Lei talaga ang kawawa sa ginawa nya.

Ngayon ay papunta ako sa bahay ng tropa ko, nakagawian na namin na tuwing sabado ay magsasaya kami kasama ang section nila Leisza.

Kanina lang ay katext ko siya at sinabi nya na nadun na raw sya.

Ilang minuto lang din ay nakarating na ko sa bahay nila Hiro.

Pagpasok ko ay nagtatawan sila. Marami na ang nandun pero isang tao lang naman ang dahilan kung bakit ganado akong pumunta dito. Nang makita ko sya ay naglakad na ko papunta sakanya at umupo sa tabi nya. Nginitian nya ko at inalok ng juice, agad ko naman itong kinuha.

"Thank you. Kanina ka pa dito?" Tanong ko kay Lei.

"Medyo." Nakangiting sagot nya. komportable na kami sa isa't isa.

Nasulyapan ko si Ross na nakatingin kay Lei habang si Cindy naman ay nakayuko. Parang hindi ko nagugustuhan ang senaryong 'to. Lumingon nalang ako kay Leisza na agad naman akong nginitian.

"Parang panay ata ang ngiti mo ngayon ah?" Nakangiting biro ko.

"Ayaw mo ba?" Nagtatampo kunyaring tanong nya. Sa sobrang cute nya, Hindi ko napigilang hilamusin ang mukha nya ng isa kong palad at agad naman syang natawa sa ginawa ko.

"Ano ba Hanz! nagugulo ang mukha ko!" Natatawang pigil nya.

"Nagugulo mukha mo? Di pa naman napupunta sa gilid ilong mo eh!" Pang-aasar ko sakanya. Agad nya namang kinurot ang tagiliran ko at napailag ako agad dun.

"Ang pilosopo mo!" Natatawa talagang sabi nya. Inipit ko sya sa isa kong braso at ginulo ang buhok nya. Tawa kami nang tawa at inaasar na kami ng mga kasama namin.

"Grabe! Parang may hindi kami alam ah?" Natatawang sabi ni Zoey.

"Grabe ka Hanz. Dinadaan mo si Lei sa pag-ipit sa kili-kili mo!" Singit naman ni Danny at nagtawanan ang lahat.

"What?!" natatawang tanong ko. "Wala kaming tinatago ah!" Pagdedepensa ko pa.

"Utut mo Hanz wag kami!" Mataray na singit ni Ezra

"Bahala kayo-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may nagsalita.

"Kayo na ba Lei?" Nakangiting tanong ni Cindy, hindi sumagot si Leisza. "Well why not diba? Bagay naman kayo ni Hanz eh. Mukha namang gusto nyo ang isa't isa. Di ba Ross?" Baling nito sa katabi na kanina pa tahimik. Tumingin ako kay Leisza, ramdam ko ang biglaan nyang pananahimik.

The Stolen SelfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon